Chapter 206
Makalipas ang ilang araw, mas lalong naging abala ang buong pamilya sa paghahanda para sa paglipat namin ni Claire sa bagong mansyon. Nagsimula na ring dumating ang mga kasambahay na kinuha namin mula sa agency, kaya mas naging maayos at mabilis ang lahat.
Habang tinutulungan kong ayusin ang mga gamit sa nursery room ng kambal namin, biglang pumasok si Claire, hawak ang isang maliit na baby onesie na may nakasulat na "Daddy’s Little Miracle."
"Mahal, tingnan mo! Ang cute nito!" excited niyang sabi habang ipinapakita sa akin.
Napangiti ako at lumapit sa kanya. "Ang liit! Hindi pa rin ako makapaniwala na magiging tatay na ako ng kambal."
"Ako rin," sagot niya, hinahaplos ang tiyan niya. "Pero excited na akong makita sila. Lalo na kung sino ang mas kamukha mo at sino ang mas kamukha ko."
Natawa ako. "Sana mas mana sila sa'yo. Para siguradong magaganda at mababait!"
"At sana naman, may mana rin sila sa'yo," sagot niya, ngumiti nang matamis. "Para siguradong matalino at respons