"Ano ba ako sa'yo, Isaac? Ano ba talaga ako sa buhay mo?"
Naguguluhan na tinitigan ni Isaac ang umiiyak na ngayong si Hope. "Bakit mo sinasabi 'yan?" tanong niya. Ikinulong niya ang mukha nito sa mga palad niya at sinubukang pahirin ang mga luha sa pisngi nito subalit inilayo nito ang mukha sa kaniya.
"Bakit hindi mo sinabi sa akin na allergic ka sa seafoods?" tanong ni Hope. Bakas sa boses nito ang paghihinanakit.
Napakunot si Isaac. Hindi makapaniwala sa inaasta ngayon ni Hope. Tumayo siya at nakasimangot na tiningnan ito. "You're acting like this dahil lang do'n? Hope, why would you get upset to something petty?"
Laglag ang pangang napatitig naman si Hope kay Isaac. Hindi niya mapaniwalaan na ganoon lamang kawalang halaga ang tingin nito roon.
"Petty? You think that was petty? Isaac, hindi mo ba nakita ang nangyari kanina? Napahiya ako sa harapan ng mga kaibigan mo dahil hindi ka naging honest sa akin. Isa pa si Angenette! Pinagmukha niya akong katawa-tawa sa kanilang lahat! Ano na