“H-HUH? B-Bakit mo naman ako susuduin pa, Kuya Kairi? It's okay, it's not your obligation—”
“Keiko asked me to pick you up. So give me your number because I'm late for work,” iritableng putol ni Kairi sa sinasabi ng babae.
Wala naman ibig sabihin ang pagsundo niya rito, pero nakiusap ang kapatid niyang si Keiko na gawin niya iyon dahil nag-aalala ito sa safety ng babae. Nalaman din niya mula rito ang totoong sitwasyon ng dalaga at ang dahilan kung bakit ito pansamantalang nakapisan sa kanila.
Hindi naman iyon abala ay Kairi dahil nagkataon na iisa lang sila ng way patungo sa law firm at sa banko kung saan ito nagtatrabaho. Besides, nasa iisang bahay lang sila umuuwi kaya mas magiging convenient para rito na sunduin niya.
“G-Ganon ba? Okay,” napapahiyang sagot naman ni Abby. Kulang na lang ay lamunin siya ng lupa dahil sa pagiging assumera niya.
‘Gaga ka talaga, Abigail. Nakakahiya ka!’ Lihim na kinastigo ni Abby ang sarili. Hiningi lang naman ang number niya ay kung anu-ano