Chapter 232
Jammie POV
Isang linggo ang mabilis na lumipas, at sa wakas, nakalabas na rin si Kiera at ang aming mga triplets sa ospital. Alam naming magiging mahirap ang adjustment para sa kanya, kaya naman naisip naming maghanda ng maliit na sorpresa para sa kanila pag-uwi.
Sa sala ng bahay, abala si Mommy Heart at si Sarah sa pag-aayos ng dekorasyon—may mga pastel-colored balloons at banner na may nakasulat na "Welcome Home, Kiera & the Triplets!" Sa kusina naman, si Daddy Brandon at si Ethan ay abala sa paghahanda ng mga pagkain. Si Jenny at John naman ay excited na naghahanda ng mga laruan at baby essentials.
Habang inaayos ang isang maliit na crib sa sala, lumapit sa akin si Sarah, may hawak na stuffed teddy bear. "Kuya, tingin mo magugustuhan ‘to ng mga baby?" tanong niya, nakangiti.
Napangiti ako habang tinitingnan ang hawak niyang laruan. "Siyempre naman. Pero mas magugustuhan nila pag ikaw mismo ang nag-alaga sa kanila."
Natawa siya at bahagyang tumango. "Siyempre! Pero