Cari
Pustaka
Beranda / Romance / My Sweetest Downfall (Tagalog) / Chapter 28

Chapter 28

Penulis: Chel Aguirre
2023-05-12 12:44:06
Naglalayag ang isip ni Isaac habang naglalakad sa mataong sidewalk pabalik sa ospital pagkatapos niyang kumain ng tanghalian sa restaurant na madalas niyang kainan. Sinusubukan niya nang alisin sa isip si Angenette ngunit dahil sa pagtatagpo nila kanina ay ito na naman ang laman ng isip niya ngayon.

Nagagalit siya sa sarili. Pakiramdam niya ay pinagtataksilan niya ang asawang si Hope. Siguro nga ay nararapat lang sa kaniya ang ginawa nitong pagsigaw, paghihinanakit, at pagsumbat noong nakaraang gabi.

Napakunot-noo at napahinto siya nang mapansin ang kumpulan ng mga tao sa unahan niya. Tila ba may pinanonood ang mga ito base sa hitsura at bulung-bulungan ng mga ito.

Hindi ugali ni Isaac ang makiusyoso sa iba subalit may kung ano'ng bumulong sa kaniyang isip at nakisilip na rin siya sa mga usyusero. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang isang malaking lalaki na sinasaktan ang isang babae. Mura, sabunot, sampal, at tadyak ang inabot ng kawawang babae sa lalaki.

Nagsimulang umakyat an
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi