Chapter 113
Kinabukasan, maaga akong gumising upang ipaghanda ang aking kambal ng makakain nila at baon. Kahit na panghuling bigas na lamang ito ay kailangan isaing ko ito lahat. Di bali ako ang magutom wag lang ang aking mga anak.
"Di bali, hahanap ako ng paraan mamaya para may kakainin kami mamayang gabi," bulong ko sa aking sarili habang naghahanda.
Pagkatapos kong maihanda ang almusal, ginising ko ang kambal. "Jenny, John, bangon na. Kakain na tayo," malumanay kong sabi habang hinahaplos ang kanilang mga ulo. Agad namang nagising ang dalawa, at kahit inaantok pa, ngumiti sila sa akin.
"Good morning, Mommy!" sabay nilang bati. Ang saya nilang makita, kahit sa kabila ng lahat ng problema, nagagawa pa rin nilang ngumiti at magbigay ng liwanag sa aking araw.
"Good morning, mga anak. Halika na, kain na tayo bago kayo pumasok sa school," sagot ko. Pinilit kong gawing masaya ang tono ng boses ko, para kahit papaano ay hindi nila maramdaman ang bigat ng sitwasyon namin.
Haban