Chapter 192
Habang sina Jammie at Kiera ay papunta na sa company, kami naman nina Mom, Dad, Claire, at ang dalawa kong makukulit na pamangkin ay papunta na sa bagong mansyon na bigay nila.
"Uncle Jimmie, ang laki ba ng bahay?" tanong ni John, habang nakadungaw sa bintana ng sasakyan.
"Oo naman! Sigurado akong magugustuhan niyo ni Jenny," sagot ko habang inakbayan si Claire.
"May swimming pool po ba?" excited namang tanong ni Jenny, halos mapatalon sa upuan.
Napatawa si Mom. "Siyempre, meron! Para may paglalaruan kayo kapag bumisita kayo sa Tita Claire at Tito Jimmie niyo."
Napansin kong mas lalo pang naging excited ang dalawa. Mukhang hindi lang kami ni Claire ang sabik makita ang bahay.
"Hay naku, siguradong sa pool muna ‘tong dalawang ‘to bago pa kami makapasok sa loob," natatawang sabi ni Dad habang binabagtas namin ang daan papunta sa subdivision kung saan naroon ang bagong bahay.
Nang makarating kami, agad akong napahanga sa modernong mansion na nakatayo sa harapan namin. May mal