MARIANNE
“Mahal, nagsabi ka na pala sa daddy ko na mahal mo ako. Kailan? Kailan mo ako minahal?” tanong ko sa kanya dahil bigla ko lang naalala.
“Secret,” sagot niya sa akin habang nakangiti.
“Bakit secret pa kung puwede mo naman sabihin? Para na rin sana malaman ko kung kailan mo ba ako nagustuhan at minahal.”
“Saka ko na sasabihin sa ‘yo. Hindi pa kasi ako ready, mahal. Pero alam ng daddy mo na mahal kita,” nakangisi na sabi niya sa akin.
“Alam ko, sinabi niya sa video recording na sinabi mo sa kanya na mahal mo ako. Lasing ka nga eh,” sabi ko.
“Ano pa sinabi niya?”
“Sabi niya hindi ka raw niya gusto para sa akin kasi matanda ka masyado,” natatawa na sabi ko.
“Mahal–”
“Sinabi niya talaga ‘yon,” pabiro pa na sabi ko dahil gusto ko lang siyang asarin ngayon.
“Hindi ako naniniwala,” sabi niya.
“Bakit naman hindi?”
“Kasi tumatawa ka. Minsan ka lang tumawa kaya alam ko na nagbibiro ka,” sabi niya sa akin.
“Grabe ka naman sa akin,” sabi ko sa kanya.
“Sinabi ba talaga niya na ayaw niya sa