Chapter 180
Jammie POV
Habang nagkwentuhan kami sa loob ng silid ay agad tumayo ang kambal naming anak upang puntahan ang kanilang lolo at lolalola upang hindi raw kami madisturbo sa aming paggawa daw ng baby brother or sister.
Napangiti ako sa sinabi ng kambal. Hindi ko na mapigilang ma-amuse sa kanilang innocence at pagiging straightforward. Lumapit si Kiera sa akin, tinatapik-tapik ang braso ko habang tumatawa nang mahina.
"Napaka-witty talaga ng mga anak mo," sabi niya, sabay halakhak. "Hindi ko alam kung matutuwa o mahihiya ako sa mga sinasabi nila."
"Nako, love," sabi ko habang hinihimas ang likod niya, "sanay na sanay na akong makarinig ng kung anu-anong banat mula sa kambal. Mas malala pa nga minsan."
Bumalik kami sa pag-uusap, pero hindi ko maiwasang mapaisip sa mga sinabi nila. Totoo namang gusto namin ni Kiera na dagdagan ang pamilya, pero parang hindi pa ito ang tamang panahon. May honeymoon kami, pero hindi ibig sabihin kailangan naming madaliin ang lahat.
Habang nag-uus