Lumabas na ako sa banyo at sinadya ko talaga na hindi tumingin sa kama dahil nando'n si Cargorios, komportableng nakaupo at nakasandal ang likod sa headrest ng kama. Nanonood siya ng palabas sa TV pero nang narinig niya ang pagbukas ng CR ay bumaling siya sa akin.
Normal lang ang bawat paggalaw ko habang pinagmamasdan niya akong naglakad palabas ng banyo at pinapatuyo ang basang buhok gamit ang tuwalya. Sinusundan niya ako ng tingin kaya mas lalo lang nagwawala ang naghuhuramentado kong puso. Nararamdaman ko ang bawat paghagod niya ng tingin sa akin mula ulo hanggang paa at pabalik.
Dumiretso ako sa lamesa malapit sa cabinet at kinuha ang suklay. Dahan-dahan kong sinusuklayan ang basa kong buhok. Kahit hindi ako nakatingin sa kaniya ay ramdam ko ang nakakatusok niyang mga mata sa akin. Kinagat ko ang aking ibabang labi at nagpatuloy lang sa pagsuklay sa buhok. Matagal akong natapos sa ginagawa dahil hinintay ko pang matuyo ang buhok ko. At si Cargorios ay nanatili lang din sa kama, hi