Maghanap
Library
Home / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / 🥰 Bagong kaibigan 🥰 Chapter 114

🥰 Bagong kaibigan 🥰 Chapter 114

Author: SKYGOODNOVEL
2025-01-13 20:10:18

Chapter 114

Habang abala ako sa pagtutok sa mga papeles at datos sa harap ko, hindi ko namalayan na magtanghali na pala. Kung hindi ako kinalabit ng isa kong kasamahan, malamang ay tuluyan na akong nalimutan ang oras.

"Kiera, oras na ng tanghalian. Halika na, sumabay ka sa amin," sabi ng babae, na nakilala ko bilang si Lia, isang accounting staff.

Nagulat ako at mabilis na nagpasalamat. "Ah, salamat, pero hindi na. May kailangan pa akong tapusin dito," sagot ko, pilit na itinatago ang dahilan kung bakit talaga ako tumanggi. Ang totoo, wala akong pambili ng panghalian, at ayaw kong mapahiya kapag nalaman nila ang totoo.

Ngunit tila nakuha ni Lia ang ibig kong sabihin. Ngumiti siya at sinabing, "Alam mo bang libre ang pagkain dito sa kompanya? Matagal na itong ipinatupad, lalo na ng bagong CEO natin ngayon, si Sir Jammie Flores."

Napakunot ang noo ko at napatingin sa kanya. "Libre po ang pagkain? Talaga?" tanong ko, halatang hindi makapaniwala.

Tumango siya, bakas sa mukha ang kasiyahan
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App