WARNING RATED SPG... Si Geraldine ay isang sikat at magaling na undercover agent na walang misyong hindi natatapos. Ngunit ang simpleng pagpapakasal niya bilang substitute bride sa isang lalaking iniwan sa altar ay nagdala sa kanya sa isang masalimuot na kwento ng pag-ibig, tungkulin, at nakatagong lihim. Ang lalaking iyon, si Michael Muller, ay hindi lamang isang negosyante kundi ang emperador ng pinakamakapangyarihang mafia sa mundo—ang mortal na kaaway ng gobyerno kung saan siya nagtatrabaho. Habang sinusubukan ni Geraldine na isagawa ang kanyang misyon laban kay Mike, unti-unti niyang natutuklasan ang kanilang malalim na koneksyon mula sa nakaraan at ang damdaming hindi niya mapigilan kahit pilit niyang nilalabanan. Ngunit sa mundo ng pagkakanulo at panganib, kailangang pumili ni Geraldine: ang sundin ang kanyang tungkulin bilang isang agent, o ang panindigan ang pagmamahal niya sa lalaking kinamumuhian ng organisasyong kanyang pinagsisilbihan. Mapapanindigan ba nila ang pag-ibig sa kabila ng dugo at kasinungalingan? O magwawakas ang lahat sa digmaan ng katapatan at kapalaran?
View MoreGeraldine's Point of View*
Mahalaga ang kasal sa maraming kababaihan dahil isa ito sa mahahalagang selebrasyon sa kanilang buhay, lalo na kung ang mapapangasawa nila ay ang lalaking mahal nila. Yun ang paniniwala ng ibang mga babae at iba sa akin. Ngayon ay nakatingin ako sa groom ko na naghihintay sa altar na nakangiti habang nakatingin sa akin at napangiti na lang din ako habang naglalakad. Patuloy siyang nakangiti hanggang sa tuluyan na akong makarating sa harap niya at agad niyang hinawakan ang kamay ko at hinalikan niya ang likod ng palad ko. “Baby, sa wakas. I'm so lucky to have you in my life." “Yes, di ko aakalain na umabot din tayo sa kinatatayuan natin ngayon, my Senador.” Mahina naman siyang natawa sa sinabi ko at ngumiti ako sa kanya. "Before that may message ako sandali, okay?" Dahan-dahan naman siyang tumango at kinuha ang mikropono sa gilid na kinataka ng lahat at nakikita ko ang excitement sa mukha niya. "My check, my check, ayan gumana...." Napatawa naman silang lahat na kinatingin ko. "Isang mensahe lang bago ako tumakas sa kasal na ito.” Nagulat ang lahat sa sinabi ko at nagsimula silang magbulungan at maging si Josh ay litong-lito sa nangyayari. Ugh... Tatlong buwan ko na siyang nilalandi, kaya alam kong baliw na baliw siya sa akin ngayon. Madali lang naman kasi siyang landiin. Tsk. “Josh Forger, itigil na natin ang kasal na ito, baby.” Nanlaki ang mga mata niya habang nakatingin sa akin, saka napatingin sa mga bisita niya nang may kaba sa mukha at bumalik ang tingin niya sa akin at hinawakan niya ang kamay ko at parang mangiyak-ngiyak na habang nakatingin sa akin. “Baby, bakit? May nagawa ba akong mali? Anong gusto mo na lumuhod ako ngayon sa harapan mo? Kung may mga naririnig ka ay hindi yun totoo. Please, magpapaliwanag ako." Napaluhod siya sa harapan ko at nagpapanik na ang lahat ng bisita dahil sa nangyayari at di ko sila pinakinggan sa sigaw nila at nakatingin ako sa kanya na walang emosyon at napabuntong hininga na lang at ngumiti sa kanya. “Humihingi ka ng tawad? Hmm... hindi sa akin, kundi sa kanila.” Itinuro ko ang limang buntis na babae na nakatingin sa kanya habang umiiyak at may mga dala na rin silang mga pulis at ibang mga pamilya nila na galit na nakatingin sa senador. “Panagutan mo kami, Senator! Buntis kami dahil sa’yo, tapos iniwan mo kami!” Kitang-kita ko ang mga butil ng pawis sa noo niya habang nakatingin sa akin, tila nagmamakaawang huwag akong maniwala sa kanila. “Tapos na ang misyon ko rito. Panagutan mo ang mga babae mo at mga anak mo, Senator Josh." Ngumiti ako sa kanya at pinat ko ang ulo niya. "Let's not see each other again, baby." Napailing-iling siya habang umiiyak at binigay ko sa kanya ang flowers na hawak ko. "Bigay mo yan sa mga biktima mong mga babae." "N-No, baby!" Lumakad na ako habang nakangiti, habang nagsimula nang magulo ang paligid sa likuran ko dahil sinugod na nila si Senator. Pindot ko ang earpod sa tenga ko. “Mission accomplished.” Ang kausap ko ngayon ay ang chief ko, isa sa mga nagmo-monitor sa akin sa misyon na ito. Ang mga babaeng sumugod sa kanila ang nanghingi ng tulong sa akin lalo na't nasa position ang lalaking iyon. Ang gusto nila ay makapaghiganti sa lahat ng kasalanan nito sa kanila at panagutan sila at mga pulis na ang bahala sa iba nun. “Good job, agent. Makakaalis ka na ngayon dahil nasira mo na ang reputasyon niya at napahiya na siya sa lahat kagaya ng gusto ng mga biktima." “Deserve niya iyon dahil babaero ang politikong iyon. Buti na lang maraming camera para malaman ng lahat ang totoo. Tapos na ako ngayon kaya deserve ko nang matulog, right?" “Oo, magpahinga ka muna at hintayin ang susunod mong misyon sa susunod na buwan.” Napakunot ang noo ko. Susunod na buwan? “Wala bang misyon na hindi aabutin ng isang buwan? Ang boring kaya—” “Bibigyan kita ng plane ticket para magbakasyon sa Europe bukas. Ang flight mo ay 12pm. Gusto mo iyon, di ba? Kaya bye!” Nagulat ako sa sinabi niya at napangiti ako habang tumatalon sa tuwa. Ito ang gusto ko sa chief ko eh ginagawa niya talaga ang kagustuhan ko matapos kong makatapos ng mission. Naglakad na ako palayo pero napansin ko ang isang babaeng hinihiya ang groom nito, na nakaupo sa wheelchair, sa harap ng maraming tao. Napakunot ang noo ko. “Hinding-hindi kita papakasalan. Lampa ka na at hindi mo na kayang maglakad. May iba na akong papakasalan.” Napakunot ang noo ko habang nakatingin sa babae. Lumapit pa ang isang lalaki at hinawakan ang kamay ng babae. Mukhang siya ang lalaking sinasabi nung babae. “Maaaring mayaman ka, pero mas mayaman ang boyfriend ko ngayon.” Tahimik lang ang lalaking nasa wheelchair, at naawa ako sa kanya, lalo na’t pinag-uusapan na siya ng mga bisita. Tahimik lang siya at nakikita ko na parang wala na siyang laban sa lalaking nasa harapan niya ngayon. Hindi niya deserve ang ganitong klaseng kahihiyan. Hindi naman niya kasalanan na nauwi siya sa ganoon, di ba? Napatingin ako sa pangalan nila sa maliit na banner sa labas ng pintuan at Michael ang pangalan ng lalaki. Napabuntong hininga ako at nagdesisyong tulungan siya. Tinanggal ko ang wig ko, kaya bumagsak ang mahaba kong buhok na abot-bewang. Tinanggal ko rin ang mahaba kong palda, kaya naka-dress na lang ako ngayon at tinanggal ko din ang belo ko. “Mikeeeyyy!” Lumingon ang lahat sa akin, lalo na ang lalaking si Michael, at natigilan ako nang makita ko siyang gwapo pala talaga. Ginising ko ang sarili ko at paulit-ulit kong sinabihan ang sarili kong maging propesyonal. Napabuntong-hininga ako at tumingin sa kanya, pero parang nai-in love ako. Buti na lang nakasuot ako ng puting dress parang ikakasal na rin ako ulit. At tumakbo ako papunta sa kanya at marahang itinulak ang babaeng nanghiya sa kanya kanina. “Bakit mo pakakasalan ang babaeng yan na walang kwenta? Ako ang mahal mo, di ba? Napagtanto ko na mahal na mahal din kita at ayokong makita kang magpakasal sa iba,” sabi ko nang may emosyon habang nakatingin siya sa akin, tila naguguluhan pa rin. Nag-sign ako na makipag-cooperate sa akin, at dahan-dahan siyang tumango. Mabuti hindi siya slow. “Hindi ka deserve ng gold digger na yan. Tinatanggap kita ng buong-buo, kahit hindi ka na makalakad. Mamahalin kita hanggang kamatayan. Ano naman ang masama kung bubuhatin kita parati?" “Ano?! Sino ka? Anong sinabi mo sa akin?” Tiningnan ko ang babae, at namumula na siya sa galit. Napangiti ako habang nakatingin sa kanya. “Bakit? Tinamaan ka ba?” Hinawakan ko ang kamay ni Michael at tiningnan ko ang babae nang may pagmamalaki habang nakatingin sa babaeng gold digger. “He's mine, at hindi siya magiging sa ’yo. Bumalik ka na sa lalaki mo at hindi ka bagay sa isang tulad ni Mikey. Guards!” Kaagad na lumapit ang mga guwardya at pinalabas sila. Napabuntong-hininga ako at tiningnan ang mga bisita, saka ngumiti sa kanila. Pagkatapos ay tiningnan ako ni Michael, at nagulat ako nang hinila niya ako para paupuin sa kandungan niya. Hawak-hawak niya ako habang nakatingin ako sa mga mata niya. At tatayo sana ako baka kasi masaktan siya pero hindi niya ako binitawan. “I'm yours? So if you're claiming me... then you're mine as well, Mrs. Muller." Nanlaki ang mga mata ko nang bigla niyang halikan ang mga labi ko, at lahat ng tao ay pumalakpak sa ginawa ni Michael. Waaaa! First kiss ko iyon! Hindi! Hindi ito kasama sa plano ko! ******** LMCD22Geraldine's Point of View* Makalipas ang ilang buwan at hindi pa namin sinabi ang tungkol sa baby namin ni Mike. Kaarawan ko ngayon. Yung totoong birthday ko at tamang tama na 6 months na ang baby sa tiyan ko. At maski ako hindi ko alam kung ano ang kasarian ng baby namin. At maski si Mike. Nakatingin ako kay Mike na nasa gilid ko na pinaglalaruan ang kamay ko habang nakaupo kami sa sofa. "Hubby, kailangan na nating pumunta sa venue. Anong oras na oh." Tiningnan ko ang relo na nasa wrist ko. Malapit na nga ang oras! Naramdaman ko ang kamay ni Mike na nasa tiyan ko na at hinimas niya iyon. Siya talaga ang pinaka-excited na malaman kung ano ang kasarian ng anak namin. "Hubby, anong gusto mo, girl o boy?" "Mababae man o malalaki ay mamahalin ko sila ng buong buo. Right, baby?" Mahina na lang akong napatawa dahil kinausap niya pa ang baby sa tiyan ko. Di ako makapaniwala na nakarating na kami sa position namin ngayon. Nalaman ko rin na may kinalaman si Mike sa mga planong
3rd Person's Point of View*Sa airport...Nakatingin sila sa lugar sila Leonid. Gumamit sila ng ibang katauhan para makapasok sila sa airport at hindi mahuli ang mga katauhan nila."Sigurado ka ba na maayos na ang lahat? Hindi tayo mahuhuli dito?" tanong ni Leonid sa kanang kamay niya."Yes, boss. Wag po kayong mag-aalala dahil nakaplano na po ang lahat.""Okay."Inanalayan nito na lumakad papunta sila sa isang daan na pang-VIP. Nakikita ni Leonid na ginagawa nga ng kanang kamay niya ang trabaho nito. Nagpatuloy sila sa paglalakad hanggang makarating na sila sa airplane."Nakaayos na ba ang lahat? Wala na bang naiwan?" tanong ng kanang kamay nito sa mga kasamahan nito.Tumango naman ang lahat at in-arrange na nito ang mga maleta nito sa taas."Ah, cr po muna ako."Tumango naman si Leonid at tiningnan niya ang phone niya pero ang hindi alam ni Leonid na lumabas pala ang kanang kamay nito. Makalipad ang ilang minuto ay napatingin si Leonid sa cr na pinasukan ng kanang kamay nito."Tin
3rd Person's Point of View*Nakayuko naman si Aldren habang nakikinig sa ama nito. Nakaplano na pala ang lahat at hindi pa nila sinasabi sa lahat."Kung ganun bakit tahimik pa rin si Mr. Muller?""Lihim siyang gumagalaw. At hinuhuli ang bait sa sarili niyang pamamaraan."Nagulat naman si Aldren sa sinabi nito."Ang unang ginawa pa niya ay inilagay sa ligtas ang asawa niya at ang pamilya nito bago ito gagalaw.""How about Astraea? May alam ba siya sa nangyayari?""Hindi ko alam kung sinabi ba niya o hindi. Hayaan na lang natin sila alam na nila ang gagawin at baka tayo pa ang makakasira sa plano nila."Dahan-dahan naman itong napatango."Ang importante ay nandidito na kayo sa tabi ko.""How about the vault?""Hayaan mo na ang vault dahil wala naman talagang laman ang vault na nasa opisina. Ang susi na hawak mo ay nandidito ang vault nun.""Don't tell me ang laman ng vault na nandidito ngayon ay ang mga ebidensya na makakabagsak kay Leonid."Dahan-dahan namang napatango si Marco."Kung
3rd Person's Point of View*Nakatago ngayon si Marco nang makita niya ang isang babae na may dalang bata sa bisig nito."Leonid, please stop this.""Anong stop this! Maraming nalagas na mga tauhan ko tapos ganito lang?""Ano bang gusto mo yung pati kami mamatay sa nangyayari? Umalis na tayo dito hayaan na natin sila!"Bigla na lang sinakal ni Leonid ang asawa na kinalaki ng mga mata nito.At tinapik tapik nito ang kamay na nakahawak sa leeg niya."D-Di ako makahinga....""Wag na wag kang magsasalita. You're just my wife. Gawin mo lang kung ano ang role mo hindi yung pangaralan ako sa mga desisyon ko!"Binalibag nito ang asawa at umiiyak namang hinihingal ang asawa nito. "Lumabas ka, Marco! Hindi pa tayo tapos!""Yan na lang palagi ang tingin mo sa akin. Hindi lang asawa kundi instrumento lang na maging asawa mo at magdala sa anak mo!"Napapikit naman si Leonid at kinakalma niya ang sarili niya bago humarap sa asawa."Kill me kung yun lang ang tingin mo sa akin!"Umiyak naman ang bata
3rd Person's Point of View*Nakarating sa Italy si Marco sa pamamagitan ng katauhan ni Leo. Gamit ang technology na kagamitan nito bilang agent ay nalaman agad nito kung saan naka-locate ang empire ng mafia.Nakahawak s'ya sa isang papel habang naglalakad. Hinahanap n'ya kung saan matatagpuan ang isang bar na isa sa konektado sa mafia empire.Hanggang sa mapahinto s'ya nang makita n'ya ang isang lugar."Mukhang ito na ang hinahanap ko."Sa isang eskinita lang pala n'ya makikita ang bar na 'yun. Hindi agad makikita dahil maliit lang ang daanan at sa unahan naman ay makikita mo ang mga magagandang sasakyan na mukhang mas mayaman pa sa kanya ang may-ari.Napalunok naman s'ya at lumakad papasok. Dahan-dahan naman n'yang binuksan ang pintuan at agad bumungad sa kanya ang isang magandang bar at maraming mga nag-iinuman doon. Lumapit s'ya sa isang bartender at inalala n'ya ang sinabi ng isang kasamahan na nakapasok na dito noon dahil sa isang mission. "Cosa desidera da bere, sire?"Tinatan
3rd Person's Point of View*Sa sasakyan matapos barilin si Marco ng kalaban at mabilis na nagmamaneho si Leo dahil akala na nito mamamatay na ang kakambal nito."Damn, Marco. Gumising ka r'yan. Ako pa ang papatay sa 'yo!"Tiningnan ni Leo ang kakambal sa rear mirror at hindi na nga ito gumagalaw. Tinapakan nito ang preno at agad nitong tiningnan ang kakambal sa likod."M-Marco!"Lumabas siya sa sasakyan at agad n'yang hinawakan ang kakambal n'ya at nanghihina naman s'yang napaluhod."N-No... sabay tayong lumabas sa mundong ito pero bakit umuna kang umalis? I'm sorry, Marco. Dahil ako ang nakasira sa ating dalawa.""You mean it?""Oo, nagsisisi ako sa mga araw na nasayang sa atin--- eh?"Napatingin naman si Leo sa kapatid nito na nakaupo ngayon sa upuan at nakatingin sa kanya ng seryoso.Hinila s'ya papasok nito sa sasakyan at si Leo naman ay gusto nang tumakbo dahil sa takot na nakikita n'ya ngayon sa kakambal niya."Z-zombie..."Napakunot ang noo ni Marco at binatukan ang kambal."Zo
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments