THIRD PERSON POV
Dahil sa labis na pag-iyak ay nakatulog si Yanne sa bisig ni Andrew. Kaya naman binuhat niya ito at iniakyat muna papunta sa dati nitong silid. Nang masigurado niya na mahimbing na ang tulog ng babae ay mabilis siyang lumabas para pumunta sa secret office ng kanyang kaibigan.
Kahit siya ay hindi makapaniwala na may ganitong tinatago ang kaibigan niya. Ito ang tunay na dahilan kaya pinatay ang kaibigan niya. Wala man lang itong sinabi sa kanya. Basta kapag tinatanong niya ito noon ay busy lang lagi ang sagot nito.
Mabilis niyang tinawagan ang kaibigan niyang si Val. Dahil ito ang makakatulong sa kanya at ito ang mapagkakatiwalaan niya. After ilang minutes ay nakarating naman ito agad.
“Hindi ko talaga inaasahan na hawak niya ang mga ito,” sabi ni Val na hindi makapaniwala sa makikita ng mga mata niya.
“Kahit ako ay hindi ko rin alam na kaya pala sobrang busy niya ay ito ang mga ginagawa niya.”
“Sa tingin ko ay hinintay talaga niya na umuwi ang anak niya. Kaya lang iyon