"What shall we have this time, Timmy? Chocolate or strawberry?" nakangiting tanong ni Angenette kay Timmy habang nakaupo ito sa loob ng kaniyang shopping cart. Ipinakita niya rito ang dalawang kahon ng cereal na may flavor ng chocolate at strawberry.
Ngumuso naman si Timmy at sandaling nag-isip. "Hmmm... Chocolate!" malakas na sabi nito sabay turo sa napili nito.
Nakangiti at gigil namang kinurot nang marahan ni Angenette ang pisngi ng anak bago inilagay sa cart ang kahon ng cereal.
Nagpatuloy sila sa pag-iikot sa grocery. Nang mapunta sa vegetable section ay napahinto siya nang marinig ang isang pamilyar na boses.
"Naku naman, Esther, sa tagal mong nagtatrabaho sa amin hindi mo pa rin talaga kabisado ang gusto ng Sir mo? Mabuti na lang at sumama ako ngayon sa pamimili kundi puro palpak na naman ang bibilhin mo. Palibhasa isa ka nga palang pobre kaya ano naman ang aasahan ko?" mahinahon subalit bakas ang matinding inis sa boses ng nagsasalita.
Luminga-linga si Angenette hanggang sa nap