LIWANAG ng umaga ang unang dumampi sa pisngi ni Abby. Bahagyang masakit ang kanyang katawan, pero higit pa roon ay may kung anong init sa dibdib niya—tila ba may nag-uumapaw na damdaming kay tagal niyang pinigilan.
Dahan-dahan siyang bumaling sa kanyang tabi. Naroon si Kairi, mahimbing pa ring natutulog. Sobrang gwapo at napakapayapa nang mukha nito habang nahihimbing. Bahagyang nakalaylay ang may kahabaan nitong buhok sa noo, at bawat paghinga nito ay musika sa kanyang pandinig.
Hindi mapigilan ni Abby na haplusin ang pisngi nito, at natatakot na baka panaginip lang ang lahat at bigla itong maglaho sa kanyang paningin.
Maya-maya pa'y nagising na rin si Kairi. Masuyo itong ngumiti nang makita siya. “Hey, goodmorning,” mahinang bati nito sabay gawad ng mabilis na halik sa kanyang labi.
“Hi, goodmorning,” tugon naman ni Abby na nakaramdam ng pag-iinit ng pisngi.
Sandali silang nagtitigan. Walang nagsalita, ngunit may kanya-kanyang tanong na naglalaro sa isipan. Ano ba ang ibig sabihin n