Chapter 119
Pagsapit ng alas-singko ng hapon, agad akong nag-ayos ng aking mga gamit. Sinilid ko ang tirang pagkain sa dala kong bag at nagmamadaling tumayo mula sa aking desk. Kailangan ko nang puntahan ang kambal sa kanilang school. Mabuti na lang at apat na gusali lang ang pagitan nito mula sa kumpanyang pinagtatrabahuhan ko, kaya hindi ako mahihirapan.
Habang naglalakad palabas, iniisip ko kung ano ang magiging reaksyon ng kambal kapag sinabi kong isasama ko sila bukas sa opisina. Alam kong matutuwa sila, lalo na si Jenny na mahilig magtanong tungkol sa trabaho ko.
Pagdating ko sa gate ng kanilang paaralan, nakita ko agad ang kambal na naghihintay. Si John ay tahimik na nakaupo sa bench, habang si Jenny naman ay masiglang kumakaway sa akin.
"Mommy!" sigaw ni Jenny, tumakbo siya papunta sa akin at niyakap ako. Sumunod naman si John, dala ang maliit niyang bag.
"Kamusta ang school niyo?" tanong ko sa kanila habang hinahaplos ang buhok ni John.
"Masaya po, Mommy!" sagot ni Jenny. "Sa