Brad POV
Pagkatapos kong magluto ay inihain ko na ang mga niluto ko. I cooked my mom favorite, isang sinigang na baboy at isang chicken joy. Habang ang kay Michaela naman ay isang butter shrimp. Inilapag ko na sa mesa ang mga lutong ulam. Naghain na din ako ng kanin.
Unang sumandok si mommy. Tinikman nito ang sinigang ko.
Ngumiti si mommy. "Hmm. . .gaya pa rin nang dati. Masarap."
Nagtaka ako sa mga inasta ni mommy. Ang alam ko wala itong maalala.
"Bumalik na ba ang mga ala-ala mo, mom?" tanong ko sa kanya.
"Hindi pa lahat. Pero unti-unti nang bumabalik."
Ngumiti ako, dahil sa sinabi ni mommy. Nakita ko ding sumandok ng sinigang si Michaela. Pero ang karneng baboy lang ang kinuha nito.
"Isali mo na ang sabaw, Michaela," sabi ko sa kanya.
"Hindi ako mahilig sa sabaw ng sinigang. Talagang ang karneng baboy lang ang kinukuha ko."
"Okay, baka gusto mo ng butter shrimp."
"No thanks. Allergic ako sa sea foods."
"Ooohh. . . I am sorry. I didn't know."
"It's okay. Kaya itong karneng baboy na