Chapter 142
Paglipas ng mga oras ay hindi ko namalayang nakatulog pala ako pagkatapos kung uminom ng gamot para sa pangingirot ng aking pisngi.
Pagising ko, naramdaman ko ang malamig na simoy ng aircon sa loob ng opisina ni Jammie. Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata at natanaw ang malambot na sofa kung saan ako nakahiga. Napansin ko rin ang kumot na nakabalot sa akin—malamang ay inilagay iyon ni Jammie habang natutulog ako.
Nang lingunin ko siya, nakita ko siyang abala sa harap ng kanyang desk, tahimik na nagbabasa ng mga dokumento. Kahit seryoso ang kanyang mukha, may kapansin-pansing kabaitan sa kanyang presensya na nagbigay sa akin ng pakiramdam ng seguridad.
"Nagising ka na pala," sabi niya, hindi inaalis ang tingin mula sa papel na hawak niya.
Tumango ako at pilit na ngumiti. "Oo, pasensya na kung nakatulog ako nang hindi ko namalayan."
Iniwan niya ang kanyang ginagawa at tumayo mula sa kanyang upuan, lumapit siya sa akin habang may dalang baso ng tubig at isa