85
3RD POV
“Fine, hindi ka muna namin i-uuwi.” Napalingon si Dylan kay Recca, dahil sa sinabi nito sa kanya.
“Hindi pwede, kailangan kung masundan si Anna. Siya lang ang susi para makita ko si Aira!” Galit na wika ni Dylan sa kanya, dahil habang pinagmasdan niya ang bata kanina ay malakas ang pakiramdam niya na makita niya si Aira.
“Pero Dude, hindi naman natin siya pwedeng dalhin pabalik sa Manila.”
“Alam ko, kaya kailangan natin pumunta sa isang police station para roon natin siya iwan.”
“Iwan? Bakit niyo ko iwan? Gusto niyo sombong kayo guard namin? Lagot kayo.. Marami sila baril.” Napapikit si Dylan sa mga mata niya dahil sa sinabi ng bata sa kanya.
Nang makalabas sila sa coffee shop ay agad na ibinaba ni Dylan ang bata. Pero hindi niya inaasahan na bigla itong tatakbo.
“Fvck!” Sigaw niya habang nakita itong sumakay sa elevator paakyat muli sa mall. Mabilis na sinundan nila ang bata, habang tuwang-tuwa ito sa pagtakbo na ginawa ni Dylan.
Mabilis na tumakbo ulit ang bata at