97
3RD POV
“Kumusta sila?” Tanong ni Recca kay Anna, habang napatingin si Anna sa mga bata na nakatulog na.
“Ayos naman sila at tulog na.”
“Magpahinga ka muna.” Wika ni Recca habang umiling si Anna sa kanya.
“Bakit ayaw mong magpahinga? Kailangan mo ng pahinga Anna.”
“Paano ako makapag-pahinga Recca? Kung ang isip ko ay nando'n kay Ate Dylan at Mommy?” Iyak na wika ni Anna sa kanya.
“Wala tayong magagawa? Paano kung magkasakit ka? Sino ang mag-aalaga sa kanila?” Napahinga ng malalim si Anna dahil sa sinabi ni Recca sa kanya.
“Hayaan mong ako muna ang pupunta sa kanila. Dito ka muna at magpahinga kasama ang mga bata.” Wika ni Recca habang hinaplos ang braso ni Anna.
Tumango naman si Anna kaya napangiti si Recca sa kanya. Alam niya kasi na sobrang pagod na si Anna, dahil kung wala ito sa hospital ay sa mga bata naman ito nag-aalaga.
Nang makita ni Recca na mahimbing na natutulog si Anna, ay agad niya itong binilin sa katulong, dahil kailangan niya na pumunta sa hospital.
“Tita