Sa gitna ng masalimuot na buhay sa Maynila, si Heart Cruz, isang dedicated nurse, ay nagkakaroon ng muling pagkikita kasama ang kanyang mga kaibigan mula pagkabata, sina Althea, Angie, at Janith. Isang araw, habang abala sa kanyang duty sa isang pribadong hospital, nakatagpo siya ng hindi inaasahang insidente kay Brandon Flores, isang mayamang businessman at may-ari ng hotel at beach resort at isang Multi-Billionare. Ang isang simpleng banggaan ay nagresulta sa isang hindi kanais-nais na pagkakahawakan na nagpasiklab ng galit ni Heart. Habang ang kanyang kaibigan na si Janith ay nalalapit na sa panganganak, nagiging masalimuot ang sitwasyon nang magtagpo muli ang kanilang mga landas. Sa gitna ng emosyon at tensyon, kailangang harapin ni Heart ang kanyang galit at ang mga hindi inaasahang damdamin kay Brandon, na tila may mas malalim na ugat sa kanyang galit at ang kanyang asal na para dito. Ano kaya mangyari sa dalawa habang tinatahak ang hamon ng kanilang nakaraan at kasalukuyan? May pag-ibig ba kayang mabubuo sa kanilang alitan. Ano kayang kwentong sa pagkakaibigan? May pag-ibig pa kayang bumuo sa kanilang wasak na puso? At pagtuklas sa tunay na pagkatao sa kabila ng mga pagsubok at hamon sa buhay? "PAHIRAM NG ISANG GABI (BOOK #1)
view moreChapter 1
"Heart, gising na! Naku, ikaw talagang bata ka, pag nalate ka sa klase mo, kukurutin talaga kita sa singit!" wika ng aking butihing ina. Dahil sa lakas ng boses ni Mama, kaya siya ang ginawang naming alarm clock kasama na ang mga kaibigan kong sina Althea at Angie. Kung kapitbahay kami ni Janith, siguradong magigising talaga din ito. Sino ba naman hindi magigising sa kanyang boses para itong nakalunok ng megaphone dahil sa tinig nito. Habang tinatabunan ko ang aking mga tainga, sinilip ko ang orasan sa dingding. Ganoon na lang ang paglalaki ng mata ko nang makita kong 6:45 AM na pala. Agad akong napabalikwas saka mabilis bangon at nagmadaling tumungo sa likod ng bahay kung saan naroon ang aming paliguan. Agad kong binuksan ang gripo at sabay na umangal, dahil ngayon lang ako ginising ng aking ina. "Mama, bakit ngayon mo lang ako ginising? Malilate na ako!" pagsisisi ko dito habang nagbubuhos ng tubig sa aking ulo galing sa tabo. Nangingisay pa ako sa sobrang lamig pero tiniis ko lamang ito dahil ayaw kung pumasok na hindi naliligo. "Nako, ako pa talaga ang sinisisi mo! Kanina pa kita tinatawag. Hala, bilisan mo! Sa school ka na lang kumain. May baon ka na doon, at isa pa, malelate din ako sa trabaho ko. Kaya mauna na ako sa'yo. Huwag mong kalimutan ang baon mo, at i-lock mo maige ang bahay," bilin niya sa akin habang nagsusuklay sa kanya buhok. Pagkatapos ay agad itong lumapit sa akin at hinalikan ako sa pisngi. Kahit may pagka-bubungira ang Mama ko, love ko ito ng sobra. Walang kapantay ang pagmamahal ko sa aking ina kahit anong materyal na bagay. "Sige, Ma, ingat po kayo. At saka, huwag niyong manyakan ang pasyente ninyo, alam ko po na tigang na tigang kayo kaya behave ka doon!" bilin ko dito, isang nurse kasi ang aking ina sa malapit na hospital. "Hahaha, ikaw talaga! Eh ano ang gagawin ko kung sa kanilang ari ang ipa-check up? Normal lang 'yan sa isang nurse. Kaya kung gusto mo makakita at malaman kung malaki o mahaba, mag-doctor ka o nurse. Libre pa, hawak at himas!" baliw na sabi ng aking ina kaya napa iling ako. "Anong kabaliwan 'yan, Ma? Umalis ka na nga! Mahawa pa ako sa kabalastugan mo," maktol kong sabi. "Oo na, bye anak! Ingat ka sa pagpunta mo school at isa pa lagi kang mag-iingat sa mga kasabay mong sakayan ng jeep dahil sa malaki mong hinaharap!" sambit nito. "Ma—!" tugong ko dito saka ko tinakpan ang aking dibdib. "Hahaha, oh siya, aalis na ako. Yung bilin ko bago ka umalis!" sabi nito. "Opo! Bye, Ma..." tugon ko. "Mag-hilod ka sa singit mo at hugasan mo yang piyaya mo nang maigi para hindi mangamoy bagoong!" habol pa nitong sabi sa akin. "Maaaa..." sigaw ko dito. Ako na ang nahiya sa mga sinabi ng aking ina, kahit kailan ay may pagka malaswa ang pananalita ng aking ina. Kahit na sa mga kapitbahay namin ay pinagsasabihan pa niya ito dahilan lagi ko itong hinihila sa tuwing may mga kausap nitong kapitbahay. "Oo na, hahaha!" tawa nito saka tuluyang tumalikod at itinaas pa ang kanyang kamay sa ere saka ng sign ng peace. Talagang mapilya ang Mama ko. dahil sa kanyang mga sinabi ay siguro akong male-late ako nito, dahil sa aming pag-uusap ni Mama. Pagkawala niya sa aking paningin ay agad kong binilisan ang aking pagkaligo. Pati ang singit ko ay hinihilod at sinabunan ko ng maigi ang piyaya ko para iwas amoy hindi nagtagal ay agad ding natapos ang aking paliligo. Agad kong inabot ang aking towel saka hinubad ko ang aking basang damit at binalot ko ang aking hubad na katawan. Dali-dali akong umakyat sa taas at nagbihis. 7:30 AM na, ang unang subject ko ay English at insaktong alas-otso ang mag-umpisa ang klase, nasa 4th year high school na ako pati din ang aking mga kaibigan. "Malapit na pala ako mag-college!" bulong ko sa aking sarili habang may ngiting naka-paskil sa aking labi. "—apat na buwan na lang at makakatapos na rin kami ng mga kaibigan sa high school!" dagdag kong sabi. Mabilis akong nag bihis ng damit saka ako lumabas sa silid habang naglalakad ay nagsusuklay ako sa aking buhok. Pagdating ko sa ibaba ay agad kong isinuot ang aking sapatos at pumunta sa kusina kong saan ang aking baong. Ang akala ko ay pera lang ang iniwan ni Mama pero may kasama palang pagkaing naka lagay sa baunan. "Mama talaga ginawa mo na naman akong bata!" ngiti kong sabi saka ko sinilid sa aking bag ang baunan saka umalis sa kusina. Hindi nagtagal, umalis na ako sa bahay sinugurado ko muna kung naka lock ang lahat na pintuan saka ako tuluyan naglakad patungo sa gate. Pumara muna ako ng padyak upang magpahatid sa sakayan ng jeep. Hindi nagtagal at agad din kami nakarating kaya agad akong nagbayad at sumakay sa jeep na aalis na yata. Habang nasa biyahe ay napansin ko ang isang lalaki nasa harapan ko pero binaliwala ko lang ito hanggang hindi ko maiwasang mainis sa lalaki nasa harapan ko at sa mga lalaking kasabayan ko sa jeep. Dahil sa ibang mga lalaki nakatingin sa aking dibdib. Ni sa dami dami namin dito sa loob ng jeep ay ang aking dibdib pa sila talaga nakatingin, kaya nilagay ko ang aking bag sa aking harapan sabay yakap. "Bakit ba kase, binayayaan akong malulusog na dibdib," saad ko sa aking isipan habang nakasimangot ang aking mukha. Hindi nagtagal ay papalapit na ako sa paaralan, napansin ko ang isang lalaki na pa-sulyap-sulyap pa rin sa akin. Kahit medyo may kalayuan pa ako sa paaralan, agad kong pinara ang jeep. "Manong, para `ho! May manyakis po kayong pasahero, kaya baba na ako. Ito po ang bayad ko. Salamat!" sambit ko sabay tingin ng masama sa lalaki. Umalis ako ng jeep, parang naiwan ang lahat ng inis ko sa jeep dahil sa pagbaba ko. Tumingin ako sa paligid at nag-umpisa na naman aking araw sa paaralan, puno ng mga hamon at saya. "Sana man lang ay maging mabait ang mga guro namin para masaya ang araw ko," wika ko.Author’s Note Maraming salamat sa lahat ng nagbasa at sumubaybay sa kwentong ito. Isa itong kwento ng pagmamahal, pamilya, at tunay na pagkakaibigan—mga bagay na hindi nasusukat ng panahon o distansya. Sa kabila ng mga pagsubok, sa dulo ng lahat, ang mahalaga ay ang mga taong nananatili sa ating tabi, anuman ang mangyari. Ang pagsusulat ng kwentong ito ay isang magandang paglalakbay, at umaasa akong naiparamdam ko sa inyo ang tamis ng pag-ibig at ang halaga ng matibay na samahan. Hanggang sa susunod nating kwento! — INDAY STORIES Sana sabay-sabay ang kwento ni Althea qt Angie ang dalawang pa nilang magkaibigan sa Book #2 at suportahan po ninyo ang bago kong story upang makapasok man lang sa ranking pamamagitan pag vote po ninyo ang THE CONTRACT WIFE: A DANGEROUS UNCLE. Maraming salamat po....
Chapter 293 The Last Chapter. Kinabukasan Habang abala ako sa pag-aayos ng mesa para sa almusal, biglang nag-ring ang aking phone. Agad kong sinagot ito nang makita ang pangalan ng tumatawag. "Bruha! Guess what?!" sigaw sa kabilang linya. Napangiti ako. "Angie?! Diyos ko, ang aga-aga, sigaw ka agad!" sagot ko, pero hindi ko maitago ang excitement sa boses ko. "Alam mo bang andito na ako sa bansa? At hindi lang ako—kasama ko si Heart!" Halos mabitiwan ko ang phone sa sobrang tuwa. "What?! Totoo ba ‘yan?! Kailan pa?! Nasaan kayo ngayon?!" "Surprise! Nasa harap na kami ng bahay mo!" Napamura ako sa gulat at dali-daling tumakbo palabas. Pagbukas ko ng pinto, tumambad sa akin sina Angie at Heart, parehong nakangiti nang malapad habang kumakaway. "Bruhaaaaaa!!!" sigaw ko sabay takbo at niyakap silang dalawa ng mahigpit. "Althea, dahan-dahan naman! Para kang toro!" natatawang reklamo ni Heart pero niyakap niya rin ako pabalik. "Grabe, ang tagal nating ‘di nagkita! Parang kailan
Back to Present “Oh my gosh, Mommy. Nakakilig naman ang love life ninyo ni Dad!” sabi ni Elena habang nakangiti at yakap-yakap ang unan niya. “Parang sa pelikula lang! Ang daming eksena, tapos may action, comedy, at super sweet na moments!” Napatawa ako sa reaksyon ng anak ko. “Talaga, anak?” “Oo naman! Grabe, Mommy, hindi ko in-expect na si Daddy pala ‘yung laging napag-tripan ni Tito Brandon at Tito Kurt noon! Tapos ikaw pa ‘yung strong and independent woman na kinatatakutan nila dati? Wow! Goals!” Napangiti ako at tinignan ang asawa kong nakaupo sa tabi ko. Nakangiti rin ito habang nakikinig sa amin. “Pero Mommy, ang pinaka-nakakatawa talaga—‘yung kay Tito Brandon at kay Nurse Heart! Ano kaya nangyari sa kanila after no’n? Diba parang may something?” tanong ni Elena, sabik na malaman ang sumunod na kwento. Napatingin ako sa asawa ko, at kita ko ang pag-iling niya na may halong tawa. “Huwag mong sabihin sa’kin na gusto mong marinig ang love story ni Brandon?” “Yes, Mom
Chapter 291Final ChapterTahimik ang silid nang biglang marinig ko ang boses ni Kurt—pero parang may halong boses ni Brandon habang nagsasalita siya.“Ilang views na ba ‘yan?” tanong ni Kurt, kaya nagtataka ako. Hindi muna ako nagpahalata na kanina pa akong gising.“Walang hiya, bro! Malapit nang maabutan ang sayo! Hahaha!” sagot ni Brandon. Napilitang akong bumangon sa kama.“Views? Ano na namang pinag-uusapan n’yo, Kurt?”“Oh, gising ka na pala, Jay,” sagot niya. “Akalain mo ‘yon, isang bully ni Kurt noon, hinimatay sa delivery room? Hahaha!” sabat ni Althea, may halong panunukso.“Ang pangit ng mukha mo, bro, nung lumabas ka sa delivery room! Mukha kang takot na takot! Hahaha!” dagdag pa ni Brandon, lalong ginagatungan ang asaran.“Hoy, Brandon! Baka mas malala pa sayo ‘yan kapag nag-asawa ka,” sagot ko.“No, no, no! Hindi mangyayari ‘yon, bro!” mabilis niyang tanggi.Biglang bumukas ang pinto at lumabas ang isang nurse. “Hello, everyone! Andito na ang mga cute-cute na babies!”Do
Chapter 290 Jayson POV Four Years Later “Mom, good morning!” sabay tawag ng tatlong taong gulang na kambal naming sina Emerson at Esmerald habang masiglang tumatakbo papunta kay Janeth. “Good morning, babies!” Masayang sinalubong ni Janeth ang dalawa at hinalikan sa pisngi. “Good morning din, Hubby…” malambing niyang bati sa akin. “Good morning too, Wife…” sagot ko naman, sabay halik sa kanyang labi. “Ewww! Nakakadiri ka, Dad! Hindi pa nga nagbabrush si Mommy ng teeth,” reklamo ni Eme habang patawa-tawang sumampa sa kama at tumatalon-talon pa. “Careful, Eme, baka madaganan mo ang tummy ni Mommy…” paalala ni Emer sa kapatid niya. “Ups… sorry, Kuya! Halika na, Mommy, let’s eat na! I’m so hungry na…” “Let’s go, Wife…” Akmang tatayo na ito nang bigla itong napangiwi sa sakit na naramdaman niya sa kanyang tiyan. “Hubby, parang manganganak na ata ako… Ahhh! Ang sakit!” Napamura ako sa gulat. “F**k! Emer, tawagin mo ang driver! Kunin mo ang cellphone ko at tawagan si Daddylo mo
Chapter 289Jayson POVFlashback Pagkalabas ni Janeth sa library, hindi ko maiwasang mapangiti habang sinusundan siya ng tingin. Hindi pa rin ako makapaniwala—ang babaeng bumuhay muli sa matagal nang natutulog kong puso ay siya rin palang aking napangasawa. At hindi lang basta asawa, kundi ang sekretaryang ilang gabi ko nang pinapantasya.Shit. Ramdam ko ang paninigas ng alaga ko sa loob ng suot kong slacks. Ilang minuto akong nanatili sa library, pinapakalma ang sarili, bago ako lumabas. Sakto namang pababa sina Mom at Dad mula sa hagdan."Mom, Dad, saan kayo pupunta?" tanong ko, bahagyang nag-aalangan sa kanilang malalawak na ngiti."Aalis muna kami ng daddy mo, son," sagot ni Mom, may kasamang pilyang kindat. "Para may pagkakataon kayong makabuo ng apo ko. Sana babae, para may maisasama akong mag-shopping at mag-ayos ng buhok!""Mom… apo agad?" Napakamot ako sa batok, hindi makapaniwala sa diretsahan niyang sagot."Why not?" singit naman ni Dad. "Matanda na kami, gusto naming may
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Mga Comments