Sa edad na dalawampu, napilitang magpakasal si Lalaine sa kahilingan ng kanyang pinakamamahal na lola na malapit nang pumanaw. Hindi niya kilala ang napangasawa dahil inalok lang siya ni Lola Mathilde na pakasalan ang apo nito. Hanggang sa nakuha ni Lalaine ang marriage certificate tatlong buwan pagkatapos niyang ikasal, nalaman niyang ang lalaking pinakasalan niya ay walang iba kundi si Knives Dawson—ang may-ari ng Dawson's Group of Companies at ang pinakamayamang negosyante sa Luzon. Nalaman din niyang kinasusuklaman siya ni Knives at napilitan lang itong pakasalan siya dahil kay Lola Mathilde, kaya matapos nilang maikasal ay lumipad na ito patungong California at hindi na sila muling nagkita pa—sa madaling salita, kasal lang sila sa papel. Makalipas ang isang taon ay napag-alaman ni Lalaine na nagbalik na si Knives Dawson mula California, kaya naman nagpasya siyang mag-file ng annulment dahil payapa na kanyang lola at wala nang dahilan para ipagpatuloy pa ang kasal. Subalit isang pangyayari ang naglagay kay Lalaine sa alanganin—kailangan niya ng isang milyong piso para sa kanyang kapatid na nasa nursing home at kasalukuyang nasa comatose state. Dahil desperada na, lakas-loob na humingi ng tulong si Lalaine kay Knives Dawson. Pumayag naman si Knives subalit kapalit ng isang milyong piso ay pipirma si Lalaine sa agreement, kung saan nakapaloob doon na magiging babae siya ni Knives at partner sa kama— na magtatapos lang sa oras na makahanap na siya ng ibang babae. May mamagitan kayang pagmamahal sa dalawang tao na magkaiba ang paniniwala at antas sa buhay? At ngayong nagising na ang first love ni Knives na si Gwyneth mula sa pagka-coma dulot ng isang aksidente, tuluyan na kayang matatapos ang kanilang agreement? Ipaglalaban ba niya ang kanyang karapatan lalo pa't natuklasan niyang nagdadalang-tao siya? O magpaparaya dahil nakatakda ng magpakasal ang dalawa?
View More“MR. Knives Dawson...”Namumula at namamaga ang mga mata ni Lalaine nang tumingin sa lalaki na para bang isang kuting na inapi.Subalit nanatiling matigas si Knives, hindi niya pinansin ang babae at basta na lang nilampasan ng blanko ang ekspresyon sa mukha.Natigilan si Lalaine pero kinapalan na lang niya ang mukha at sumunod sa lalaki. Nang bumukas ang elevator nauna pa si Lalaine na pumasok sa loob dahil baka pagsarhan siya ng lalaki kapag nahuli siya.“Nagkakamali ka yata ng pinasukan, Ms. Aragon?” tanong ni Knives nang tumingin sa babae na madilim ang anyo.Hindi na pinansin pa ni Lalaine ang kahihiyan saka kagat-labing nagsalita. “I'm sorry Mr. Dawson dahil na-istorbo pa kita pero kailangan ko ng tulong mo.”“You know you're a nuisance, why did you still follow me here?” galit na tanong mo Knives na hindi man lang nagpakita nang maski kaunting awa para sa kaharap. “Get out!”Nakuyom ni Lalaine ang mga kamao na halos bumaon na ang kanyang kuko sa kanyang palad. “M-Mr. Dawson, kai
SA INTEROGATION room sa Manila Police District, ay kasalukuyang ini-interview si Abby ng mga imbestigador.Namumutla ang mukha ni Abby at ang kanyang labi ay tuyong-tuyo at namamalat. Na-detained na siya ng isang gabi sa presinto at paulit-ulit siyang kinakausap ng mga pulis tungkol sa mga nangyari. Hindi maintindihan ni Abby ang lahat. 'Di ba't self-defense lang naman ang ginawa niya? Bakit kailangan niyang makulong sa kasalanang hindi n'ya naman sinasadya?Mayamaya pa'y pumasok sa interogation room ang isang lalaki na naka-suit and tie. “Good afternoon, Ms. Del Rosario. Ako nga pala ang abogado ni Benjamin Scott,” pagpapakilala nito kay Abby sabay lahad ng kamay.Nag-aatubili namang inabot ni Abby ang kamay ng abogado saka ngumiti ng pilit. “H-Hello po, Sir.”“Ganito, Ms. Del Rosario, ang aking kliyente na si Mr. Benjamin Scott ay kasalukuyang unconscious pa rin at malabo pa ang pag-asa na magigising siya. Ang sabi ni Chairman ay kausapin kita para maipaliwanag sa'yo ang sitwasyon
“ANG gusto ng pamilya ng biktima ay panagutin ang kaibigan mo sa nagawa niya at sampahan ng attempted murder.” Nanigas si Lalaine sa kinauupuan. Kakasuhan ng pamilya ni Benjamin ang kaibigan niya? Pero bakit? Inosente si Abby! Napatayo si Lalaine sa kinauupuan at masama ang loob na tumingin sa kausap na pulis. “Wala kaming relasyon ng hayop na Benjamin na 'yon. Sigurado akong peke ang mga ebidensya na ipinakita nila sa inyo. Si Benjamin ang laging nangha-harass sa'kin. Kasinungalingan ang mga sinasabi nila! Walang kasalanan ang kaibigan ko. Tinulungan lang niya ako! Inosente si Abby!” bulalas pa ni Lalaine. Kumunot naman ang noo ng pulis. “Kung gano'n, may ebidensya ka ba o kahit ano na magpapatunay na wala kayong relasyon ni Mr. Scott? Mayroong pictures at videos ang abogado ng mga Scott na magpapatunay na may relasyon kayo.” Hindi nakasagot si Lala5sa tanong na iyon ng pulis officer. Paano nga naman niya mapapatunayan na kasinungalingan ang sinasabi ng demonyong Benjamin na
TINATAGAN ni Lalaine ang loob, hawak nang mahigpit ang pepper spray ay nag-spray din siya sa mukha ng mga ito dahilan para magkagulo ang dalawang bodyguard. Muli, mabilis na tumakbo si Lalaine patungo sa elevator pero pagdating niya roon ay dalawa na namang bodyguards ang nakabantay sa entrance niyon. Tila ba maingat na pinagplanuhan ni Benjamin ang lahat ng iyon.Dahil hindi makadaan si Lalaine sa elevator, sa fire exit siya kumaripas ng takbo. Kakaunti na lang din ang pepper spray niya at ang dalawa na huli niyang ini-spray-an nito at hindi masyadong napinsala kaya naman kaagad din siyang hinabol ng mga ito.At bago pa tuluyang makapanaog si Lalaine sa hagdan ay kaagad siyang nahawakan ng dalawang guard. Desperadong sumigaw si Lalaine para humingi ng tulong pero dahil arkilado ni Benjamin ang buong palapag na iyon kaya walang makaririnig sa kan'ya.Humahagulhol si Lalaine nang lapitan siya ni Benjamin na galit na galit. Pinagsisipa siya nito dahilan para mapaluhod siya sa sakit.“P
DAHAN-DAHANG bumaba ang bintana ng mamahaling sasakyan na iyon at lumitaw ang mapang-uyam na mukha ng gwapong lalaki na kilalang-kilala ni Lalaine.Si Benjamin.Bahagya nitong inilabas ang kalahati ng mukha sa bintana ng kotse nito at nakangising nagsalita, “Hey! Ano ang ginagawa ng Campus Crush ng St. Claire University dito sa Q.C?”Kaagad na kumabog ang dibdib ni Lalaine nang makita ang lalaki, saka napaatras siya ng ilang hakbang palayo sa kinaroroonan nito na may pag-iingat sa mga mata.“In all of places, lagi tayong nagkikita. Maybe this is called destiny?” ngising-demonyo na wika pa ni Benjamin nang hindi magsalita si Lalaine. “Saan ka ba papunta? Do you want me to drive you?”Mabilis namang napailing si Lalaine. “H-Hindi na kailangan,” nahihintakutang sagot niya.“Why? Nagkita na rin naman tayo dito, bakit 'di mo hayaang i-treat kita? Sagot ko na. Gusto mo ba bumaba pa ako d'yan?” pagpupumilit pa Benjamin kay Lalaine na noon ay bakas ang takot sa mga mata.Nang makita na papab
“MS. Lalaine, Mr. Dawson said to meet you tomorrow at the Regional Trail Court at 8AM.”Mabilis na tumipa si Lalaine ng ire-reply kay Mr. Miller. “Okay, pupunta ako, Mr. Miller.”Nang maibaba ang hawak na cellphone, pakiwari ni Lalaine ay sumikip ang kanyang dibdib. Ito ang gusto niyang mangyari noon pa man pero bakit pakiramdam n'ya ay biglang nagkaroon ng malaking puwang ang kanyang puso?Sandali munang nanatiling nakaupo si Lalaine at nakatitig lang sa kawalan bago tumayo at magpunta ng banyo para maligo.Habang rumaragasa ang maligamgam na tubig sa hubad na katawan ni Lalaine, mayroon siyang nalasahang pait sa gilid ng kanyang labi.Alam niyang hindi iyon mula sa tubig sa shower kundi mula iyon sa mapapait na salitang nagmula sa bibig ni Knives kanina.Sa mga mata nito, isa lang isang laruan at wala nang iba pa. Sa kabuting palad, hindi pa siya tuluyang nalulubog sa kumunoy. Ngunit ang mga naalala na ibinigay sa kan'ya ni Knives ay ang bagay na hinding-hindi niya makakalimutan sa
NANG makita ni Lalaine na muling uundayan ni Knives ng suntok si Elijah ay ihinarang niya ang sarili nang hindi nag-iisip sa maaaring mangyari sa kan'ya. Ang suntok ni Knives ay tila ba singbilis ng hangin at wala nang para para mapigilan pa. Namutla at natakot si Lalaine ng mga sandaling iyon kaya ang tanging nagawa na lang niya ay pumikit. Subalit napadilat ng mga mata si Lalaine nang maramdamang walang suntok ang tumama sa kan'ya. Napalunok pa siya nang makitang gahibla na lang ng papel ang pagitan ng suntok na iyon para lumapat sa kanyang mukha. “Get out of my way!” nanlilisik ang mga matang wika ni Knives sa babae at nakatiim-bagang. Namumutok ang mga ugat sa kanyang kamao sa pagpipigil na huwag tumama kay Lalaine ang suntok na pinakawalan niya para sa hayop na si Elijah. Nanginginig man sa ipinapakitang takot ni Knives, nanatili pa rin si Lalaine sa kinatatayuan at dumipa ang mga braso upang harangan ang lalaking nasa likuran niya. “Kung sasaktan mo ako, tatawag ako n
“PAG dumating ang araw na 'yon, papakawalan na kita...” At least, sa plano ng daddy ni Knives, iyon ang daan na gusto niyang tahakin. He didn't even think of objecting, it's a matter of time. Tinakasan naman ng kulay ang mukha ni Lalaine, na para bang nakarinig siya ng hindi kapani-paniwalang bagay. Nakaramdam din siya ng munting kirot sa kanyang dibdib nang marinig ang katotohanang iyon. “K-Kung gano'n, ano naman ako para sa'yo? Ano ang katauhan ko kung mananatili ako sa tabi mo? Laruan mo? Babae mo? Alagang hayop?” “What do you mean?” tiim-bagang naman na tanong ni Knives, pilit nilalabanan ang iritasyon na nararamdaman. “Pwede nating i-discuss kung ano ang gusto mo.” Isang mapait na ngiti ang sumilay sa mga labi ni Lalaine. “Ang gusto ko ay respeto, na hindi dapat tratuhin bilang laruan...” Sandaling natigilan si Knives sa narinig, at saka mababa ang boses na nagsalita, “'Di ko naman intensyon na tratuhin ka bilang laruan.” “At ano naman ang katayuan ko? May pangarap
“HINDI mo kailangang magpasalamat sa'kin, Lalaine,” ani Elijah na makahulugang sumulyap sa dalaga. “Alam mo namang pamilya na ang turing ko sa'yo,” aniya pa saka ngumiti ng matamis. Tila naman hinaplos ang puso ni Lalaine dahil sa narinig. Napakabuti talaga nito sa kan'ya. Ngunit ang hindi alam ni Lalaine, para kay Elijah, ang ibig sabihin ng pamilya ay nalalapit sa bilang magkasintahan. Lihim na nakapangiti si Elijah habang patuloy ang pagmamaneho ng kotse. Maganda ang mood n'ya dahil kasama niya si Lalaine ng mga sandaling iyon ng solo. “By the way, balita ko, nasa U.S din ang Northville International School. 'Di ba, mayroong programa ang St. Claire University kung saan nagpapadala siila ng students kada taon para doon mag-aral? With your grades, you can pass if you try.” Tama ang sinabi ni Elijah. Nasa U.S din ang Northville International School kung saan binabalak niyang mag-apply sa programa na iyon ng kanilang unibersidad para makapag-aral abroad. Biglang nagliwanag
NAGISING si Lalaine na masakit ang ulo at namamalat ang lalamunan sa suite na pagmamay-ari ni Knives Dawson. Ramdam din niya ang pananakit ng katawan na para bang nabugbog iyon. Nang magtangkang bumangon si Lalaine ay nabigo siya dahil may kung anong kirot siyang naramdaman sa kanyang pagkababae. Na-realized din niyang hubot-hubad siya nang dumampi sa kanyang balat ang malamig na hangin mula sa air-conditioning ng naturang silid. Binalot ni Lalaine ang sarili sa comforter saka nagtalubong upang pawiin ang lamig na nararamdaman, subalit nang ipikit niya ang mga mata ay lumitaw sa kanyang isipan ang mainit na eksenang namagitan sa kanila ng kanyang asawa. Tuloy ay naramdaman niyang uminit ang kanyang pisngi dahil sa matinding kahihiyan. Bagaman ang lalaking nakaniig niya ay ang kanyang asawa, ngunit sa papel lamang iyon. Ikinasal silang hindi nila kilala ang isa't-isa at isang beses lang niya itong nakita noong kunin niya ang marriage certificate, tatlong buwan matapos nilang ikasal.S
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments