Geraldine's Point of View*
"I didn't know that you're here."
Natigilan ako dahil sa narinig at napakamao ako. Imposible na makikilala niya ako agad. Eh grabe naman ang disguise ko hindi lang niya ako makilala.
Dahan-dahan akong napatingin sa gilid ko at nakahinga ako ng maluwag nung nakita ko na hindi naman ako ang tinawag niya. May kausap siya sa gilid niya.
Napatingin naman ako sa labas nang matigilan ako nang makita ko si Mike na nakatingin sa akin kaya patakbo akong lumapit sa kanya at niyakap ko siya at yung pagkakayakap ko sa kanya ay dala pagyakap ng mga paa ko sa bewang niya.
Nanghihina ang tuhod ko ngayon kaya nagpapabuhat ako sa kanya.
At mabuti nakuha naman niya ang gusto kong gawin at inanalayan niya ako sa pagbuhat.
"Hubby, alis na tayo," mahinang ani ko sa kanya.
"Hmm..."
Lalakad sana siya nang biglang may nagsalita.
"You must be Mr. Muller, right? Yung sikat na CEO?"
Nanlalaki ang mga mata ko dahil narinig ko ang boses ni Josh.
"Yes, I am, Mr.