Chapter 104
Biglang tumigil ang tawanan sa mesa. Lahat ay napatingin kay Jammie, na tila hindi napagtanto ang sinabi niya. Ilang segundo ng katahimikan ang lumipas bago sumabog ang tawanan ng lahat.
"Jammie!" sigaw ni Dad, habang hawak ang tiyan sa kakatawa. "Anak, grabe ka naman! Parang masyado kang honest diyan, ah!"
Halos mapuno ng tubig ang aking ilong dahil sa biglaang pagtawa ko habang iniinom ang aking juice. "Oh my gosh, Jammie! Hindi ko kinaya 'yan. Ikaw na ang safe na safe!" sabi ko dito.
Si Mommy, bagama’t natatawa, pilit na pinipigilan ang sarili. "Anak, hindi naman namin kailangan ng ganyang detalye! Ang tanong lang namin, may girlfriend ka ba? Hindi kung anong... ano!" sabi niya dito.
Nahihiya ang kapatid ko sa kanyang sinabi, pero pilit na nagpapaliwanag. "Eh kasi naman, Mom, Dad, ang dami niyong iniisip. Ayoko lang ng ganyang eksena. Wala akong girlfriend, okay? Safe ako sa lahat ng aspeto!" proud pa itong sinabi.
Natahimik si Dad saglit, pero pagkatapos ay tumawa u