70
3RD POV
Napatingin si Recca kay Anna, nang bigla itong tumayo.
“Hey!” Wika niya habang hindi siya pinakinggan ni Anna at dali-dali itong lumabas sa kanyang kwarto.
“Dylan!” Sigaw niya habang pumasok sa kwarto ni Dylan.
“What are you doing here?” Walang emosyon na tanong ni Dylan sa kanya. Hinawakan niya ang kamay nito at mabilis itong winaksi ni Dylan.
“Patawarin mo na ako Dylan… Hindi ko naman ‘yon sinadya…”
“Hindi?! Ano ba talaga ang tingin mo sa akin tanga! Umalis ka na Anna, at ‘wag ka nang babalik pa rito!”
“Ayoko! Dylan… ‘Wag mong gawin sa ‘kin ‘to please… Dylan asawa mo ako…”
“Asawa?” Wika ni Dylan habang tiningnan siya ng nakaka-insulto.
“Alam mong asawa lang kita sa papel, kaya sa oras na makapag-file ako ng divorce siguraduhin kung maibabalik ko kayo sa basurang pinanggagalingan niyo.” Wika ni Dylan sa kanya at tinulak siya.
“Dylan… Pwede bang makinig ka muna sa akin…” Mahina niyang wika habang tumayo.
Nang makalapit siya kay Dylan ay aagad na itinaas ni Dylan