Cari
Pustaka
Beranda / Romance / PAHIRAM NG ISANG GABI (Book #1) / 😊 Single Mom 😊 Chapter 117

😊 Single Mom 😊 Chapter 117

Penulis: SKYGOODNOVEL
2025-01-14 06:29:58

Chapter 117

Pagdating ko sa mesa ni Ms. Clara, hinanda ko na ang sarili kong sabihin ang utos ni Sir Jammie tungkol sa cash advance. Pero bago ko pa mabuksan ang bibig ko, biglang bumukas ang pintuan ng opisina niya.

"Kiera," tawag niya muli, kaya napalingon ako.

Laking gulat ko nang makita ang seryosong ekspresyon sa mukha niya. Lumapit siya nang dahan-dahan, at bago pa ako makapagtanong, nagsalita siya.

"Huwag ka nang dumaan kay Ms. Clara," sabi niya. "Ako na mismo ang magpapahiram sa'yo ng 10,000 pesos. Pero..." Tumigil siya, tinitingnan ako na parang may hinihintay na sagot.

Napalunok ako, hinihintay ang susunod niyang sasabihin.

"Basta siguraduhin mong dadalhin mo ang kambal bukas dito sa kompanya. Tamang-tama naman, Friday bukas at wala silang pasok, hindi ba?" tanong niya sa akin.

Nagulat ako, pero sa kabila ng lahat, naramdaman ko rin ang ginhawa. Para bang nalutas na ang isa sa pinakamabigat kong problema.

"Opo, Sir," sagot ko, pilit na nagpapakita ng ngiti kahit nal
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi