48
3RD POV
“May problema ba?” Tanong ni Recca sa kanya habang papalapit ito.
“It's been two weeks, hindi pa rin umuwi si Anna.” Wika ni Dylan.
“Bakit hindi pa rin siya umuwi?”
“Hindi ko alam, hindi ko nga alam kung nasa’n siya.”
“Baka nandon sa mga magulang niya.”
“Wala ro’n.” Inis na sagot ni Dylan, dahil marami na rin siyang inu-utusan para hanapin si Anna pero wala pa rin siyang nakukuhang balita sa kanila.
“Bakit mo pa siya hahanapin? Mas maganda nga na wala siya.” Napatingin sila kay Britney dahil sa sinabi nito.
“At mas gusto ko na wala siya.” Malandi na wika ni Britney habang hinahaplos ang braso ni Dylan.
Nang makalabas si Britney at Recca, ay hindi maiiwasan ni Dylan na mapatingin sa mini kitchen niya sa loob ng kanyang office, dahil simula noong umalis si Anna ay hindi na siya nagluluto rito.
Hindi niya rin maiwasan na ma-miss si Anna, sa tuwing napa-patingin siya sa sofa, dahil kapag nasa office ito ay lagi itong hihiga sa sofa habang hawak nito ang kanyang phone.