Not a One-Night Stand

Not a One-Night Stand

last updateLast Updated : 2025-03-14
By:  Dile_DelanyOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
43Chapters
878views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Matapos malaman ni Mallory Natividad na ang kapatid at boyfriend niya ay may relasyon at suportado pa ito ng mga magulang niya ay naisipan niyang pumunta sa isang bar sa pag-asang makakalimutan niya ang nakita at ilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya. Pero nagkakamali siya dahil kahit ilang baso na ang nainom niya ay hindi pa rin siya nakakalimot. Naglasing siya nang naglasing hanggang sa may lumapit sa kaniya na lalaki. Sa sobrang kalasingan niya ay hindi na siya umangal nang inaya siya nito papunta sa kung saan. May ideya na siya sa kung anong mangyayari sa kanilang dalawa pero sa halip na matakot siya ay para bang gusto niya rin ito. Ang gabi nila ay parehong nagtapos sa isang mainit at masarap nang magkasama sa iisang kama. Kinabukasan, nang makita niya ang lalaking nakasiping niya ay hindi siya makapaniwala nang nakilala niya ito. Ito ay si Cargorios Mertimor, kilala bilang isa sa pinakabata at pinakamayaman sa buong mundo— at higit sa lahat ay kilala bilang isang womanizer. Hindi niya alam kung ano ang gagawin niya kaya dali-dali na lang siyang umalis nang hindi nagigising ang lalaki. Ilang linggo lang ang nakalipas ay hindi niya inaasahan na magbubunga pala ang nangyari sa kanila at mas lalong hindi niya aakalain na magtatapong muli ang landas nila. Inaakala niyang magiging maayos lang ang lahat nang sumama siya kay Cargorios, pero hindi niya aakalain na ito na pala ang simula ng pagkagulo ng buhay niya. Hindi niya inaasahan ang natuklasan niyang plano ni Cargorios na nagpawasak sa kaniyang puso. Dahil doon ay kailangan niyang mamili. Pipiliin niya ba ang sarili niyang kasiyahan, o ang kapakanan ng kaniyang anak na nasa kaniyang sinapupunan?

View More

Chapter 1

Chapter 1

Mallory's POV

“Andrew? Madeline? Anong ibig sabihin nito?” Pagkabukas ko pa lang sa pintuan ay agad na bumungad sa akin ang kapatid at boyfriend ko na naghahalikan sa sofa.

Agad na tumayo ang dalawa at lumayo sa isa't-isa na para bang kaya pa no'ng pagtakpan ang ginawa nila. Inayos ni Madeline ang laylayan ng kaniyang kusot na damit habang si Andrew naman ay sinusuot nito ang kaniyang damit.

Tuluyan akong pumasok sa bahay, nalilitong nakatingin sa kanila at hindi pa naiproseso ng utak ang nasaksihan kani-kanina lang.

“Ano ‘yong ginagawa niyo kanina?” tanong ko kahit alam ko naman kung ano ’yon, hinihiling ko lang talaga na sana ay hindi totoo iyon.

“Mali ‘yang iniisip mo, Mol—” hindi na nakatapos pa sa pagsasalita si Andrew dahil malakas ko na siyang sinampal nang lumapit siya sa akin. Narinig ko naman ang pagsinghap ni Madeline na tila nagulat.

“‘Wag mo ‘kong lokohin! Hindi ako bata para isiping naglalaro lang kayo riyan!” galit kong sambit.

“Ate, ‘wag ka masyadong OA. Kung magalit ka diyan akala mo naman sobra kang nasasaktan, hindi mo naman talaga mahal si Andrew, ‘di ba?”

Nabaling ang atensyon ko sa aking kapatid. Magkakrus ang mga braso nito sa harapan at nakataas ang isang kilay.

“Anong sinabi mo, Madeline?” Umamba akong lalapit sa kaniya pero hinawakan ako sa braso ni Andrew upang pigilan ako. “Bitawan mo ako, ano ba!”

“Tumigil ka na, Molly, ‘wag mo nang palakihin pa ‘to,” sabi ni Andrew habang pinipigilan ang pagpiglas ko.

Tinulak ko siya nang malakas dahilan kaya nabitawan niya ako at nakalayo ako sa kaniya. Ang kapal ng mukha niyang sabihin sa akin ‘yan! “Inaasahan mong titigil ako matapos ko kayong mahuli na naglalampungan, ha?! Ang kapal naman ng mukha mo!”

“Tsk! Ang OA talaga...”

Napabaling ulit ako kay Madeline at nahuli siyang pairap-irap sa hangin. Mas lalo akong nainis sa inaasta niya. Parang siya pa itong galit. Galit dahil naudlot ang gagawin sana nila!

“Isa ka pang makapal ang mukha, Madeline! Ahas ka! Boyfriend ko ‘yan! Kapatid mo ako pero nakakayanan mong gawin sa akin ‘yan?”

Tamad siyang tumingin sa akin, na tila walang pakealam sa sinasabi ko. “As if namang minahal mo talaga si Andrew? Kasi kung mahal mo talaga ‘yong tao, hindi naman maghahanap ng ibang babae ‘yan. Kasalanan mo pa rin ‘yan.”

Nanlaki ang mga mata ko. “Anong sinabi mo?” Mabilis ko siyang sinugod at nang nakalapit ay agad kong hinila nang malakas ang kaniyang buhok.

Malakas siyang napasigaw sa sakit at sinubukang lumaban pero dahil ata sa gigil ko ay halos masubsob ko na siya sa sahig kaya wala siyang ibang nagawa kung hindi ang humiyaw na lang.

“Putangina, Mallory, tumigil ka na!”

Agad namang dumalo si Andrew sa amin at pilit na tinatanggal ang kamay ko sa buhok ni Madeline. Pinulupot niya ang kaniyang kamay sa aking bewang upang mailayo sa kapatid ko pero dahil hawak-hawak ko pa rin ang buhok ni Madeline ay nadala ko siya sa paghila kaya mas lalo siyang napasigaw sa sakit.

“Aray, Ate, ano ba! Bitawan mo ako!”

“Manahimik ka! Malandi!” Mas lalo akong nanggigil.

“Tangina mo, Mallory, nasasaktan na ang kapatid mo!”

Kung ano-ano ang sinabi nila pero wala akong pinakinggan at patuloy na nagpadala sa galit.

“Anong nangyayari dito?!”

Narinig ko si mama at papa na pumasok ng bahay at dali-dali ring lumapit sa amin upang tumulong sa pag-awat.

“Molly, Madeline, tumigil kayong dalawa!”

Hinawakan nila ako sa braso at kamay at pwersahan akong inilayo sa kapatid ko. Dahil sa mahigpit na pagkakahawak sa akin ay nakaramdam ako ng sakit doon pero hindi ko na iyon pinansin at sinubukan ulit na abutin si Madeline pero malakas na akong itinulak papalayo sa kaniya.

Hindi pa nga ako nakakaayos sa pagtayo ay isang malakas na sampal ang sumalubong sa aking pisngi. Napahawak ako roon at hindi agad nakagalaw.

Nang balingan ko kung sino ang sumampal sa akin ay nakita ko ang galit na galit na itsura ni mama. Mabigat ang aking paghinga at nanatiling nakahawak sa aking pisngi nang nilibot ko ang tingin sa kanila.

Si Madeline na nakasapo ang mga kamay sa kaniyang mukha habang umiiyak, sina papa at Andrew na nakaalalay kay Madeline at pinapatahan ito. At si mama na nasa aking harapan at hindi pa rin gumagaan ang itsura, galit na galit pa rin ito at parang handa ulit akong sampalin kung sakaling gumalaw ako kahit konti.

“Ano na naman bang pinag-aawayan niyong dalawa ha, Molly?! Ganyan ka na ba ka-isip bata para humantong sa ganito? Sinaktan mo pa ang kapatid mo!” Halos hilahin na ni mama ang buhok ko habang nagsasalita sa galit.

Hindi naman agad ako nakapagsalita dahil sa sinabi niya. Si Madeline na naman ba ang kakampihan niya? Ang kakampihan nila?

“Ma, ang malanding Madeline na ‘yan ay inaahas ang boyfriend ko! Bakit ako na naman ang sinisisi niyo?” Hindi ko na napigilan ang pagtakas ng sakit sa aking boses, kasunod no'n ay ang pagluha sa sakit, hindi dahil sa sampal, kung hindi dahil sa alam kong wala na namang papanig sa akin kahit ako naman ang totoong naagrabyado.

“At ano? Para ‘yon lang? Sapat na rason ba ‘yan para saktan mo siya? Hindi ka ba nag-iisip? Kapatid mo siya at ikaw ang panganay, dapat hindi mo na ginawa ‘yon!”

Kung kanina ay purong galit ang nararamdaman ko, ngayon ay parang may milyong-milyong karayom ang tumutusok sa puso ko. Para ‘yon lang? At ako ang panganay kaya dapat lagi akong umintindi?

“Ma, bakit parang wala lang sa ‘yo ang mga maling ginagawa ni Madeline? Bakit kahit kasalanan niya ay ako pa rin ang sinisisi niyo? Oo ako ang panganay pero hindi na rin naman siya bata para kunsintihin niyo ng ganyan!”

“‘Wag mong sisigawan ang mama mo, Molly, ha, sinasabi ko sa ‘yo,” narinig ko ang pambabanta sa boses ni papa.

“Aba't bastos ka!” Isang malakas na sampal na naman ang natanggap ko mula kay mama. “Pinalaki ba kitang ganyan? Habang tumatagal hindi ka na rumerespeto sa amin, ah!”

Tahimik akong umiiyak habang nakahawak sa aking pisngi. Maraming masasakit na salita at panunumbat pa ang binabato sa akin ni mama at halos hindi ko na iyon marinig dahil sa paninikip ng aking dibdib.

Galit na galit sila na sinaktan ko ang pinakamamahal nilang anak, pero hindi nila naisip na mas nasasaktan ako, noon pa man. Bakit? Kahit kailan ay hindi ko nakitang nagalit sila kay Madeline, pero sa akin, konting mali ko lang ay masasakit na salita agad ang natatanggap ko.

Bakit hindi man lang sila nagulat sa sinumbong ko kanina? Bagkus ay ako pa ang sinisisi at sinaktan. Bakit?

Ilang segundo pa ata akong natulala sa kakatanong ng bakit nang may bigla na lang pumasok sa isip ko.

Inangat ko ang tingin ko sa kanila. Sumali na si mama sa pang-aalo kay Madeline. Ngayon ay tatlo na silang nagpapatahan sa kaniya. Habang ako nandito, nakatayong umiiyak at mag-isa.

“Alam niyo rin ba na may relasyon sila?”

Lahat sila ay napatingin sa akin. Sa tingin pa lang nila ay alam ko na ang sagot.

“Kailan pa? K-Kailan niyo pa ako niloloko?”

“Bibig mo, Molly, ah, hindi ko na nagugustuhan ‘yang lumalabas diyan,” sambit ni papa.

Mas lalo akong napaiyak. Alam na talaga nila pero hinayaan lang nila. Wala silang pakealam sa kung anong mararamdaman ko. Mas may pake pa ata sila sa salitang lumalabas sa bibig ko kaysa sa nararamdaman ko ngayon.

“Bakit? B-Bakit niyo ako niloloko nang ganito? Andrew?” Bumaling ako sa boyfriend ko, nagmamakaawa. Hinihiling na sana ay ipagtanggol niya naman ako. Pero wala. Umiling lang siya saka yumuko.

Tiningnan ko ang kapatid ko na umiiyak pa rin, at alam kong nagpapaawa lang siya, nakikita ko sa mga mata niya. Nanggigil ko siyang dinuro. “Hayop ka! Malalandi kayo! Sana mabulok kayo sa impyerno!”

“Mallory! Lumabas ka muna! Magpahingan ka muna roon nang mahimasmasan ‘yang bastong mong bibig! At ‘wag na ‘wag ka munang babalik hangga't hindi mo naiisip kung ano ‘yang pinaggagagawa at sinasabi mo!”

Hindi ako makapaniwala sa sinabi ni mama. Napailing na lang ako nang mas lalo pang bumuhos ang aking mga luha. Isang tingin pa muli sa kanila ay lumabas na lang ako ng bahay habang umiiyak.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

No Comments
43 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status