Chapter 103
Sarah POV
Pagkatapos ng kasal sa aking nakakatandang kapatid na si Jimmie ay agad akong umalis at umuwi sa mansyon. Sa totoo lang ay iniiwasan ko talaga si Emer hindi dahil sa ayaw ko sa kanya. Naiinis lang ako dahil hanggang ngayon ay puro ligaw lanv ang alam. Hinihintay ko ang kanyang pangako na paglaki naming ay papakasalan niya ako. Sa edad kong 24 at ito naman ay 30 ay pwede na kami mag-asawa.
Hindi ko makalilimutan ang kanyang pangako noong 5 years old pa ako na hinalikan niya ako tanda ng pangako na papakasalan niya ako. Pero hanggang ngayon ay hindi ginawa.
Habang nakaupo ako sa terrace ng mansyon, tahimik kong pinagmamasdan ang malawak na hardin. Malamig ang simoy ng hangin at tila binabalot ng nostalgia ang buong paligid. Hindi ko maiwasang maalala ang araw na iyon, ang araw na binitiwan ni Emer ang pangakong iyon sa akin.
"Promise, Sarah, paglaki natin, ikaw ang pakakasalan ko." Seryoso ang kanyang mukha noon habang hawak ang munting kamay ko. Sa murang edad k