Chapter 208
Lumipas ang mga buwan, at ngayon na ang araw na pinakahihintay namin—ang paglabas ng aming kambal.
Habang nasa ospital kami, hindi ko maipaliwanag ang emosyon ko. Kaba, excitement, at takot ang sabay-sabay kong nararamdaman. Hawak-hawak ko ang kamay ni Claire habang hinihintay ang tawag ng doktor. Ramdam ko ang panginginig ng kamay niya, pero kahit kinakabahan siya, nakangiti pa rin siya sa akin.
"Kaya natin 'to, mahal," bulong niya habang pinipisil ang kamay ko.
"Oo naman, mahal. Pero hindi ko maitatanggi na nanginginig ako sa kaba," sagot ko, pilit na tumatawa kahit pakiramdam ko ay sasabog na ang dibdib ko.
Kasabay namin dito sa ospital si Sarah, na naghahanda rin para sa kanyang panganganak. Nakita ko si Emer na hindi mapakali, panay ang lakad-lakad sa hallway habang hinihintay din ang tawag ng doktor. Pareho kaming kabado—pareho kaming magiging ama ng kambal sa parehong araw.
Ilang sandali pa, lumabas ang isang nurse at tinawag ang pangalan ni Claire.
"Si