Bella's POV
Tahimik ang buong bahay habang naglalagay ako ng mga hinugasan sa dish rack. Naririnig ko pa ang patak ng tubig mula sa gripo, at ang mahinang huni ng radyo sa background. Ilang araw na rin simula nang alagaan ko si Brent matapos siyang mawalan ng malay. Sa bawat araw na lumilipas, tila unti-unti rin niyang binubura ang distansyang matagal ko nang inilagay sa pagitan naming dalawa.
Kaya’t nang marinig ko ang tunog ng telepono niya sa living room, hindi ko inakalang babasag iyon sa katahimikan ng araw naming dalawa.
“Hello?” tanong niya, medyo groggy pa ang boses dahil kagigising lang.
Napalingon ako mula sa kusina. Tahimik akong nanood habang unti-unting nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Brent. Mula sa pagiging walang pakialam, naging alerto siya. Nanlisik ang mga mata, at nanigas ang mga balikat.
“What happened? Where is she now?” sunod-sunod niyang tanong.
Napapitlag ako sa tono ng boses niya—halatang may urgency. Parang may masamang nangyari.
“I’ll be there in twenty