Sa edad na sampung taong gulang ay ipinadala si Marianne "Yanne" Nerizon ng kanyang magulang sa ibang bansa upang makalayo sa magulo na mundo ng politika. Isang Congressman ang kanyang ama at yumao na ang kanyang ina. After 13 years ay bumalik na siya sa Pilipinas ngunit sa kanyang pagbabalik ay siya ring araw na namatay ang kanyang ama. Inambush ang kanilang sasakyan at isang himala na nakaligtas si Marianne. Sa kanyang paggising ay bumungad sa kanya ang isang gwapong lalaki. At nalaman niya na ito pala ang kanyang ninong. Ang ninong niya na isang Mayor. Dahil naging ulila na siyang lubos ay ang ninong na niya ang kanyang magiging bagong guardian. Ngunit paano kung sa kanyang pagtira sa bahay nito ay siya ring pag-usbong ng pagmamahal sa kanyang puso. Kaya ba niyang pigilan ang kanyang sarili na mahulog sa kanyang Ninong Mayor? Her Ninong Andrew Alcantaria.
View MoreAUTHOR'S FRIENDLY REMINDER: THIS IS A MATURE CONTENT STORY/ Age gap story.. AND NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS! ANG LAHAT NG NAKASULAT DITO AY KATHANG ISIP LAMANG KAYA WAG MASYADONG SERYOSOHIN! THANK YOU!
MARIANNE “Daddy!” Masaya kong sinalubong ng isang mahigpit na yakap ang daddy ko. “My baby!” “Daddy, I’m not a baby anymore. Twenty two years old na ako. Dalaga na ako at puwede na nga akong mag-asawa.” Pabiro na sabi ko sa kanya. “Hindi ka pa puwedeng mag-asawa, baby. Just enjoy life at ‘wag mo munang isipin ang tungkol sa pag-aasawa.” “Just kidding, dad. I miss you so much,” sabi ko sa kanya dahil sobra ko siyang nami-miss. After thirteen years ay makakauwi na rin ako sa Pilipinas. My dad is a Congressman at ayaw niya na nasa Pilipinas ako. Ayaw niyang madamay ako sa magulong mundo ng politika. Pero ngayon na malaki na ako ay sinabi ko sa kanya na gusto ko ng umuwi sa Pilipinas. Tapos na rin naman akong mag-aral kaya wala ng dahilan para mag-stay ako dito sa America. Nandito ang daddy ko dahil sinusundo na niya kami ni yaya. Bukas ang flight namin pabalik sa Pilipinas. Ang daddy ko na lang ang kasama ko sa buhay dahil wala na ang mommy ko. Ang alam ko ay may girlfriend ang daddy ko pero wala naman siyang pinapakilala sa akin. Bata pa ang daddy ko, maaga lang kasi siyang nag-asawa. Maaga niyang nabuntis ang mommy ko kaya nagsama na silang dalawa at ako ang naging bunga. Responsible ang mga parents ko kahit pa minor pa lang sila noon. Dahil kung hindi ay baka wala na ako sa mundong ito. Masasabi ko na spoiled ako ng daddy ko. Lahat ng gusto ko ay binibigay niya. “Baby, ready ka na bang umuwi sa Pilipinas?” tanong niya sa akin. “Ready na po, daddy.” sagot ko sa kanya. “Sorry, baby.” “Bakit ka po nagsosorry?” nagtataka na tanong ko sa kanya. “Sorry po, kasi hinayaan ko na lumaki ka dito.” sagot niya sa akin. “I understand, dad. You’re just protecting me at nagpapasalamat ako. Siguro may time na malungkot ako lalo na kapag nami-miss kita. Pero alam ko na kahit wala ka sa tabi ko ay mahal mo ako. Hinayaan mo akong mabuhay na ayon sa gusto ko. I’m thankful and grateful for that. I love you, dad.” malambing na sambit ko. “I love you, baby.” niyakap niya ako at hinalikan niya ako sa noo. Nasa biyahe kami ngayon papunta sa bahay na tinutuluyan ko. Nang nakarating na kami ay hinayaan ko na magpahinga ang daddy ko. Habang kami ni yaya ay inaayos ang mga gamit ko. “Yaya, kaya ko na po ito.” sabi ko sa kanya. “Tutulungan na kita,” nakangiti na sabi niya. “Yaya, thank you. Simula noong maliit ako hanggang ngayon ay nasa tabi pa rin kita. Nasasaktan ako kasi kailangan mo ng umuwi sa pamilya mo. sorry kung hindi ka na nakapag-asawa ng dahil sa akin.” sabi ko sa kanya. “Bakit mo sinisisi ang sarili mo? Wala kang kasalanan. Choice ko na hindi mag-asawa,” nakangiti na sabi niya at hinaplos niya ang buhok ko. “Mahal na mahal po kita, yaya. Alam ko na late na pero makipag-date ka pa rin, magboyfriend ka.” “Loko kang bata ka. Menopause na ako, wala ng manliligaw sa akin,” natatawa na sabi niya sa akin. “Yaya, v*rgin ka pa ba?” nakangisi na tanong ko sa kanya. “Pasaway na bata,” namumula ang mukha na sagot sa akin ni yaya. “Uy si yaya, hindi na v*rgin. Ibig bang sabihin ay may naging jowa ka dati.” Pabiro na sabi ko sa kanya. “Uy, dalagang Filipina ako. Wala akong naging boyfriend.” Sagot niya sa akin. “Bakit hindi na lang kayo ni daddy? Diba crush mo siya?” Nakangiti na tanong ko kay yaya. “Tumigil ka nga, matanda na ako at mas matanda pa ako sa daddy mo.” “Pero yaya, forty three ka pa lang naman. Bata ka pa ‘yun nga lang pa-menopause ka na. Hindi ko lang talaga maintindihan kung bakit mo sinasabi na menopause ka na kahit ang totoo hindi pa naman.” “Wala akong balak na lumandi, anak. Masaya na ako na kasama kita. Ang daddy mo mas bagay sa kanya ang katulad niya ang mas bata sa kanya at hindi ang gurang na katulad ko.” Bigla akong nalungkot sa narinig ko. Masayahin ang yaya ko. Mabait at higit sa lahat maalaga. Minsan hindi ko maiwasan na sisihin ang sarili ko dahil alam ko na dahil sa akin kaya hindi na niya na enjoy ang buhay niya. Pero dahil alam ko na ayaw niyang nalulungkot ako ay mas pinili ko na lang na yakapin ng mahigpit ang yaya ko. Yakap ng isang anak sa kanyang ina. Hindi man siya ang nagluwal sa akin ay para sa akin siya ang mommy ko dahil sa dami ng naging sakripisyo niya para lang sa akin. “Umiiyak ka na naman. Mahal kita at alam mo na anak ang turing ko sa ‘yo. Huwag mong sisihin ang sarili mo dahil sa nangyari sa buhay ko. Pinili ko ito at masaya ako. Mahal kita, Yanne ko,” habang nagsasalita siya ay hinahaplos niya ang buhok ko. Hindi ko alam pero nagiging ma-drama kaming dalawa ngayon. Ito lang yata ang unang beses na nagdrama kami. Hindi naman kasi kami ganito. Nag-iyakan pa kaming dalawa tapos bigla na lang tatawa na parang mga baliw. ***** After ng drama kahapon ay finally ngayong araw na ang flight naming tatlo pauwi sa Pilipinas. Kinakabahan ako pero sobrang excited rin ako na makauwi ulit sa bahay namin. Matagal ang magiging biyahe namin kaya natulog na lang muna ako. Nang nakarating na kami sa Pilipinas ay tuwang-tuwa ako. Para akong bata dahil panay ang sabi ko kay daddy na malaki na ang pagkakaiba simula noong umalis ako. “Happy?” nakangiti na tanong sa akin ni daddy. “Super happy, dad.” Sagot ko sa kanya. Pauwi na kami ngayon sa probinsya namin at nakasakay kami sa kotse ni daddy. Habang nasa daan ay nagkukwentuhan kami. Ang sabi ni daddy ay malapit na kami sa bahay hanggang sa may bigla na lang humarang na sasakyan sa harapan namin. “Daddy, what's going on?” Natatakot na tanong ko sa kanya. “Huwag kang matakot nandito lang ako.” sagot niya sa akin at niyakap niya ako. Napasigaw ako dahil sa putok ng baril na tumatama sa kotse. Pero ang daddy ko nakayakap lang sa akin. Takot na takot ako hanggang sa bigla na lang dumilim ang buong paligid at hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.MARIANNE“Tungkol sa tunay na dahilan kaya tayo nandito,” sagot niya sa akin.“Akala ko kaya tayo nandito dahil sa nalaman mo an–”“May isa pa,” sabi niya sa akin.“Ano pa ang dahilan?”“Dahil may kailangan tayong hanapin na tao. Ang tao na magpapatunay na inosente ako at ang magtuturo sa atin kung sino talaga ang tunay na nagpapatay sa daddy mo,” sagot niya sa akin na dahilan para matigilan ako.“Ibig sabihin ay may nakakaalam talaga sa tunay na nangyari?” tanong ko sa kanya.“Yes, mahal at nagtatago siya ngayon dahil alam niya na hinahanap ko siya. Nalaman namin na dito siya nagtatago sa Palawan, kaya susubukan ko na hanapin siya,” sagot niya sa akin.“Sabay nating siyang hahanapin. Kailangan niyang sabihin at harapin ang tungkol dito,” sabi ko sa kanya.“Yeah, pero may mga mata sa paligid kaya hindi tayo basta-basta makakagalaw,” sabi niya sa akin.“Don’t worry, may solusyon ako d’yan. Madali na lang ang tungkol sa bagay na ‘yan,” sabi ko sa kanya.“Ano naman, mahal?”“Kailangan lan
MARIANNENagising ako na masakit ang buong kong katawan. Wala na sa tabi ko si Andrew at ako na lang ang mag-isa dito. Pero sa tingin ko ay nasa banyo lang siya. Dahil naririnig ko ang lagaslas ng tubig na mula sa banyo. Baka naliligo lang siya. Gusto ko sanang bumangon pero nahihirapan ako.Ako rin tuloy ang nahirapan sa kalokohan ko kagabi. Ilang minuto pa ang lumipas at lumabas na rin siya sa banyo. Nakapulupot lang ang towel sa baywang niya. Lumapit siya sa akin at hinalikan niya ako agad sa labi.“Good morning, mahal.” malambing na bati niya sa akin.“Good morning,” sabi ko rin sa kanya.“Are you okay?”“I’m not, I’m sore down there, parang ayaw mo kasi tumigil,” sabi ko sa kanya.“Ikaw kaya ang nauna. Kung hindi mo sinimulan ang apoy ay hindi ito maglalagablab,” nakangisi na sabi niya sa akin kaya naalala ko na naman kung paano kami naging wild kagabi.Sh*t! Para akong nakawala sa kung saan ako galing. Ni hindi na ako nakaramdam pa ng kahit na anong hiya dahil bigay todo ako kaga
WARNING MATURE CONTENT: PLEASE READ AT YOUR OWN RISK! THIS IS NOT SUITABLE FOR YOUNG READERS!MARIANNE“Aalisin ko ang tampo mo, ninong ko. All you need to do is to relax dahil ako na ang bahala sa lahat,” nakangisi na sabi ko sa kanya at gumapang ako para abutin ang labi niya para halikan ito.“Ohhhh..” napaungol siya sa ginawa kong paghalik sa labi niya niya.Hanggang sa bumaba ang kamay ko sa katawan niya. Hindi ko alam kung paano ko ba tatanggalin ang suot niyang t-shirt kaya naman sinira ko na lang ito. Kung noong nakaraan lang ay siya ang sumisira sa panty ko ay ngayon ako naman ang sumira sa damit niya. Para naman maiba naman, hindi naman puwedeng lalaki na lang lagi.“Fvck! Ang hot mo, mahal ko. Iba pala kapag ikaw ang gumagawa ng ganito sa akin,” nakangisi na sabi niya sa akin kaya napangiti ako.“Talaga ba?” tanong ko sa kanya at umahon ako sa ibabaw niya.Tumayo ako at nakatingin lang siya sa akin. Isa-isa kong hinubad ang suot kong damit. Habang kagat labi akong nakatingin
MARIANNE“Yanne, w–”“Bakit ba tayo nandito?” tanong ko sa kanya dahil nagtataka lang ako.“May sasabihin ka ba?” tanong ko ulit dahil medyo naiinip na ako.“Sabihin mo na ngay–”“Yanne, will you marry me?” tanong niya sa akin na ikinagulat ko.Para akong napako sa kinatatayuan ko, na para bang nabibingi ako sa narinig ko mula sa kanya. Hindi ko alam kung tama ba talaga ang narinig ko. Kung talaga bang sinabi niya ‘yon? Naguguluhan rin ako kaya naman ay..“A–Anong sabi mo?” tanong ko sa kanya dahil gusto kong maka-sigurado sa narinig ko. I want to hear it again.“I said, will you marry me? Will you be my wife?” tanong niya sa akin na naging dahilan para pumatak ang mga luha ko. Hindi ko kasi inaasahan na tama ang narinig ko mula sa kanya.“F–For real?” nauutal pa na tanong ko sa kanya.“Yes, this is real. I want to marry you, Yanne. Gusto kitang maging asawa ko,” sagot niya sa akin.“Pero kapag pumayag ako sa nais mo ay alam ko na magkakaroon ka na ng karapatan na pigilan ako sa mga gu
MARIANNEAyaw ko ng ganito. Kaya nga iniiwasan ko na mangyari ito. Ayaw ko na magkasakitan kaming dalawa. Mahal ko siya, mahal na mahal ko siya. Kaya nga ginagawa ko ang lahat para hindi niya malaman ang tunay kong pagkatao pero kahit pala itago ko ay lalabas pa rin talaga. “Huwag mong gawin ‘to,” sabi ko sa kanya habang nakatingin sa mga mata niya.“Bakit? Papatayin mo ako? Ano ang gagawin mo sa akin? Agent ka diba kaya easy na lang sa ‘yo ang makipaglaban?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.“Mahirap ba akong intindihin? Mahirap ba para sa ‘yo na–”“Mahal kita kaya ko ‘to ginagawa. Nawala na ang daddy mo at ayaw ko na pati ikaw ang mawala sa akin. Ikaw ang hindi nakakaintindi dahil pinipilit mo ang gusto mo,” sabi niya sa akin.“Pero kailangan ko itong gawin,” sabi ko sa kanya.“Hindi ako papayag,” sabi niya sa akin at alam ko na seryoso siya.“Hindi rin magbabago ang pasya ko. Gagawin ko ang trabaho ko at gagawin ko rin ito bilang isang anak na nawalan ng ama. Magalit ka man sa ak
MARIANNE“Sabihin mo sa akin, sino ka ba talaga?” tanong niya sa akin.“Anong ibig mong sabihin?”“Tayong dalawa lang dito kaya sabihin mo na ang totoo. Sino ka ba talaga, Yanne. Sino ba ang babaeng mahal ko?” tanong niya sa akin.“Gusto mo ba talagang malaman?” tanong ko sa kanya.“Alam mo ba ang tunay na dahilan kaya kita dinala dito?”“Anong ibig mong sabihin?”“Alam ko na alam mo ang ibig kong sabihin,” sagot niya sa akin at naglakad na siya papunta sa akin.“Hindi ko alam ang sinasabi mo. Kung may gusto kang sabihin sa akin ay sabihin mo na lang ngayon. Hindi ako manghuhula para hulaan pa,” sabi ko sa kanya.“Hanggang kailan ka ba magsisinungaling sa akin? Hanggang kailan ba? Mahal mo ba talaga ako?” sunod-sunod na tanong niya sa akin.“Mahal kita at alam mo ‘ya–”“Pero bakit mas pinili mo na magsinungaling sa akin? Bakit mas pinili mo na hindi sabihin sa akin ang totoo. Naging totoo ako sa ‘yo at alam mo ‘yon, mahal kita at alam mo ‘yun.” sabi niya sa akin kaya bigla na lang nagb
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments