Chapter 213
Kinabukasan, maaga akong nagising dahil sa alarm clock. Napatingin ako sa tabi ko at nakita kong mahimbing pa rin ang tulog ni Brandon. Napangiti ako at marahang hinaplos ang kanyang pisngi.
"Brandon, gumising ka na. Baka maiwan tayo ng flight," mahina kong bulong habang tinatapik siya.
"Hmm... five minutes pa, Mahal," ungol niya habang nakayakap pa rin sa akin.
Napailing ako at tumayo na mula sa kama. "Sige ka, iiwan kita rito," pananakot ko.
Agad siyang dumilat at napabangon. "Huwag naman, Mahal. Ikaw lang gusto kong makasama sa honeymoon senior edition natin," biro niya habang nag-iinat.
Natawa ako at tumango. "Sige na, maligo ka na para makapaghanda na tayo."
Habang abala si Brandon sa paliligo, bumaba ako sa kusina at nakita kong gising na rin ang mga anak namin.
"Good morning, Mom!" masiglang bati ni Jammie habang inaayos ang almusal sa mesa.
"Good morning, Mommy!" dagdag ni Jimmie.
"Good morning, mga anak," sagot ko. "Aba, mukhang handa na ang lah