Chapter 131
Makikita ko sa kanyang mga galak na galak na mukha ang sabik na magkaroon ng koneksyon sa mga bata, at marahil ay may malaking puwang sa kanyang puso na nais mapunan. Ang bawat tanong at sagot ni Sarah ay puno ng malasakit, at alam kong unti-unti nilang magtatagumpayan ang mga unang sandali ng kanilang pagkakakilala.
Pinagmamasdan ko sila ng may pagmumuni, natutunan kong ang bawat hakbang na nagaganap ngayon ay isang magandang simula ng isang bagong kwento para sa aming pamilya.
Habang hawak-hawak ni Sarah ang kamay ng kambal, tumingin siya sa akin at nagpatuloy. "Hali kayo, ipapakita ko sa inyo ang magiging silid ninyo dito sa mansyon. Sigurado akong magugustuhan ninyo," sabi ni Sarah, ang mga mata niya ay kumikislap sa excitement. "Ay, sandali, Kuya Jammie, ikaw na lang ang mag-utos sa chef cook natin na ipaghanda kayo ng pinakamasarap na hapunan. Naku, sigurado matutuwa si Kuya Jimmie kapag nalaman niyang dito kayo."
Napangiti ako sa mga sinabi niya, ngunit sa kabil