Buong akala ni Hope Vasquez ay siya na ang pinakamasuwerteng babae sa buong mundo nang pakasalan siya ni Dr. Isaac Monteverdi, ang lalaking pinapangarap niya simula pa noong bata pa lamang siya. Hindi lingid sa kaniyang kaalaman na ang dahilan lamang ng pagpapakasal ng lalaki sa kaniya ay para sundin nito ang kagustuhan ng kanilang mga magulang at para na rin takasan nito ang masakit na alaala sa dating kasintahan. Hope gave her all for Isaac para matutunan din siya nitong mahalin. She even gave up her glamorous career in show business and became the kind of wife every man dreams of. Subalit gumuho ang kaniyang pangarap na mamahalin din siya ng asawa nang biglang bumalik sa buhay nito si Angenette, his first love. Kung kailan nagsisimula niya nang makuha ang loob ni Isaac ay saka naman ito bumalik para bawiin ito sa kaniya. Despite of everything Isaac did that could ruin their marriage, Hope remained loyal to him. Handa siyang magpakatanga at tanggapin ang pagtataksil nito as long as na hindi siya iiwanan nito. Subalit isang trahedya ang nagpabago sa kaniyang pananaw at sa pag-ibig niya para rito na buong akala niya ay walang katapusan. She wanted revenge. Gagawin niya ang lahat para iparamdam dito ang sakit na pinaramdam nito sa kaniya. She's willing to risk everything para maisagawa ang paghihiganti niya kahit pa ibig sabihin n'on ay kailangan niyang gamitin si Zeke, ang best friend niya na totoong nagmamahal sa kaniya. Saan kaya hahantong ang paghihiganti niya?
View MoreAbot tainga ang ngiti ni Hope habang nakatanaw sa labas ng bintana ng eroplanong sinasakyan kasama si Zeke; ang kan'yang best friend at manager.
"I can't believe we're finally getting home!" bulalas niya nang marinig sa intercom ang boses ng kanilang piloto na nagsasabing malapit na sila sa kanilang destinasyon. Hindi niya napigilang mapapalakpak sa labis na tuwa."You're being too loud, Hope. Baka makilala ka ng mga pasahero. Gusto mo bang dumugin tayo ng mga fan mo rito?" masungit na saway sa kaniya ni Zeke.Bahagya niya namang ibinaba ang suot na cap upang matakpan ang kan'yang mukha sa pangambang baka magkatotoo nga ang sinabi ni Zeke. She knew that whatever comes out of Zeke's mouth, always comes true.Muli siyang napalingon kay Zeke nang tawagin siya nito. Without a word, marahan na iniipit nito sa kan'yang tainga ang ilan sa mga hibla ng kan'yang mahabang buhok at sinuotan siya ng itim na face mask para itago ang kan'yang mukha . "Don't forget to wear your sunglasses later when we get off the plane," he reminded her."Opo, Mommy," pabiro niyang tugon. "But don't you think na mas lalo pa akong makakakuha ng atensyon kung ganito ang ayos ko?"Naisip ni Zeke na may punto rin naman si Hope subalit naisip rin nito na mas ligtas para rito ang itago na lang nito ang mukha sa lahat. "No, hide your face from everyone at all cost," maawtoridad nitong sabi na sinunod naman ni Hope.It's been nearly a decade since Hope flew abroad to pursue her dream of becoming a well-known actress. Now that that has been accomplished and almost everyone in the world knows her, she wishes to return to her hometown and continue her career there.Bukod sa na-mi-miss na niya ang buhay sa kinalakihang lugar, ang isa sa mga nagtulak sa kan'ya upang umuwi ay ang pangungulila niya kay Isaac.Si Isaac ay anak ng matalik na kaibigan ng kan'yang ina at siya rin ang kauna-unahang lalaki na bumihag sa kan'yang puso. Bagama't mas bata siya ng apat na taon kay Isaac, hindi iyon naging hadlang para hindi niya ito magustuhan. Noon pa man ay na-imagine niya na na ito na ang lalaking makakasama niya sa pagtanda at kasamang bubuo ng pamilya kahit pa hindi naman sila nito gaanong malapit sa isa't isa. Madalas ay palihim niya lang itong sinusulyapan sa kanilang dating paaralan o kaya naman ay sumasama siya sa kan'yang Mommy Hilda sa tuwing bibisita ito sa kan'yang Tita Lorna na siyang ina ni Isaac.Bagama't matagal siyang nalayo kay Isaac, kailan man ay hindi siya nakalimot dito. Ipinangako niya sa sarili noon na oras na matupad niya na ang kan'yang pangarap at mayroon na siyang maipagmamalaki rito ay babalikan niya ito.*****Tumatakbong lumabas ng airport si Hope upang maghanap ng taxi na kan'yang sasakyan patungo sa Duncan Mills Hospital kung saan nagtatrabaho si Isaac bilang isang surgeon."Will you please stop running, lady," hinihingal na saway ni Zeke. Tulak-tulak nito ang kanilang mga bagahe na nakasakay sa trolley."Will you be fine without me, Zeke?" tanong niya rito nang may taxi driver na kumaway sa kan'ya."I should be the one asking you that_. Wait, what do you mean?" Kunot-noo siyang tiningnan ni Zeke."I need to stop by somewhere else," tugon niya, saka kinawayan ang driver at sinenyasan ito na lumapit sa kan'ya. Katulad ng payo sa kan'ya kanina ni Zeke, nagsuot siya ng sunglasses at kan'ya ring inayos na ang suot na cap at face mask.Hindi niya man sabihin kay Zeke kung saan talaga siya pupunta ay tiyak na nito kung sino talaga ang sasadyain niya."Don't you think na mas excited ka pa yatang makita ang Isaac na 'yon kaysa sa pamilya mong matagal na naghintay sa pag-uwi mo?" tila nangongonsensyang sabi nito na tinawanan niya lang."Kiss them for me, Zeke. I'll see you later," paalam niya na lang, saka sumakay na ng taxi.Mabilis na dinukot ni Zeke ang kaniyang phone sa bulsa at kinunan ng litrato ang plate number ng papalayo nang taxi. Pagkatapos itong makunan ng larawan ay wala na siyang ibang nagawa kundi sundan na lang ito ng tingin. Napabuntong-hininga siya. "Ingat."*****Matingkad na amoy ang sumalubong kay Hope nang pumasok siya sa entrance ng Duncan Mills Hospital. Iyon 'yong karaniwang naaamoy sa loob ng ospital katulad na lang ng disinfectant.Walang pagsidlan ang tuwang nararamdaman ni Hope sapagkat ilang sandali na lang ay makikita niya nang muli si Isaac.Sa paglipas ng bawat sandali ay palakas nang palakas ang kabog ng kan'yang dibdib dahil sa pinaghalong excitement at kaba.Nagsimula na siyang mag-ikot-ikot sa loob ng ospital at pasimpleng tinitingnan ang mga doctor na nakakasalubong. Umaasa na isa sa kanila ay si Isaac. Subalit lumipas na ang ilang minuto, hindi niya pa rin ito nakikita.Nagyuko siya ng ulo nang mapansin na may ilan nang tumitingin sa kaniya. Kinabahan siya bigla kasi baka may nakakakilala na sa kaniya. Wala pa naman si Zeke para alalayan siya.Nagpatuloy na lamang siya sa paglalakad habang nakayuko pa rin. Paliko na siya sa isang pasilyo nang bigla na lang siyang may nakabanggang isang lalaki. Nang mag-angat siya ng tingin ay natigagal siya at pinagpulahan ng mukha nang matuklasan kung sino iyon. "Isaac?"May pagtataka siyang tinitigan ng lalaki. "Hope?"Kaagad na kinapa ni Hope ang mukhang natatakpan ng face mask. Labis-labis ang tuwang kan'yang naramdaman nang nakilala siya nito sa kabila ng face mask na suot."H-hi, kumusta ka na?" nahihiyang sabi niya rito.Sa paglipas ng panahon ay mas lalo pang naging guwapo sa kan'yang paningin si Isaac. Mas tumangkad pa ito at naroon pa rin ang matinding sex appeal nito na tiyak niyang kinahuhumalingan ng mga babaeng nakakakilala rito.Lumabas ang isang biloy ni Isaac sa pisngi nang ngitian siya nito. Isinuksok nito ang parehong kamay sa bulsa ng suot nitong puting coat. "I'm doing great. Umm... Bakit ka nga pala nandito?"Bahagya siyang nakaramdam ng lungkot sa naging tugon nito dahil ni hindi man lang siya kinumusta nito. Sa bagay, hindi naman sila close nito kaya ano naman ang aasahan niya?"Haven't you seen the news? Umuwi ako kasi may mga project na in-o-offer sila sa akin dito," sagot niya na lamang.Natawa si Isaac. "No, ang ibig kong sabihin, bakit nandito ka sa ospital?"Napangiwi siya dahil sa pagkapahiya. "Ah, sorry..." Nag-isip kung anong palusot ang sasabihin kung bakit siya naroroon. "Ummm... My friend is sick. Binisita ko lang.""I see." Tumango-tango si Isaac na mukhang naniwala naman sa kasinungalingan niya.Ilang sandali silang natahimik at tiningnan lang ang isa't isa. Mabilis na iniiwas niya ang tingin kay Isaac at iniyuko ang ulo sa pangambang baka mahalata nito ang kan'yang nararamdaman. Matagal na panahon niyang itinago ang nararamdaman para rito at hindi pa siya handang ipaalam dito iyon."Ikaw, kumusta ka na?" pagbasag ni Isaac sa nakakailang na katahimikan."I'm fine. Medyo busy lang sa schedule.""Oo nga eh, napanood ko sa balita," tugon nito at naiilang na ngumiti. Para itong napipilitan lang na makipag-usap sa kaniya.Isang alanganing tawa na lamang ang itinugon niya dahil maging siya ay nailang na rin. Napansin niya rin na madalas itong luminga-linga at panaka-nakang sinusulyapan ang suot na relo. Naisip niya na baka naaabala na niya ito.Magpapaalam na sana siya nang may kinawayan si Isaac sa kan'yang likuran. Sinundan niya ng tingin ang kinakawayan nito at nakita ang isang babaeng nurse na naglalakad palapit sa kanila. Binati niya naman ito nang huminto ito sa kanilang tapat.Mukhang nakilala naman siya ng babae dahil kitang-kita niya ang gulat sa mukha nito nang titigan siya nito."Miss Hope Vasquez?""Hello po," bahagya niyang iniyuko ang ulo at binati ang nurse."Anak siya ng best friend ni Mama," pakilala sa kan'ya ni Isaac sa nurse.Napansin niya na medyo malapit sa isa't isa si Isaac at ang babaeng kaharap base sa paraan ng pag-uusap at pagtititigan ng mga ito. Dahil do'n, hindi niya na napigil ang sariling magtanong. "Is she your friend?"Kitang-kita niya ang biglang pagkinang ng mga mata ni Isaac habang nakatitig sa nurse. Ni minsan ay hindi niya pa nakita ang ganoong klaseng kislap sa mga mata nito noon.Nakangiti siyang nilingon ni Isaac sabay hinawakan ang kamay ng nurse."Hope, this is Angenette... My girlfriend."Labis ang pagtataka ni Hope nang magising siya sa bahay ng Mommy Hilda niya. Mas lalo pa siyang nagtaka nang matuklasan na naroroon din and Daddy Wilson at ang Tita Yvette niya. Doon na raw nagpalipas ng gabi ang mga ito matapos siyang sunduin sa bahay nila ni Isaac na hindi niya naman maalalang nangyari. Ang huling naalala niya lamang ay ang pagputok sa iba't ibang social media sites ng eskandalong kinasasangkutan niya."Kumain ka, Hope. Kailangan mong magpalakas, tingnan mo, nangangayayat ka na," sabi kay Hope ng kaniyang Mommy nang hindi niya man lang ginagalaw ang inihanda nitong agahan."Wala po akong gana—""Listen to your mom, Hope," putol naman ng Daddy Wilson niya sa tangka niyang pagsasalita. Tiningnan niya ito at ang katabi nito ngayong si Yvette. Ni sa panaginip ay hindi niya nakita na magsasama-sama silang apat sa iisang bahay."Hindi ninyo naman po ako kailangang kunin sa bahay. Kaya naman po naming ayusin ito nang kami lang," nakayuko niyang sabi."We know that pero bil
Galit na naikuyom ni Isaac ang mga kamao nang matuklasang si Doc Kevin ang may pakana ng eskandalong kinasasangkutan ngayon ni Hope. Ipinaliwanag sa kaniya ni Zeke ang lahat ng nalalaman nito."But how was he able to install a camera here?" "Malamang ay nakalagay iyon sa isa sa mga regalong ipinadala niya kay Hope," ani Zeke, saka bumalik sa silid na dating inuukupa ni Hope. Mabusisi nitong sinuri ang mga gamit sa loob lalo na ang mga regalo na mula sa mga tagahanga ni Hope. Tinulungan na rin ito ni Isaac sa pag-iimbistiga.Nakuha ang atensyon ni Isaac ng malaking pink teddy bear. Binuhat niya iyon at pinakatitigan nang mabuti. Lumapit sa kaniya si Zeke pagkatapos, napatitig ito nang maigi sa malaking mata ng teddy bear. His instincts told him to detach the eyes of the stuffed toy from its head. Halos sabay silang napamura nang makita ang maliliit na wirings sa likod ng mata ng teddy bear. Ito na nga ang hidden camera na hinahanap nila."That psychopath! Matagal niya nang minamanman
Pagdating sa bahay ay kaagad na napansin ni Hope ang isang kulay pink na box sa tapat ng kanilang pintuan. Kinuha niya iyon at ipinasok sa loob ng bahay. Marahil ay galing iyon sa isang tagahanga... o kay Doc Kevin."Where have you been?" tanong sa kaniya ni Isaac nang datnan niya ito sa kusina."Just somewhere," malamig niya namang tugon dito sabay ipinatong sa mesa ang dalang box."You're no longer using your cane," puna pa nito.Pinagalitan ni Hope ang sarili sa loob-loob. Bakit niya ba nakalimutan ang props na iyon?"I don't need it anymore. Kaya ko namang maglakad na nang wala iyon."Tumangu-tango naman si Isaac, saka tumingin sa pink box na dala niya. "From that number one fan again?" tanong nito, subalit hindi na siya sumagot.Binuksan ni Hope ang kahon at nagulat nang bumulaga sa kaniya ang laman nitong kulay pink na teddy bear na punit-punit na ang katawan at may mga mantsa ng tila sariwang dugo. Napalayo siya dahil sa masangsang nitong amoy."What's that smell?" nakasimangot
Ini-locked ni Hope ang pinto ng kanilang silid ni Isaac pagkapasok niya sa loob. Saka niya pa lamang nagawang bitiwan ang hagulhol na kanina pa gustong kumawala sa kaniyang dibdib. Mariin niyang tinakpan ang bibig. Ayaw niyang marinig siya ni Isaac dahil ayaw niyang isipin nito na nasasaktan siya sa desisyon niyang hiwalayan na ito.Nagagalit siya sa sarili. Hindi niya maunawaan ang nararamdaman. Bakit pa rin siya nasasaktan gayong dapat ay masaya na siya dahil sa wakas ay nakaganti na siya kay Isaac? Nasaktan niya na ito. Dapat siyang magdiwang.Paulit-ulit na hinampas nang malakas ni Hope ang dibdib."Tama na! Tama na! Matigas ka na dapat! Hindi mo na dapat siya iniiyakan!"Buong magdamag na umiyak si Hope sa gabing iyon. Kinaumagahan ay nagising siyang nakahiga sa sahig. Hindi niya namalayan na nakatulog na siya roon sa kaiiyak.Pagkalabas niya ng kwarto ay nadatnan niya si Isaac na naghahanda ng agahan sa hapag-kainan. Sandali niyang pinanood ito sa ginagawa hanggang sa napansin n
Naghambalan ang mga kasangkapan sa living room ni Doc Kevin pagkatapos nitong magwala. Nagngingitngit sa galit siyang umuwi pagkatapos ng pagkikita nila nina Hope at Zeke at ang kaniyang mga gamit sa bahay ang kaniyang napagdiskitahan. Pakiramdam niya ay pinaglaruan siya ni Hope. "You can't do this to me, Hope!" gigil at mabigat ang hiningang sigaw ni Doc Kevin habang nakaupo sa nakabalagbag na ngayong sofa. Ngumingisi niyang isinuklay sa magulo nang buhok ang duguan niya nang kamao dahil sa paulit-ulit na pagsuntok sa pader. "Kung akala mong ganito kabilis matatapos ang lahat, nagkakamali ka." Nagmartsa si Doc Kevin patungo sa kaniyang silid. Naupo siya sa harapan ng kaniyang study table at binuksan ang kaniyang laptop. Muli siyang napangisi nang mahanap ang file na kaniyang sadya. Binuksan niya iyon pagkatapos ay bumungad na sa kaniya ang mga hubad na larawan at videos ni Hope habang nasa silid nito ito. Palihim niyang nakuhanan ang mga ito sa pamamagitan ng spy cam na inilagay niy
Inilayo ni Hope ang mukha kay Zeke. "Zeke, what are you doing?!" Mas lalong humigpit ang hawak ni Zeke sa kaniyang batok. Pinipigilan siya nitong lumayo rito. "He's watching." "Ano?" Tinangka niyang lumingon sa likuran, subalit pinigilan siya nito at isinandal siya sa upuan. Natatakot na siya sa ginagawa nito. Inilapit muli ni Zeke ang mukha sa kaniya. Mariin siyang napapikit nang halos maglapat na naman ang mga labi nila. "Isaac's here. Nakikita niya tayo." Napadilat siya nang magsalita ito. Naka pwesto pa rin ito sa kaniyang harapan at halos nakadikit pa rin ang mukha nito sa kaniya. Kung sinuman ang nakakakita sa kanila sa labas ay tiyak iisipin ng mga ito na naghahalikan sila. "How long has he been here?" "He just arrived few minutes ago." Napalunok siya nang bahagyang sumagi sa labi niya ang labi ni Zeke nang nagsalita ito. "Z-Zeke—" "Do we have a deal now?" agaw ni Zeke sa pagsasalita niya. "What?" "Na ako na'ng magiging partner mo sa plano mong paghihiganti kay Isaac
Mag-isa si Hope sa loob ng kotse ni Zeke sa parking lot ng studio. Iniisip pa rin niya ang nangyari sa kanila kanina ni Doc Kevin. Naging bahagi na ng trabaho niya noon pa man ang mahalikan ng kung sinu-sinong lalaking artista, pero ang nangyari kaninang paghahalikan nila ni Doc Kevin ay bukod tanging nakapagpatindig sa kaniyang mga balahibo at nagpakilabot. Gusto niyang masuka. Nandidiri siya sa sarili niya.Umiiyak na isinubsob ni Hope ang mukha sa mga palad habang paulit-ulit na nananariwa sa kaniyang alaala ang ginawa sa kaniya ni Doc Kevin.[Flashback]Halos mapugot na ang hininga ni Hope sa ginagawang paghalik sa kaniya ni Doc Kevin. Sinubukan niya itong itulak palayo sa kaniya, subalit mas lalo lang nitong idinidiin siya sa pader. Nasasaktan na siya at natatakot sa maaari nitong gawin."Kevin, please..." Nanghihina niyang sabi nang lumipat sa kaniyang leeg ang mga halik nito pagkatapos, muli na naman nitong inatake ang kaniyang mga labi.Nahigit niya ang hininga nang nagsimula
Panaka-nakang tinitingnan ni Hope ang cellphone sa ibabaw ng mesa habang kumakain ng tanghalian. Tatlong oras na magmula nang tinext niya si Doc Kevin, pero wala pa rin siyang natatanggap na reply mula rito. Dati naman ay mabilis itong mag-reply sa kaniya. Naglaho si Doc Kevin nang parang bula noong gabi ng house party sa bahay nina Hope at Isaac. Simula noon ay hindi na ito nagparamdam sa kaniya. Noong una'y ipinagpalagay ni Hope na busy lamang ang doktor, subalit pagkatapos ng halos dalawang linggo na wala itong paramdam sa kaniya ay nag-alala na siya. "May nagawa kaya akong ikinagalit niya?" Pilit na inalala ni Hope ang mga ginawa noong house party. Wala siyang maalalang ginawang mali. Nag-alala siya bigla. Paano kung nagbago na ang isip nito? Paano na ang paghihiganti niya kay Isaac? Dinampot ni Hope ang cellphone. Akmang tatawagan niya na si Doc Kevin nang bigla naman siyang tinawagan ni Zeke. "Hi, Zeke. Napatawag ka?" ["Where are you?"] "Home. Why?" ["Get dress. I'm going
Tahimik na naupo si Isaac sa hapag-kainan habang si Hope naman ay nauna na sa kaniyang kumain ng agahan. Pagkatapos ng nakita niya kagabi ay hindi niya nagawang makatulog nang mahimbing. Hanggang sa panaginip ay dala-dala niya ang imahe ni Hope na nakahalik sa pisngi ni Doc Kevin."Isaac, hindi mo ba gusto ang breakfast? Pwede kitang ipaghanda ng bago," wika ni Hope nang mapansin na hindi niya man lang ginagalaw ang pagkain.Tinitigan niya si Hope. Gusto niya itong tanungin ng tungkol sa nakita niya subalit nag-aalangan siya. Baka kasi kung saan mapunta ang usapan nila kung uusisain niya ito tungkol do'n. Bukod do'n, pakiramdam niya'y wala siyang karapatang husgahan ito pagkatapos ng mga kasalanan niya rito noon."May dumi ba ako sa mukha? Bakit mo ako tinititigan nang ganiyan?" naiilang ang tawa na sabi pa ni Hope.Pilit at tipid niya na lamang itong nginitian, saka umiling. Nagpasya siyang huwag na lamang itong tanungin sa nakita. Maaari rin kasing wala namang ibang ibig sabihin iyo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments