PAGKAGALING nila sa korte, halos walang imik si Abby habang nasa biyahe. Hindi dahil sa sama ng loob, kundi dahil sa bugso ng emosyon na pilit niyang kinulong sa kanyang dibdib buong araw.
Pagpasok nila sa mansyon, sinamahan siya ni Kairi sa kwarto. Tuluyan na ring bumigay ang kanyang katawan dahil sa matinding pagod. Hindi siya umiyak. Hindi siya nagsalita. Umupo lang siya sa gilid ng kama, hawak ang isang baso ng tubig na hindi niya iniinom.
Tahimik lang si Kairi, nakikiramdam. Pero lumapit siya sa nobya at dahan-dahang lumuhod para tanggalin ang suot na itong sandals. Marahan pa niyang minasahe iyon nang sa gayon ay gumaan naman kahit paano ang nararamdaman nito.
"Are you okay?" tanong niya sa nobya, halos pabulong.
Tumango si Abby saka pinagmamasdan ang gwapong mukha ng nobyo na nakaluhod sa kanyang paanan. "Hindi ko alam kung pagod lang ako... o sobrang bigat lang talaga ng lahat."
Matapos masahihin ang mga paa, muling naupo si Kairi sa tabi nito iniabot ang kamay. "Alam mo bang.