"Ayaw mo talaga? O sige bahala ka! Yung chance na hinihingi mo sa akin, binabawi ko na. Ngayon pa lang maghahanap na ako ng bagong daddy ng mga bata."
Ngunit napahinto ako sa pag-iyak dahil nakita kong parang gumalaw ang daliri niya. Tinitigan ko ito, hinintay na gumalaw ulit pero hindi na nangyari. Namamalik mata lang ata ako hanggang sa muli na naman akong umiyak.
Hindi ko na alam kung anong sasabihin ko para magising siya. Pero kahit anong diskarte ang gagawin ko, in-emotional black mail ko na, kinonsenya, binantaan pero wala pa rin. Hindi pa rin ito nagigising.
Para na akong baliw na kung ano-ano na lang ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ko na makontrol ang emosyon ko habang hawak ang kamay ni Hunter.
Bakit ba kasi kailangang mangyari 'to? Bakit sakit pa sa puso? Dapat sakit lang sa tiyan! O di kaya yung mga mumurahing sakit lang at mas madaling pagalingin.
"Hunter, ano ba! Gumising ka na kasi! Ipapabugbbog na talaga kita kay Kuya Derick! Hindi lang isang kuya ang bubugbo