“Anong katangahan ba ‘yong ginawa mo kanina, Mallory? Ang arte-arte mo pa! Natapon lang sa ‘yo ‘yong ulam nagsuka ka na! Hindi ka mayaman para mag-inarte ka nang ganyan, oy!”
Nakayuko ako at nakatulala sa sahig habang si Aling Mashang ay hindi pa rin tapos sa pagsesermon sa akin. Kanina niya pa ako pinapagalitan at paulit-ulit lang din ang sinasabi niya.
Pero ang atensyon ko ay wala sa kaniya. Ang mga sinasabi niya ay pumapasok lang sa kaliwa kong tenga pero lumalabas naman sa kanan. Nakatulala ako sa sahig dahil iniisip ko kung ano ang nangyari sa akin kanina. Hindi naman kasi ako gano'n dati, kahit anong isip ko ay hindi ko maalala na hindi ko nagustuhan ang amoy at itsura ng binagoongang baboy at adobong atay dati, ngayon lang talaga.
“Kailangan mong bayaran ‘yon! Ang mahal-mahal na nga ng kilo ng baboy ngayon tapos magtatapon ka lang! Ibabawas ko sa sweldo mo ‘yon!”
Nabalik ako sa reyalidad at napatingin kay Aling Mashang. Napakurap-kurap ako tumango na lang kahit hindi ko naman g