"I'll give you a choice, Kara! Be mine, or you will die? Kara, choose wisely."- Brandon Acosta Nagiging mabait si Brandon, kapag lumalabas ang alter ego niya na si Grand. He was diagnosed with DID or split personality. Simple lang ang buhay na mayroon si Kara, pero ang tahimik niyang buhay ay nagulo nang ginawa siyang pambayad utang nang kinilala niyang ama sa isang notorious na syndicate group. Sa takot na masaktan ang pamilya niya ay pumayag siya. Takot siya sa lider ng grupo dahil wala itong awa at kung tumitig ay parang gusto siya nitong patayin. Paano kung matuklasan niya ang iniingatan nitong sekreto? She was given a choice, isang choice na pwedeng makapagpabago ng kanyang buhay. Ano ang pipiliin niya? Ang makasama ito o ang mamatay.
View MoreLUMABAS si Grand mula sa banyo. Kaya pala di ko makita ang lalaki na ito ay nasa banyo pala ito at naliligo.
Kinagat niya ang ibabang labi, dahil sa nakikita. Sobrang ganda ng katawan talaga ni Grand. Di niya iniwas ang tingin. Umangat ang mga mata niya patungo sa mukha nito. Walang malisya ang bawat tingin niya kay Grand. Dahil hanggang kaibigan o kapatid lang talaga ang tingin niya sa lalaki.Salubong ang kilay nito. Kumunot ang noo ko. Dahil sa tuwing pinapasadahan ko ng tingin ang katawan nito ay tumatawa lamang ito. Pero ngayon, ay salubong ang dalawang kilay at sobrang lamig ng tingin na ipinupukol nito sa akin.
"What are you doing here in my room?" tanong nito sa akin.Napalunok ako, dahil nag-iba ang boses nito. Isang boses ng isang lalaki at buong-buo iyon, kay sarap pakinggan. Ang boses kasi ni Grand ay mahinhin at tila di makabasag pinggan.
"Answer me woman!" sigaw nito. Napaigtad ako, bumangon ako at nilapitan si Grand."What are you talking Grand? Parang ngayon mo lang ako nakikita sa kwarto mo na ito!""So, labas-masok ka sa kwarto ko?" tanong nitong muli.
"Of course. Ikaw nga ang nagsabi 'di ba. Teka nga muna, bakit iba na ang boses mo ngayon. Na engkanto ka ba?" tanong ko dito.
Mas lalong nagsalubong ang kilay nito. Lumamig ang tingin na ipinupukol nito sa akin."Get out of my room!" sigaw nito sa akin. "From now on, hindi ka na makakapasok dito."
"Ang sama mo talaga. Akala ko pa naman, mabait ka. Hindi pala."
"Si Grand ang mabait, hindi ako!" madiin nitong sambit.
"What do you mean?" tanong ko dito.
"Madami ka pang hindi alam sa pamamahay na ito. So better fuck off. Dahil hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa iyo."
Umatras ako, dahil naglakad ito papalapit sa akin. Napasandal ako sa pader at itinukod nito ang kamay sa aking uluhan. Inilapit nito ang mukha sa aking tainga at bumulong.
"Kaya kong pumatay, kahit babae ka pa."Agad din naman itong umalis. "Kailangan, paglabas ko ay wala ka na sa kwarto ko na ito. Dahil pag nakita kita. Kakalat ang utak mo sa sahig."Tinalikuran niya ako. Hinawakan ko ang aking dibdib. Bakit parang sobrang misteryoso ng lalaking iyon. Kakambal ba iyon ni Grand?
Kailangan kong makausap ang lalaki na iyon. Kailangan niyang ipaliwanag sa akin ang mga ito, naguguluhan ako.
Kahit anong hanap ko ay di ko makita si Grand. Kaya pumasok na lang ako sa loob ng bahay. Bumaba naman ang lalaking iyon. Tila ba nagmamadali.
Nilagpasan niya ako, di man lang niya ako pinansin. Agad kong sinaway ang aking sarili, dahil di tama na pag-ukulan ko ng panahon ang antipatiko na iyon.
Pumasok na lang ako sa kusina. Naabutan ko si Nanay Jossy doon. Kasalukuyan na nagluluto.
"Nay, nakita mo ba si Grand?" tanong ko s matanda.
"Aba, bumaba si Grand. Di mo ba nakasalubong?" tanong nito."Hindi, kasi gusto kong magtanong sa kanya. Kanina kasi, pumasok ako sa kwarto niya. Akala ko si Grand iyon. Pero hindi, masyadong arogante ang nakaharap ko kanina, samantala si Grand hindi naman," sabi ko kay Nanay Jossy.Napalingon siya bigla sa akin. Nanlaki ang mga mata nito.
"Hindi si Grand ang nakausap mo?" tanong nito sa akin."Oo na hindi? Hindi po ako sure 'nay."
Lalo akong nabahala nang makita ang expresyon ni Nanay Jossy. Naging mapungay din ang mga mata nito."Bumalik na pala siya. Akala ko ay matatagalan pa bago siya bumalik," sambit nito.Kumunot ang noo ko. "Ano po ang ibig sabihin ninyo?" tanong ko.
"Wala, wag ka nang pumasok muli sa kwarto ni Brandon. Baka di ka na makalabas ng buhay doon.""Pero si Grand po?" tanong ko sa kanya.
"Babalik din iyon."IKINUYOM ko ang aking mga kamay. Galit na galit kong pinagsusuntok ang mukha ng taong nasa harapan ko ngayon. Ginawa kong punching bag ang lalaking ito. Alam ko din na wala na itong buhay.Nahuli nila Marco ang lalaki ito na aaligid-aligid sa paligid.
"I am glad your back." Di ko siya nilingon. Nagpupunas ako ng dugo mula sa aking kamao."Yeah! I am back," ngisi ko dito.
"Akala ko magiging Grand ka na forever." Kant'yaw ni Alex sa akin."Hindi mangyayari iyon. Nagpapahinga lang ako. Dahil sa dami ng sugat na natamo ko noong last operasyon natin.""How's the woman?" tanong nito sa akin. Kumunot ang noo ko, dahil sa sinabi ni Alex."What woman?""Iyong babaeng, nasa mansion mo. Kaibigan na iyon ni Grand." napahawak ako sa baba ko.Naalala ko ang babaeng nasa kama ko kanina. Nag-iba ang atmosphere ng paligid ko kanina. Biglang nag-init ang kapaligiran ako. Akala ko talaga ay mapapalaban ako kanina sa kama. Pero biglang natupok ang apoy na bumabalot sa akin at nang magsalita ito.Tinawag niya akong Grand. Akala niya siguro ay si Grand pa rin ako. Iba din ang nararamdaman ko sa babaeng iyon.
"Siya ang pinambayad utang ng ama niya."
Doon ay naalala ko na. Siya pala ang anak na babae ni Mr. Romolo ang may utang sa akin.
"Balita ko ay ampon lang ang babaeng iyon."
"Kung ayaw mo sa kanya. Amin na lang siya. Matagal na namin na gustong tikman ang babaeng iyon. Palagi lang na humaharang si Grand."
"Magagalit si Grand. Kaibigan niya ang babaeng iyon. Kaya wag n'yong galawin," sabi ko sa kanila.
Ngumisi si Daniel. "Ano naman kung kaibigan ni Grand iyon? Wala naman siguro kay Grand ang babaeng iyon."
Sinamaan ko siya ng tingin. "Grand, treasure her. Kaibigan niya nang tunay ang babaeng iyon. I know that. Baka di mo alam kong paano magalit si Grand. Sobrang mahinhin iyon pero wag mong galitin ang mabait.""Paano mo naman nalaman na Grand, treasure that woman?" tanong sa akin ni Alex.
"Hinayaan niyang pumasok sa kwarto namin ang babaeng iyon, na di naman niya ginagawa talaga dati."
Umupo ako sa swivel chair ko dito sa hide out namin.
"Oo nga no! Baka talagang kaibigang tunay ni Grand ang babaeng iyon."
"Na-ahh! I know what's going on. Alam ko kung ano ang plano ni Grand."
Napalingon kami kay Daniel. Ngumisi ito.
"Ano ang plano niya?" tanong ko.
"Ayaw ipasabi! Di ko din alam," sabi nito. Sabay tawa.
Bumukas ang pinto ng opisina ko ay sumungaw ang ulo ng isa sa tauhan ko. "Boss nasa location na si Mr. Kwon." Tumayo ako. Inayos ko ang suot ko. Kailangan na presentable ang ayos ko, dahil kaharap ko si Mr. Kwon, ang dealer ng mga drugs and fire arms. Sila ang suki namin sa mga illegal activities namin.Isa-isa kaming lumabas. Papunta kami sa location na kung saan kami magkikita si Mr. Kwon.Dumating kami sa location kung nasaan sila Mr. Kwon. Bumaba agad ako, inayos kong muli ang aking suot na damit.Isang abandonadong pier ang napagkasunduan naming location ngayon. Kalat na din ang mga tauhan ko. Kung sakaling oonsihinn kami ng insik na iyon. Alam kong tuso si Mr. Kwon, pero mas tuso ako.
"Mr. Kwon!" tawag ko sa kanya. Nginisihan ko ito.
"Acosta," ganting tawag nito sa akin."The Cargament Mr. Kwon," sambit ko dito.
"Here is it." Itinuro nito ang mga kargamento na nasa likuran nito. "The money!" sigaw nito.
Ipinakita ng isa sa tauhan ko ang pera. Wala talagang kupas ang insik na ito. Mukha pa ring pera.
"The drugs and fire arms, where is it?" tanong ko dito.
Isa-isang inilapit ng mga tauhan ni Mr. Kwon ang mga armas at drugs. Ngumisi ako, dahil tiba-tiba na naman kami nito.
Ibinigay na ng isa sa tauhan ko ang pera. Malaki ang ngisi ng insik.
Umalis na kami sa doon. Dahil baka magbago ang isip ng insik na iyon. Di ko muna pinaalis ang mga nagtatago kong mga tauhan, para masiguro lamang na madadala talaga namin ang mga armas at druga.
"Kumusta ang sugat mo?" tanong ni Alex sa akin.
"Okay naman."
"Matagal ka ding di lumabas. Nag-eenjoy yata si Grand sa paglabas niya," ngumisi si Alex.
"Hayaan nyo na, minsan lang lumabas si Grand."
"Pero parang mapapadalas. Dahil sa kaibigan niya." Alex said.
"Siguro.""Baka maging hadlang iyang si Kara, Brandon sa mga gawain natin. Lalo na't nilalapit ni Grand ang sarili sa babaeng iyon," ayon ni Daniel."Hindi iyan. I know Grand to well."
"Siguraduhin mo lang, Brandon. Ayaw kong masira ang pinaghirapan natin, dahil lang sa babaeng iyon."
Hanggang sa pag-uwi ay iyon ang naiisip ko. Bakit kinaibigan ni Grand ang babaeng iyon. Hindi ugali ni Grand ang makikipagkaibigan.Ano ang plano mo Grand?
Biglang bumukas ang pinto ng aking kwarto. Kasalukuyan kong hinuhubad ang aking damit."Nasaan si Grand?" tanong agad ng babaeng ito.
"Grand is on vacation. Wala siya dito," malamig kong sambit sa kanya."Hindi aalis si Grand na hindi nagpapaalam sa akin," giit nito.
"Pwes masanay ka na. Dahil aalis at aalis si Grand na hindi nagpapaalam."
"Who are you? Kakambal ka ba ni Grand?" kalaunan at tanong nito sa akin.
Sinamaan ko ito ng tingin. "Umalis ka na, baka makalimutan ko na babae ka at mapatay kita," malamig kong sabi dito.
"Then, kill me." Hindi ko inalis ang tingin ko sa babaeng ito.
"Hinahamon mo ba ako? You don't know me."
"Oo, hinahamon kita. Patayin mo na ako. Total wala naman ding kwenta ang buhay ko. Wala na akong pamilya. Ang ama-amahan ko ay ipinambayad ako sa utang. Habang si Grand ay iniwan na ako. Sige, patayin mo na ako!" sigaw nito.
Unti-unti ay nilapitan ko siya. Umatras naman ito. Napasandal ito sa may pader. Habol-habol ang hininga nito, dahil sa sinasabi nito kanina lamang.
"Alam mo bang gusto kitang patayin? Hindi sa hirap, kundi sa sarap."
Hinalikan ko ang labi nitong nakaawang. Dahil sa gulat ay dilat na dilat ang mga mata nito na nakatingin sa akin.
Althea POVPapasok na sana ako sa unit ko ng makita ko ang isang lalaki. Nakayuko ito, nakaupo, at nakasandal sa may pinto ng condo ko."Jeffrey, gising!" pag gising ko dito.Agad itong tumayo. "What are you doing here?" tanong ko sa kanya.Hindi ito pupunta dito, kung wala itong kailangan. Hindi ito pupunta dito. Kung wala itong dinaramdam."Ate," tawag nito sa akin.Gusto kong masuka sa pagtawag nito sa akin. Kinilala niya akong Ate, dahil iyon ang kagustuhan ng magulang ko at ng magulang nito."Ano na naman ang kailangan mo? Alam ba ito ni Tito Rozen?" tanong ko dito.Hindi hinayaan ni Tito Rozen na maging palaboy si Jeffrey. Kaya inampon niya ito. Agad na na grant ang adoption papers nito. Dahil na rin siguro sa magaling naming lawyer."Hindi, ayaw ko ng dumagdag sa problema ni papa. Baka ako pa ang magiging dahilan ng kamatayan nito.""Ano ba ang problema?" tanong ko.Pumasok kami sa loob ng condo ko. Umalis na ako sa bahay namin. Dahil masyadong malaki iyon, para sa akin. Kaya k
3rd POV"Habulin mo ako, Jeff!" Tumatawang sambit ng isang dalagitang babae.Hinahabol naman ito ng isang binatilyong lalaki na nag ngangalang jeff. Tumatawang hinabol naman ng binatilyong lalaki ang dalagitang babae.Habang sa isang puno ay nakasandal ang isa pang binatang lalaki. Pero mas matanda ito sa kanila ng limang taon. Nilingon ng dalagita ang binatang lalaki."Kara, saan ka pupunta?" tanong ng binatilyong Jeff, sa dalagitang Kara.Kaya lumapit din si Jeff sa binatang lalaki."Brandon, halika na.""I am not, Brandon," ani ng binata."Grand, I know, I know. Ang sungit mo talaga.""Dahil ayaw ko sa iyon. Nakakasira ka kay Brandon.""Tumigil ka, Grand. Alam mo, kaya ayaw kang palabasin ni Brandon, dahil sa ugali mo.""Tumahimik ka, Jeff. Hindi ka nakakatuwa!" galit na sambit ni Grand.Hindi mapigilan na umiyak ng dalagita."Ayaw ko na sa iyo, Grand. Hindi kita bati. Sobrang sama mo," sabi nito.Tumakbo ang dalagitang babae. Patungo sa isang bahay kubo. Tambayan pala nilang magka
Brandon POVDahil nga naghiwa-hiwalay na kami ay nagtungo ako sa ikalawang palapag. Itinutok ko ang baril na hawak ko sa unahan. Dahil kung may kalaban ay maunahan ako. Rinig ko pa rin ang usapan ni Rozen at Jeff."Come on, Rozen. Ano naman ang habol mo kay Kara. Hindi ka niya kilala.""He is my sister," malamig nitong sambit.Alam ko na hindi nag-iisa doon si Rozen. Alam ko na kasama nito ang ilang tauhan nito."Sa kanan, Brandon. May mga kalaban," saad ni Cade.Naging alisto ako, dahil papalapit na ako sa lugar na sinasabi ni Cade."Nakahanda na rin ang snipers, Brandon," ani naman ni Heinz.Kaya hindi ako nababahala. Nagulat ako ng bumulagta ang isang kalaban."Bulls eye!" sigaw nito.Umiling na lang ako. "Baka ako na ang tamaan sa susunod, Heinz. Yari ka talaga sa akin." Pagbabanta ni Kainer dito."Don't cha worry, Ma friend. Di ka tatamaan, magaling ka umilag eh!" tumatawang saad ni Heinz."Pag nagkita talaga tayo, tatamaan ka sa akin, Heinz!" "Whatsoever.""Magsitahimik nga kay
Kara POVHindi ko mapigilan ang umiyak. Dahil, biglang nag-iba ang tao na nakasama ko sa mahabang panahon. Bumukas ang pinto at may pumasok."Kumain ka na. Ayaw ni Jeff na malipasan ka ng gutom. Kung ako lang ang masusunod. Ayaw sana kitang pakainin."Nilingon ko ito at tinignan ng masama. Pero ngumisi lang ang gaga."Ayaw kong kainin 'yan baka may lason iyan."Ngumisi ito. "Di mamatay ka sa gutom. Alam ko naman na hindi ka ililigtas ni Brandon. Brandon is heartless, demonyo!" sigaw nito.Tumayo ako. "Heartless? Demon? Talaga ba? Matapos mong gamitin ang tao. Ganyan ka na sa kanya?"Mas lalong lumawak ang ngisi nito. "Pinagsawaan ko na siya. Ginawa ko na ang lahat. Ginalingan sa kama. Pero wala pa din. Ano ba iyang nakita sa iyo ni Brandon, na wala sa akin!" madiin nitong pag sigaw."Baka ang pagmamahal. Dahil iyan ang hindi mo makukuha kay Brandon ang MAHALIN ka!" sigaw ko sa pagmumukha nito.Galit niya akong nilapitan. Pero bago pa ito makalapit sa akin, hablutin ang buhok ko ay sin
Kara POVAgad akong sumiksik sa kama nang makapasok na ako sa kwarto. Natatakot ako na maaaring gawin sa akin ni Jeff. Hindi ko na kilala ang kababata ko. Ibang-iba na ito."Sasaktan mo ba ako?" tanong ko sa kanya."Hindi, Kara. Hindi kita magagawang saktan. Alam mo iyan.""Bakit mo ako dinala, kung di mo ako sasaktan?" tanong ko sa kanya."Iniligtas lang kita sa kamay ni Brandon. Isa din sa dahilan kong bakit, siya ang pinunterya ko.""Hindi ako sasaktan ni Brandon.""You don't know him, Kara. Mas masahol pa siya sa hayop," sabi nito sa akin.Alam kong sinisiraan nito si Brandon sa akin. Tumawa ito. Tawang may halong lungkot."Noon pa man ay si Brandon na ang nilalapitan mo. Noon pa man ay sa kanya ka na nakadepende. Pati ba naman ngayon siya pa rin? Paano naman ako, Kara!" sigaw nito.Natakot ako sa pagsigaw nito. Dahil bigla itong nag-iba. Iba sa Jeff na kaharap ko kanina."Anong paano ikaw? Hindi kita maintindihan.""Mahal kita, Kara. Noon pa man ay mahal na kita. Hindi ko magawan
Brandon POVBinalikan ko ang kausap ko."Xia, sabihin mong di totoo ito!" sigaw ko.Dahil hindi talaga ako makapaniwala sa nabasa ko sa email ko."Na sana ay hindi nangyari, Brandon.""Paanong naging leader si Jeff sa grupo ng Black Mamba, Xia?" tanong ko sa kanya."Hindi ko alam, Brandon. Isa sa punterya talaga nila ay kunin ang bata sa pangangalaga nina Luther at Sophia. Ikalawa na ang Isla. Dapat ikatlo ka. Pero dahil hindi basta-basta nila makukuha angb bata at ang Isla, kaya ikaw ang inuna nila. And they used the child and that Leslie girl.""Kunin ninyo ang bata dito. Magtutuus kami ng babaeng iyon. Tatapusin ko ngayon gabi ang paghihirap ng mag-ina ko," final kong sabi sa kanila."Okay, ihanda mo na ang bata. Kukunin namin siya, dyan."Nagbihis ako at dali-dali akong lumabas sa kwarto namin ni Kara. Wala na akong pakialam kung may makakita sa akin na lumabas mula sa kwarto ng asawa ko. Ang importante ay mailigtas ko ang bata at madala ito sa safe na lugar.Katulad nang pagdudud
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Comments