Medyo naging mahaba rin ang byahe hanggang sa pumasok kami sa subdivision at huminto kami sa isang bahay. Hindi ito gaano kalaki pero hindi rin naman masyadong maliit, wala rin itong pangalawang palapag. Simpleng bahay lang talaga siya pero sa tingin ko ay kasya naman ang may limang myembro na pamilya. Wala rin itong kapitbahay, tahimik at payapa ang paligid pero hindi naman nakakatakot. May iba pa naman sigurong nakatira dito sa loob ng subdivision pero malayo lang ang bahay, hindi rin ako sigurado.
Bumukas ang gate at agad ding ipinasok ni Cargorios ang sasakyan sa loob. Nang nai-park na niya nang maayos ang sasakyan ay agad din naman siyang bumaba, dahil masyado pa akong namamangha sa pagtingin-tingin ko sa paligid ay naging mabagal din ang pagtanggal ko sa aking seatbelt kaya si Cargorios na rin ang nakabukas sa pinto ko. Dahan-dahan akong lumabas habang hindi pa rin natatanggal ang pagkamangha sa akin sa pagtanaw ko sa paligid. Tahimik naman niyang pinagmamasdan ang bawat galaw k