Limang taon ang nakalipas mula nang maghiwalay sina Luna at Alexus—isang flight attendant at isang bilyonaryong piloto na dating nagmamahalan. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay nawasak nang matuklasan ni Luna ang lihim na maaaring magdulot ng matinding sakit kay Alexus: ang kanyang sariling ama ang dahilan ng pagkamatay ng ama ni Alexus. Sa desperasyong protektahan ito mula sa masakit na katotohanan, sinira niya ang relasyon nila sa pamamagitan ng isang kasinungalingan. Sinabi niyang niloko niya ito at hindi si Alexus ang ama ng dinadala niyang anak. Ngunit hindi kailanman nawala ang nakatagong sugat sa kanilang mga puso. Ngayon, limang taon ang nakalipas, muling nagkrus ang kanilang landas sa isang flight na hindi inaasahan. Si Alexus ay isang matagumpay na piloto at bilyonaryo, ngunit dala pa rin ang sakit ng nakaraan. Si Luna naman, isang single mom, ay pilit na binubuo ang buhay kasama ang kanilang lihim na anak na si Bella. Habang nalalantad ang katotohanan tungkol sa nakaraan at ang lihim ni Luna, magagawa kaya nilang buuin muli ang nawasak na pag-ibig? At kapag nalaman ni Alexus na si Bella ay anak niya, handa ba siyang patawarin si Luna at labanan ang mga multo ng kanilang nakaraan para sa pagkakataong maging buo muli bilang isang pamilya?
Lihat lebih banyakLuna’s POV
Napalingon ako sa cellphone ko nang mapansing may tumatawag. Agad kong sinagot ang tawag nang makita ko ang pangalan ng aking pinsan na si Cara. “Luna, nasaan ka?” Nanginginig ang boses ni Cara. “Papunta na ako riyan sa ospital. Katatapos lang ng training namin. Bakit?” Uminom ako ng tubig. Katatapos lang ng training ko. Kaunting tiis na lang, magiging ganap na akong flight attendant. Bumuntong-hininga ako nang mapagtantong may posibilidad na makakahinto ako sa training namin kapag lumubo na ang tiyan ko. Dalawang buwan na akong buntis. Hindi pa alam ng mga pamilya namin ni Alexus ang tungkol sa pagbubuntis ko dahil pareho kaming natatakot sa magiging reaksiyon nilang lahat. Malaki ang tiwalang binigay nila sa amin na magtatapos kami sa pag-aaral at makakamit namin ang pangarap naming mga trabaho. Iniisip ko rim si Mama. May sakit siya sa puso at kasalukuyan siyang naka-confine ngayon sa isang public hospital. Habang ako naman ay working student at umaasa lang sa scholarship ko. May pera ang pamilya ni Alexus at gusto nila akong tulungan sa pag-aaral ko, pero mas pinili kong itaguyod ang pangarap ko sa aking sariling sikap. Isa ang Del Fuego Group na pinakamayamang pamilyar sa Pilipinas. Ayaw kong isipin ng ibang tao na dependent ako sa pera ng boyfriend ko. Sikat ang pamilya ni Alexus sa larangan ng negosyo. “Matagal ka pa ba? May date pa kasi ako ngayong gabi,” saad ni Cara. Napatingin ako sa cellphone ko nang biglang namatay ang tawag. Napakagat-labi ako nang mapansing paubos na pala ang baterya ng cellphone. Makalipas ang ilang segundo, nakita ko ang pangalan ng Papa sa screen. Agad kong sinagot ang tawag ni Papa. “Papa, papunta na ako sa ospital. Nakauwi ka na ba sa bahay? Pwede mo ba akong dalhan ng ekstrang mga damit?” saad ko kay Papa. “Luna, nakapatay ako…” paos ang boses ni Papa. Napatakip ako ng bibig. “A-Ano? Paano?” Naramdaman ko kaagad ang pagbilis ng tibok ng puso ko. “Napatay ko ang ama ng boyfriend mo…” Nabitawan ko ang hawak kong mineral water. Umawang ang labi ko at natahimik. Parang may biglang bumara sa lalamunan ko. May naririnig akong sigawan ng mga tao at siren ng patrol car sa kabilang linya. Magsasalita na sana ako, pero biglang naputol ang tawag. Napatingala ako sa kalangitan nang mapansin ang pagpatak ng ulan. Pumara ako ng jeep habang pilit na pinoproseso sa utak ko ang mga sinabi ni Papa. Paulit-ulit na naglalaro sa isipan ko ang mga sinabi ni Papa. Pinatay niya ang ama ni Alexus. Hindi ko alam kung paano ko nakayanan ang bigat ng mga salitang narinig ko. Parang ang bawat salita ay naghatid ng dagok sa aking katawan, at bawat patak ng ulan sa labas habang naghihintay ako ng masasakyang jeep ay tila isang pahirap na sumasalamin sa aking kalagayan. Habang nasa biyahe patungo sa ospital kung saan naka-confine si Mama, iniisip ko si Alexus. Titig na titig ako sa lockscreen wallpaper ko na kasama siya sa larawan. Nanginginig ang aking buong katawan sa takot. Hindi masamang tao ang aking ama. Hindi niya magagawa ang bagay na ‘yon. Kahit mahirap lang kami, hinding-hindi kakapit sa patalim si Papa para lang maitaguyod ang pamilya namin at matustosan ang mga pangangailangan ng aking ina na may sakit sa puso. Tagaktak ang pawis ko pagdating sa ospital. Napalingon ako sa mga patrol car na naka-park sa gilid ng kalsada. Tumingin ang mga pulis sa akin at lumapit. “Ikaw ba ang anak ni Mr. James Reid?” tanong ng pulis sa akin. Mabilis akong tumango. Luminga-linga ako sa paligid, hinahanap ko si Papa. “Bakit po?” “Pwede ka bang sumama sa amin?” tanong ng isang pulis. Mabilis akong tumango. “B-Bakit po?” Nanginginig ang aking boses at buong katawan. “Nabalitaan namin na nagnakaw siya ng pera sa bangko. May itatanong lang sana kami sa ‘yo.” Napalunok ako at humigpit ang paghawak ko sa aking bag. Bigla akong nagulohan sa sinabi ng pulis sa akin. Nagnakaw si Papa sa bangko? Napatitig ako sa mga pulis nang maalala ko ang sinabi ni Papa sa akin kanina. Pinatay niya ang ama ni Alexus. “Sige po,” tugon ko. Nakiusap ako sa mga pulis kung pwede bang makitawag dahil kakausapin ko si Cara. Siya muna ang magbabantay kay Mama ngayong gabi. Pagkatapos akong kausapin ng mga pulis, bumalik ako sa ospital. Kinapa ko ang cellphone ko nang mapansing may tumatawag sa akin. Bigla akong nanigas sa kinatatayuan ko nang makita ang pangalan ni Alexus. Humugot ako ng malalim na hininga bago sinagot ang kaniyang tawag. “Babe, kauuwi ko lang ng Pilipinas. Nakita na namin si Ate Brielle, pero wala na si Daddy. Kinidnap siya kanina at pinatay…” paos ang boses ni Alexus. “Nasa ospital ako ngayon. Pwede mo ba akong puntahan?” Hindi ako makasagot. Parang may biglang bumara sa aking lalamunan. “Sige. Papunta na ako riyan. May sasabihin din ako sa ‘yo.” Pag-angat ko ng tingin, namilog ang aking mga mata nang nahagip ko si Papa sa labas ng ospital, dugoan ang suot niyang damit. Tatawagin ko na sana siya, pero bigla siyang tumakbo palayo. Nagpaalam ako kay Alexus na dadaan muna ako sa 7/11 para i-charge ang cellphone ko. Habang naghihintay na madagdagan ang baterya ng aking cellphone ay nakiusap ako sa isa ko pang pinsan na pumalit muna kay Cara dahil kinakausap pa ako ng mga pulis. Kahit ang totoo ay pupunta ako sa ospital na pagmamay-ari ng pamilya ni Alexus. Pumara ulit akong jeep, pero lahat ay puno. Hirap na hirap akong makasakay. Tumawag ulit si Alexus sa akin, pero hindi ko sinagot ang kaniyang tawag. Binalot ako ng pinaghalong takot at kaba. Kinakabahan ako na baka alam na ng pamilya niya kung sino ang pumatay sa kaniyang ama. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa amin ni Alexus at sa magiging anak namin. Pagdating ko sa Del Fuego Medical Hospital, agad kong napansin ang mga reporters sa labas ng ospital. Nagtago ako sa poste nang makita ang mga kapatid ni Alexus na sinusubokang kunan ng pahayag ng mga reporters. Napalunok ako nang makita ko rin si Alexus na bumaba sa itim na van. Namamaga ang kaniyang mga mata habang pinapakalma ang kaniyang kambal na si Alexis. Nakalimang tawag na si Alexus sa akin, pero hindi ko pa rin siya sinasagot. Bigla akong nawalan ng lakas na harapin siya lalo na’t ama ko ang dahilan kaya namatay padre de pamilya ng kanilang pamilya. Nagsimula akong magtipa ng mensahe kay Alexus. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong gawin. Nangibabaw ang takot na nararamdaman ko ngayon. Nawalan ako ng lakas na harapin silang lahat dahil natatakot ako na kamuhian ni Alexus at ng kaniyang pamilya kapag nalaman niya kung sino ang pumatay sa kaniyang ama. To: Alexus I cheated on you. Hindi ikaw ang ama ng batang dinadala ko. Napapikit ako at hinawakan ng mahigpit ang cellphone ko pagkatapos kong ipadala ang mensahe kay Alexus. Tumawag si Alexus sa akin, pero hindi ko na sinagot ang kaniyang tawag. Pinatay ko ang cellphone at sinilid sa loob ng aking bag, at mabilis na tumakbo paalis sa kanilang ospital.Hello! Lubos po akong nagpapasalamat sa inyong lahat. May ilang readers dito na galing pa talaga sa The Billionaire's Substitute Bride. Ang kwento sa Lola at Lolo ni Bella. Maraming salamat po sa pagsama sa akin kahit sobrang gulo na. Ganiyan talaga ang buhay. Hindi lahat ng gusto natin ay nasusunod. Ang buhay ng tao ay magulo. Hindi lahat ng love story ay nagtatapos sa masaya. Kaya mahalin natin ang ating mga mahal sa buhay habang nandiyan pa sila. Huwag natin sasayangin ang bawat segundong iparamdam kung gaano natin sila kamahal. Dahil hindi natin kayang i-predict ang ating kapalaran. Hindi natin malalaman kung kailan sila kukunin sa atin. My ongoing Stories: 1. The Billionaire's Vengeful Obsession (SSPG) - Special Chapters na lang kulang nito. 2. Unholy Nights With My Billionaire Boss (SSPG) - Malapit na matapos. 3. The Cold Billionaire's Forbidden Maid - Malapit na matapos. 4. Vengeful Heiress: The Billionaire's Ex-Wife Strikes Back 5. Dumped and Decei
Nakatitig lamang si Bella sa mga larawan ni Brent na naka-display sa maliit na mesa sa tabi ng kama. Mga huling kuha nila iyon bago tuluyang mawala sa kanya—mga larawang laging pinagmamasdan niya tuwing gabi at umaga, para bang doon na lang siya kumukuha ng lakas para mabuhay pa. Today was his first death anniversary. At the same time, iyon din ang kanilang second wedding anniversary. Dalawang okasyong magkasalungat—isa para sa paggunita sa buhay na minsang pinuno ng pagmamahalan, at isa para sa pagkawala na sumira sa lahat ng meron siya. Tahimik siyang nakaupo sa gilid ng kama, nakayuko, habang marahan niyang hinahaplos ang frame ng litrato gamit ang dulo ng mga daliri. “Brent…” mahinang tawag niya, halos hindi lumalabas sa bibig. Para bang umaasa siyang may sumagot mula sa kawalan. “Happy second wedding anniversary… and… your first death anniversary.” Napahinto siya, pilit nilulunok ang namumuong luha. “Miss na miss na kita.” Sumandal siya sa headboard, pinipilit ngumiti kahit ra
Bella’s POVNagising ako nang marinig ang iyakan ng pamilya ko sa labas ng kwarto. Mabigat ang dibdib ko habang bumangon. Nagkusot ako ng mata at agad na nagtungo sa silid ni Brent.Pagbukas ko ng pinto, halos mapaluhod ako nang makita ang flatline sa monitor.“Brent?!” halos pasigaw kong tawag. Mabilis akong lumapit, nanginginig ang mga kamay.May doktor at dalawang nurse na nagmamadaling sinusubukan siyang i-revive. “Clear!” sigaw ng doktor bago pinindot muli ang defibrillator.Pero walang pagbabago.“Please, gawin niyo pa! Don’t stop!” sigaw ko habang pinipilit lumapit sa kama niya.“Ma’am, we’re trying our best…” sagot ng doktor na halatang mabigat din ang loob.“No! You’re not trying hard enough! Please, one more! Isa pa!” halos pakiusap at utos na ang tono ko.Nagtinginan ang mga nurse pero sumunod pa rin. Isa pang shock. Wala pa rin.“Brent! Gumising ka, please!” Pilit ko siyang ginigising, hinahawakan ko ang malamig niyang kamay. “This isn’t funny! You promised me… you promise
Bella’s POVHuminto ako sa trabaho bilang doktor sa sarili naming ospital. Wala na akong ibang iniisip kundi si Brent. Gusto kong mag-focus sa pag-aalaga sa kaniya lalo na’t habang tumatagal ay mas lalo siyang nanghihina.Araw-araw akong umiiyak at walang sawang nagdarasal na sana magkaroon ng himala—na gumaling si Brent. Pero kahit anong pakiusap ko sa Diyos, parang walang nangyayari. Ilang buwan na rin ang lumipas mula nang ma-diagnose siya.Nagsimula na rin ang treatment niya, pero halata sa katawan niya ang pagkapagod. Lumalalim ang mga mata niya, at madalas ay wala na siyang ganang kumain.Hindi ko mapigilang mapaiyak habang pinagmamasdan siyang mahimbing na natutulog sa kama namin. Nakaupo lang ako sa gilid, hawak ang kamay niya. Palagi ko siyang kinukwentuhan kahit tulog siya—kung paano kami unang nagkita sa ospital, kung paano siya palaging makulit sa akin noon hanggang sa napapayag niya akong lumabas kasama siya, at kung paano niya ako tinanong kung gusto ko nang maging asawa
Brent’s POVNapahawak ako sa sentido ko nang muling maramdaman ang matinding kirot. Para bang kumikirot mula sa loob at kumakalat pababa sa leeg ko. Napapikit ako at dahan-dahang huminga, pero wala ring bisa. Ilang beses ko nang nararanasan ito sa loob ng limang buwan. Minsan kaya ko pa, pero nitong huli, parang mas lumalala.Kanina lang, halos hindi ako makakain ng maayos. Tuwing umaga, sumasabay sa sakit ng ulo ang pagsusuka. Minsan kahit wala namang dahilan, naiirita ako—lalo na kapag paulit-ulit akong tinatanong ni Bella kung ayos lang ba ako. Hindi niya alam na may tinatago akong iniindang sakit.Mag-iisang taon na ang kasal namin. Sa lahat ng panahong iyon, naging maayos naman kami. Pero sa kabila ng mga tawa, plano, at pangarap, tinatago ko sa kanya ang totoo. Ayokong mag-alala siya. Ayokong makita sa mga mata niya ang takot.Kaya ngayon, mag-isa akong pumunta sa ospital para magpa-check up. Pagkatapos ng ilang tests, nakaupo ako sa labas ng laboratory habang hinihintay ang res
Belle's POV Maingay pa ring humahagibis ang ulan sa bintana, pero sa loob ng bahay ay parang lumilipas ang oras sa mabagal, marangyang tik-tak — tila sariling sinasanto ng silid ang pinaghalong init at amoy ng kape, balat, at bagong-lutong pancakes. Ilang minuto na ang nakalipas buhat nang tinangka kong “asarin” si Brent sa kusina: unang hakbang, hawakan; pangalawa, lumuhod; pangatlo, pasukin ang isang teritoryong akala ko ay nakalaan lang sa kanya. Ang resulta — kami ngayon ay magkayakap sa ibabaw ng malamig na granite island, waring walang halaga kung basa pa ng katas ang mga daliri ko at kung magulo ang buhok niya. Humihinga kami nang malalim, sinasaliksik ang katahimikan na ninakaw namin mula sa mapusok na umaga. Ang mga palad niya ay nakasilid sa tagiliran ko, gumuguhit ng banayad na kurba na para bang koreograpya ng isang klasikong ballet. Sa bawat paghinga, bumabangga ang dibdib niya sa dibdib ko, at nakararamdam ako ng kuryenteng hindi ko pa rin matukoy kung saan nanggagaling
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Komen