Chapter 112
Kiera POV
Laking pasasalamat ko dahil bukas ay may trabaho na ako at mabilhan ko na ng bagong damit at school supplies ang aking kambal na anak.
Medyo luma na kasi ang kanilang sapatos at mga notebook naman nila ay kaunti na lang natira para masulatan, kahit gustuhin ko man silang bilhan ay wala akong ipangbili dahil sapat na ang pera namin sa pagkain.
Papasok na sana ako sa loob ng bahay upang asikasuhin ang kambal. Dahil nakaalis na ang bago kong amo. Ngunit bago pa man ako makapasok nang tuluyan, narinig ko ang pangalan ko na tinatawag.
"Kiera!" sigaw ni Aling Pising, ang may-ari ng inuupahan naming bahay. Galit itong naglakad papunta sa akin, at alam ko na agad kung tungkol saan ang usapan.
"Hoy, Kiera. Kailangan bayaran mo ako ng renta ng bahay. Kung hindi, paaalisin ko kayo mag-iina dito!" galit na sabi niya, sabay pagturo sa direksyon ng pintuan namin.
Napabuntong-hininga ako, pilit na pinapanatili ang kalmado kahit na ramdam ko na ang kaba sa dibdib ko. "Aling Pi