Maghanap
Library
Home / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / 🥰 John and Jenny ang dalawang kambal 🥰 Chapter 174

🥰 John and Jenny ang dalawang kambal 🥰 Chapter 174

Author: SKYGOODNOVEL
2025-01-25 21:25:30

Chapter 174

Habang nagkukuwentuhan kami, biglang nagsalita si Jenny, ginagaya ang tono ng pagsasalita ni Marga.

"Tita Heart! Ang tagal na nating hindi nagkikita, 'di ba po?" sabi niya, pilit na ginagaya ang matinis at masyadong sweet na boses ni Marga.

Halos malaglag ang hawak kong tinidor sa sobrang gulat. Si Kiera naman ay napahinto sa pagsubo at napatingin kay Jenny, na mukhang aliw na aliw sa ginagawa niya.

"Jenny!" sabay naming tawag ni Kiera, habang si John naman ay humagalpak ng tawa.

"Bakit po, Mommy? Ginagaya ko lang po," inosente niyang sabi, pero halatang sinusubukan niyang pigilan ang ngiti. "Parang ang arte kasi niya, eh."

Natawa si Mommy nang bahagya at hinawakan ang balikat ni Jenny. "Naku, apo, huwag masyadong gaya-gaya. Hindi maganda 'yun."

"Pero, Lola," sabat ni John habang nangingiti, "ang arte naman po kasi talaga niya. Akala mo naman close kayo."

Nagkatinginan kami ni Kiera, at hindi na namin napigilang mapatawa. "Mga anak, tama na 'yan," sabi ni Kiera habang nila
Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App
Locked Chapter
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App