66
3RD POV
“Mr. Martinez?” Napatayo si Dylan habang inabot ang kamay ng babae na nasa kanyang harapan.
“I'm Mia Liu.” Wika nito habang umupo sa upuan.
“Anong gusto mong pagkain?” Tanong ni Dylan sa kanya habang umiling ito.
“Tea nalang sa ‘kin.” Wika niya habang tumingin sa waiter.
“So, ano ang kailangan mo sa akin Mr. Martinez?” Tanong niya habang nakatitig lang sa kanya si Dylan.
“I can’t believe na isang magandang babae pala ang may-ari ng Chantal's boutique.” Wika niya, habang nailing ito sa kanya at ngumiti.
“Well actually, hindi naman talaga ako ang owner sa boutique na ‘yon, ako lang ang pinagkatiwalaan ng may-ari.”
“What do you mean?”
“The real owner of that boutique was Aira Wang.”
“Aira Wang? Kung ganun, Isa sa pagmamay-ari nila ang Chantal’s boutique?” Tumango si Mia sa kanya.
“Then, bakit Ikaw ang pinapunta niya rito?”
“Are you kidding?” Napakunot ang noo ni Dylan, dahil sa sinabi sa kanya ni Mia.
“Hindi ka ganun ka importanteng tao para harapin ni Miss. Wang.”