Chapter 212
Kaya maaga kaming pumanhik sa itaas upang maghanda ng gamit namin. Dahil bukas ng umaga ang alis namin para pumunta sa Singapore.
Pagkapasok namin sa kwarto, agad akong nagtungo sa aparador upang kumuha ng mga damit na dadalhin. Samantalang si Brandon naman ay naupo sa kama at nakangiting pinapanood ako.
"Hindi ka pa ba mag-eempake?" tanong ko sa kanya habang abala sa pag-aayos ng maleta.
"Mas gusto kong panoorin ka muna," sagot niya sabay kindat.
Napailing ako at sinamaan siya ng tingin. "Brandon, kung gusto mong makaalis tayo bukas, tumulong ka na rito."
Tumawa siya bago tumayo at lumapit sa akin. "O, sige na nga. Ano bang dadalhin natin?"
"Kailangan nating magdala ng mga pang-summer na damit. Mainit ang Singapore, kaya dapat magaan lang ang isusuot natin," paliwanag ko habang inaayos ang mga damit sa maleta.
Habang nag-aayos kami, panay naman ang birong ginagawa ni Brandon. Kinuha niya ang isang summer dress ko at itinapat sa katawan niya. "Bagay ba sa a