3rd Person's Point of View*
Dahan-dahan na napamulat si Ethan at napakunot ang noo n'ya dahil nasa isang lugar s'yang hindi pamilyar sa kanya.
Agad n'yang nilibot ang paningin nito at gagalaw sana s'ya nang biglang naramdaman n'ya ang kadena na nasa kamay n'ya.
Hindi na n'ya maalala ang nangyari sa kanya matapos s'yang mawalan ng malay sa kamay ng ama n'yang muntik na s'yang patayin.
Ramdam pa rin n'ya ang sakit sa katawan n'ya habang gumagalaw s'ya at hindi n'ya maintindihan kung bakit hindi pa rin s'ya pinapatay ng ama n'ya.
Ano pa ang kailangan nito sa kanya. Hindi n'ya maintindihan.
Napatingin naman s'ya sa unahan at nakita n'ya na may makain doon. Hindi n'ya alam kung ilang oras o araw na ang nakalipas pero pakiramdam n'ya ay para na s'yang mamatay sa position nito ngayon.
Agad n'yang nilibot ang paningin n'ya kahit saan at para itong isang maliit na kwarto at may orasan pa.
"Alas 9 ng gabi."
Naramdaman n'ya na may lumakad papunta sa pintuan kaya agad s'yang napaalerto at bumukas