Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky

Sandoval Series 6: Rhythm of the Troubled Sky

last updateLast Updated : 2024-08-01
By:  LadyAva16Completed
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
9.8
20 ratings. 20 reviews
69Chapters
45.7Kviews
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Cold and reserve, that's what people used to describe the billionaire grandson of Wintle Empire, Hunter Cole Wintle Sandoval. He got everything, the looks, the money and the fame. But there's only one thing that is missing, a wife. He needs to find a woman who can pretend to be his wife to fulfill the wish of his ill grandfather. Harriet Schuyller Eschavez, the woman who's willing to do everything to save her sick grandmother. She is a plain and simple girl from the province who wants to have a child from him. For him she means nothing but trouble. For her he's the man of her dreams. Both caught up in a situation where they can't escape. How far Sky would go for the love of the man she loves? Will her love be enough to convince him to dance in rhythm of the troubled sky?

View More

Chapter 1

Prologue

"Si Hunter Sandoval, apo ."

Awtomatikong akong napalingon  kay Lola Valeria pagkarinig ko sa pangalang binanggit niya. Tinatanong ko kasi siya kung sino ang nakabili ng katabing lupa na may pinapatayong building sa tabi ng maliit naming tinadahan. 

Galing akong ibang bansa at kakabalik ko lang. Ilang taon din akong namalagi doon kaya nagulat ako sa mga pagbabago dito sa lugar namin. Kami lang dati ang nag-iisang bahay na may tindahan ang nagtitinda dito sa tabing kalsada. Kami lang din ang may maliit na kainan. Pero ngayon ang dami nang ka-kompetensya ni Lola. Ilang malalaking tindahan din ang nadaanan ko kanina. May convenience store at 7/11 pa. 

"Kay kinsa, La?" [Kanino, Lola?] Ulit kong tanong. Gusto kong masiguro kong tama ba ang narinig ko. Kasi kung si Hunter nga bakit dito pa? Dito pa  talaga sa tabing pwesto ng Lola ko? 

Hindi man lang ba niya naisip ang mararamdaman ko? Sabagay, sino ba naman ako para isipin niya?

Napangiti si Lola sa akin. Yung tipo ng ngiti na may halong panunukso. 

"Si Hunter gud apo, imong pers love." [Si Hunter apo, yung first love mo.]

Yuck sa first love! Kadire!

"Sukad pagbalik nako diri gikan didtos imoha naa naman na siya diri tig anhian. Murag diria na siya nagpuyo sa ilahang hacienda. Dugay naman na niya napalit ang luna dihas pikas, pero bag-o ra niya gipatukuran pagkahibalo nga mouliay naka diri." [Simula nung bumalik ako dito, palagi na yang nandito. Balita ko dito na yan nakatira sa hacienda nila. Matagal na niyang nabili ang katabing lote pero ngayon nya lang pinagawan ng gusali nung nabalitaan niyang uuwi ka.] 

Ano naman ang kinalaman ng pag-uwi ko sa pagpapagawa niya?

Hindi ko alam pero parang biglang nanikip ang dibdib ko. I shouldn't be feeling this towards him anymore. Our story was done long time before. He is just part of my past. Hindi na ako ang dating Sky na patay na patay sa kanya. 

"Wag mong sabihin na nakakalimutan mo na kung sino ang tinutukoy ko, Apo? Naalala ko dati bukambibig mo si Hunter. Crush na crush mo yun diba kasi gwapong gwapo ka sa kanya. Tsaka sabi mo pa, pangarap mo magkaroon ng boyfriend na kulay asul ang mata. Ano na?  Ilang taon ka na ding single. Balita ko single din si Hunter, baka kayo talaga ang itinadhana."

Hilaw akong ngumiti kay Lola. 

Tadhana. 

There's no such thing as tadhana. Lahat ng mga bagay na nangyayari dito sa mundo ay nakadepende sa choices natin, sa mga desisyon. Hindi pwedeng umasa sa tadhana dahil walang ganun. 

Destiny is not a matter of chance, it's a matter of choice and priorities. You should know your choices, know your priorities, know your goals. That's how destiny works. 

Kung siguro nung kabataan ko paniwalang paniwala ako sa lintek na tadhanang yan, ngayon hindi na. 

"Lalong gumwapo si Hunter ngayon, Apo."

Patago akong umismid. Hindi naman talaga kagwapuhan yun, syempre kaming mga nasa probinsya at minsan lang nakakakita ng lalaking kulay asul ang mata talagang magwa-gwapuhan sa kanya. Pero iba na ngayon.

"Naalala ko dati, unang kita mo sa kanya, para kang nakakita ng artista sa sobrang pagkakilig mo. Na! Labaw na karon, perting gwapoha na man jud sa kinamanghuran ni Senyor Gideon." [Na! Lalo na  ngayon, lalong gumwapo ang bunsong anak ni Senyor Gideon.]

I was young back then, minsan lang ako nakakakita ng gwapo kaya di maiwasang kilig na kilig ako. Pero gaya nga ng sabi ko, noon yun, iba na ngayon. 

"Sigurado ako 'pag nakita mo ulit si Sir Hunter babalik yung pagka-crush mo sa kanya. Naku! Kung kabataan ko lang, sigurado akong isa na ako sa nagkagusto sa batang yun. Hindi lang kasi gwapo, mabait pa."

Mabait? Aling parte ang mabait sa hambog na yun?

"Ikaw ba Sky may crush pa kay Sir Hunter?"

Hindi ako sumagot agad. Hindi ko alam kung anong pinaglalaban ni Lola at kanina pa ito nagtataong. Wala sana akong balak na sagutin siya pero nakatingin ito sa akin hinihintay ang sagot ko. 

"Naalala ko dati tuwang-tuwa ka sa tuwing dumadaan yung sasakyan nila dito."

Pati ba naman yun?

"Kumakaway ka pa nga kahit hindi mo naman alam kung nakikita ka niya."

"Nung kabataan ko pa yun La, iba na ang gusto ko ngayon." Sabat ko sabay iwas ng tingin sa kanya.

Dati lang yun, yung mga panahong wala akong ibang gusto kundi siya lang. Na kahit makita ko lang na dumaan ang sasakyan nila kahit hindi naman ako sigurado na nasa loob siya parang kompleto na ang araw ko. 

Obsessed ba!

Natatawa na lang ako kapag naalala ko ang kahibangan kong yun. Imagine that young probinsyana, crushing on someone, rich, popular, and handsome man? Yung parang sa mga nababasa mo sa pocketbooks? Yung mga love story ng mga mayamang haciendero na umibig sa isang maralita. Na kahit alam mo namang malabong magkatotoo pero naniniwala ka pa rin.

 Gosh! That's so me. My delusional era. 

"Pass na ako sa mga malignong kulay asul ang mata, Lola Val."

"Talaga ba? Akala ko ba  gagawin mo ang lahat para ma-upgrade ang genes natin? Hindi pa nga kayo nagkakilala ng personal suko ka na agad?"

Matagal na akong sumuko, La. Hindi mo lang alam.

"Magandang kombinasyon siguro kapag kayo ni Sir Hunter. Tall, dark and handsome."

Luh! Si Lola feeling begets, maypa tall, dark and handsome pang nalalaman. Kamusta naman ako? Bansot, maputla at di kagandahan? 

"Tsaka yung bukambibig mong kulay asul niyang mga mata paano na lang? Paano ka magkakaroon ng sarili mong bersyon nung blue eyed maligno?"

"Madaming afam na kulay blue ang mata, La. Hindi lang blue, meron ding green at gray, pili ka lang kung ano ang gusto mo kung kulay La, akong bahala." Natatawa kong sabi. 

Hanggang ngayong hindi pa rin pala nakakalimutan ni Lola yung palagi kong bukambibig dati. Ewan ko ba, nagwa-gwapuhan talaga ako sa mga lalaking iba ang kulay ng mata. Feeling ko may kakaiba sa kanila. Crush ko nga din noon ang mga Kuya ko na dating alaga ni Lola, si Kuya Hendrick at Kuya Derick. Gwapo din ang mga yun, kulay gray ang mga mata. 

"Hayaan mo La, sunod na balik ko dito may afam na akong dala. Yung blue eyes na sinasabi ko dati madali na lang hanapin yan ngayon."

Inismiran ako ni Lola. Hindi ko naman napigilan ang sariling matawa. Ganyan palagi ang reaksyon niya kapag sinasagot ko siya ng ganito. 

"Ilang beses ko na narinig sayo yan Sky pero hanggang ngayon wala pa rin. Akala ko ba mag-aasawa ka na doon sa amerika? Yang afam-afam mo na yan ilang beses mo na ring sinabi na magdadala ka pag-uwi mo pero hanggang ngayon zero balance ka pa rin.  Akala ko pa naman, apo na sa tuhod ang dala mo pag-uwi dito eh. O baka naman rason mo lang yan dahil hanggang ngayon, umaasa ka pa rin na mapansin ni Hunter?"

"Of course not, Lola!"

Bakit naman ako aasa sa wala. 

Gusto kong magpaliwanag kay Lola kung bakit hanggang ngayon wala pa rin akong asawa kahit malapit ng lumagpas ang edad ko sa kalendaryo pero ayoko naman magtunog defensive. Isa pa naniniwala ako na ang pag-aasawa ay hindi minamadali. 

Ayoko nang magkamali ulit.

"Past is past, Lola. Wala na akong gusto doon. Expired na."

"Da! Ayha rako motoo ug naa nakay laing uyab. [Nah! Saka na ako maniniwala kapag may nadala ka nang kasintahan dito."

"Tama na sigeg topic anang mga di angay e-topic La uy. Madagma niya tong amaw." [Wag na nating pag-usapan yung mga hindi dapat pinag-uusapan La.]

"Nga pala may mga pasalubong ako sayo, Lola Val. Teka, andito." Kinuha ko ang isang luggage na puno ng regalo para kay Lola pero tiningnan niya lang ito. 

"Mga paborito mo lahat yan, La. At yan ang sigurado akong hindi expired." 

"Expired! Wag mo ibahin ang usapan, Harriet Sky. Hindi ako naniniwala sayong wala ka nang gusto kay Hunter . Kung makaiwas ka sobrang halata. Tsaka hanggat wala kang dalang asawa dito iisipin ko na hanggang ngayon umaasa ka pa rin sa kanya."

Over my dead body Lola Val!

" Tsaka naalaka ko, sabi mo dati kung di man lang si Hunter ang mapapangasawa mo, magpaka tandang dalaga ka na lang. Akala ko nga biro mo lang yun eh, pero ngayon parang gusto ko nang maniwala."

Kumunot ang noo ko sa kanya. Did I say that? Wala akong maalala na sinabi ko yan dati ah. Imbento 'to si Lola Valeria. 

"Kahinumdom pa ko atong perting hilak nimo. Ana pa ka ipalumay nimo si Hunter arun mauyab nimo." [Naalala ko pa yung araw na sobrang iyak mo. Sabi mo pa ipapagayuma mo nalang si Hunter para mapapasayo.]

Gayuma?

Kung meron mang mga black magic na ganyan baka kulam kamo. 

"Pero diba apo, sabi mo magkikita kayo ni Hunter nung araw bago ako operahan? Anong nangyari? Nagkita ba kayo? Nag-usap ba kayo? Hindi mo na naikwento sa akin hanggang sa umalis ka na lang para magtrabaho sa Manila." 

Malungkot akong tumingin kay Lola. Hindi ko na nga nagawang magkwento dahil sobrang bilis ng mga pangyayari nung mga araw na yun. Sa sobrang bilis nagsimula, hindi ko na rin namalayan na ganun lang din kabilis natapos. 

"Maiba apo, madalas na tumatambay si Hunter dito sa tindahan. Baka magulat ka, mamaya konti andito na yun."

Sasagot na sana ako kay Lola pero natigil ako nang biglang  may nagsalita sa aking likuran. 

"Hi Lola Valeria, I brought some fruits for you."

Para akong nabato sa kinatatayuan ko. Kahit nakatalikod ako kilala ko kung sino ang nagmamay-ari ng boses na yun.

"Who's that car outside, La?  You have visitor?"

"Oh, Apo nandito ka pala. Kakabanggit ko lang sayo sa apo ko eh. Sakto ang dating mo kararating lang din ng nag-iisang apo ko. Yung sinasabi ko sayong apo kong maganda, si Sky. Halika Sky, ipapakilala kita kay Sir Hunter."

Hindi pa man nakagalaw nahila na ako ni Lola at pinaharap sa kanya.

"Ito yung apo ko na sinasabi ko sayong nasa Amerika. Single pa itong apo ko."

Mula sa may pintuan ay pumasok ang lalaking matangkad at malaki ang pangangatawan.  Matangos ang ilong, natural na mamula mula ang mga labi, nakadepina ang mga panga pero magkasubong ang makakapal nitong kilay.  Nakasuot ito ng kulay puting t-shirt at maong na pantalon. Malinis ang gupit ng buhok at mukhang amoy Johnsons baby powder. 

Kaigat nimo Sky! Huna-hunaa suko ka niya! [Ang landi mo Sky! Remember galit ka sa kanya!]

Buhat nito ang isang basket at kahit hindi ko pa alam kung anong prutas yun, amoy pa lang alam ko na, durian. Ang paborito kong prutas.

Wala akong nakitang reaksyon mula sa kanya. Gaya ng dati, pormal at masungit ang anyo ng mukha nito pero nang mabaling ang tingin niya kay Lola Valeria agad itong ngumiti.

"Hunter Apo, si Sky pala yung dalaga ko. Kakarating lang niya galing ibang bansa." Pakilala ni Lola sa akin pero nanatiling pormal ang mukha nito. 

"Sky, ikaw muna bahala kay Sir Hunter ha, may kukunin lang ako saglit sa kusina."

Gusto kong pigilan si Lola pero pinanlakihan niya ako ng mata.

"Hunter apo, dito ka muna ha? Kukunin ko lang yung bagong luto kong puto maya at sikwate. Magmemeryenda kayo ng Sky ko."

"La," Tawag ko sa kanya pero tumingin lang si Lola sa akin na may halong panunukso. "Ako na ang kukuha sa kusina, La. Kausapin niyo na lang po ang bisita niyo."I said emphasizing the last word. 

Nakita ko ang pagtaas ng isang kilay niya sa akin. Kasabay nun ang pag-nagat din ng isang sulok ng labi niya pero masungit ko din siyang tiningnan. 

"Kilala mo pa naman si Sir Hunter apo diba? Siguro naman hindi mo pa rin nakakalimutan ang-"

"La!" Mabilis kong putol sa kanya at tatalikod na sana pero bago ko pa maihakbang ang mga paa ko nagsalita na ang lalaki. 

"It's okay Lola Val, don't bother. I'm not staying. I just dropped by to give YOU these fruits."

YOU mo mukha mo! Kung ipagdiinan nito ang salitang you akala niya naman gusto ko rin kainin yung prutas niya!

Humakbang ito palapit sa amin. Sinadya niya pang dumaan sa tabi ko para ilagay ang mga prutas na dala niya. Pwede naman doon sa kabilang side sya dadaan pero sa kinatatayuan ko pa talaga. 

At hindi man lang nahiya, dinikit pa ang katawan sa akin. Naamoy ko ang mabangong pabango niya sa sobrang lapit niya. Naramdaman ko pa ang matigas niyang dibdib. 

Talagang nanadya! 

"Excuse me, Miss."

Tinaasan ko siya ng kilay pero agad niyang iniwas ang tingin niya sa akin na parang wala siyang kasalanan sa akin. 

Na parang hindi niya ako kilala. 

Na parang hindi niya ako sinaktan.

"I'm leaving, Lola Val. I'll come back next time." 

Na parang wala siyang kasalanan.

"You're blocking my way, Miss."

Ang kapal!

Akala mo kung sinong umasta. Akala mo kung sinong gwapo. 

"Move."

Thick faced!

I want to punch his face but my body betrayed me. I stepped back.

He moved past me but before that I saw him smirked. 

What the hell? 

Nakita ko pa ang matamis niyang ngiti para kay Lola Valeria. 

Bubulyawan ko pa sana siya pero bago ko pa magawa yun naglakad na ito palapit kay Lola. Kinuha niya ang kamay ni Lola Valeria at nagmano ito pagkatapos may binulong. 

Ano kayang binulong ng kumag na yun?

"Got to go granny. I miss you."

And just like that he left without even throwing a glance at me. 

Like he didn't know me. 

Like he didn't hurt me.

At all. 

Nothing changed. He is still the same cold and arrogant Hunter Sandoval. 

"Si Hunter yun apo, magkakilala na ba kayo?"

Mapait akong ngumiti kay Lola. Of course Lola. Hindi lang kilala, kilalang kilala. 

That annoying ass, Hunter Cole  Wintle Sandoval is my ex.

Ang ex ko, na ako lang ang nakakaalam. 

___________________________

15-04-2024

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Joyce Enorme
Author wla bang story Sila falcon, North, Mariposa at milagring?
2025-03-26 15:02:57
0
default avatar
Fyang Smith
Lahat ng story ni Author nabasa ko na!! Waaaa cant wait sa iba pang mga character na mabubuo mo Author!!
2024-12-09 22:40:48
1
user avatar
Noti Bheb
ey nakakakilig, highly recommend guys
2024-09-21 18:53:30
1
user avatar
Divine Madrid
The stories are very close to reality it has a heart mkkrelate tlga and along the way it will make You think things that is happening in your everyday life my kilig at the same time it will open your mind to different kinds of realities
2024-09-10 06:19:41
1
user avatar
Arceli Galamgam
lady Ava story title m ni falcon and Agnes Gustavo Orion sandoval thunder colt sandoval Caleb sandoval pls....thankyou...
2024-09-03 17:40:10
1
user avatar
Kits abbey sario Sario
...️...️...️...️...️
2024-08-16 14:17:02
1
user avatar
Odessa A. Peru
ms.A story po ni calyx villegas please
2024-07-06 20:13:41
2
user avatar
Gloria Gina Diaz Calanog
Ms.A may story po b sina Knight at Sam???ano po title.
2024-07-02 19:53:40
1
user avatar
Mary Rose
,Mrs A pa update nmn po please
2024-06-28 18:59:08
0
user avatar
Analyn Bermudez
grabe Ms A inilabas na lahat lahat Ang mga hinanakit niya Kay mangangaso waaahhh grabe sakit sa dibdib..hoy mangangaso wag ka papansin Jan,, tumayo ka Jan,,naku naku sarap Ng moment ni sky Ikaw itong panira hahaha
2024-06-27 21:18:04
0
user avatar
Analyn Bermudez
pagkatapos Ang bagyo,may araw na sisikat...ganyan Ang nangyari Kay sky..bagamat nkamit na niya Ang katarungan sa pagkamatay ni lotlot Hindi parin Siya msaya dhil wla na tlga SI lotlot Ms A
2024-06-20 22:36:07
0
user avatar
Analyn Bermudez
grabe Ms A..tlgang wla na SI lotlot,Hindi ko parin tanggao na wla na Siya waaahhh cge sky umalis kayo Muna ni Lola ska kayo bumalik pra hanapin at singilin Ang tunay na may gawa sa pagkamatay ni lotlot...grabe Ms A sakit sa dibdib
2024-06-18 18:44:44
1
user avatar
Analyn Bermudez
grabe Ms A!!!! Anjan ung mapapatawa mo ako Anjan ung mapapasimangot mo ako at lalong Anjan ung mapapaiyak mo ako Ng gusto dahil sobrang durog na durog SI sky Dito Ms A....grabe ka,bakit ganun ...bakit kilangan mmtay ung pinsan niya kaisa Isang karamay niya sa lahat pra sa Lola nila...
2024-06-15 21:37:13
1
user avatar
Michelle Olaguera Estares Meneses
Habang binabasa ko itong story na ito..parang maiihi ako sa kakatawa kay Sky...........
2024-06-09 04:34:02
3
user avatar
Euren Jane Ligutan
i like the story..dami kong tawa
2024-06-01 00:44:03
2
  • 1
  • 2
69 Chapters
Prologue
"Si Hunter Sandoval, apo ."Awtomatikong akong napalingon kay Lola Valeria pagkarinig ko sa pangalang binanggit niya. Tinatanong ko kasi siya kung sino ang nakabili ng katabing lupa na may pinapatayong building sa tabi ng maliit naming tinadahan. Galing akong ibang bansa at kakabalik ko lang. Ilang taon din akong namalagi doon kaya nagulat ako sa mga pagbabago dito sa lugar namin. Kami lang dati ang nag-iisang bahay na may tindahan ang nagtitinda dito sa tabing kalsada. Kami lang din ang may maliit na kainan. Pero ngayon ang dami nang ka-kompetensya ni Lola. Ilang malalaking tindahan din ang nadaanan ko kanina. May convenience store at 7/11 pa. "Kay kinsa, La?" [Kanino, Lola?] Ulit kong tanong. Gusto kong masiguro kong tama ba ang narinig ko. Kasi kung si Hunter nga bakit dito pa? Dito pa talaga sa tabing pwesto ng Lola ko? Hindi man lang ba niya naisip ang mararamdaman ko? Sabagay, sino ba naman ako para isipin niya?Napangiti si Lola sa akin. Yung tipo ng ngiti na may halong pa
last updateLast Updated : 2024-04-15
Read more
Chapter 1
My name is Harriet Schuyller Echavez Brown. You can call me Sky. Naks! Pangalan pa lang maganda na diba? Pero wag kayong ma-disappoint dahil hindi ako yung maganda na nasa imagination niyo. I'm not your typical bida na maganda, matangkad at balingkinitan ang katawan. Maliit akong babae, 5'1" lang and height ko. Bonus na sa akin na maputi ako. Siguro yun lang ang masasabi kong medyo nakadagdag sa kagandahan ko. Ang sabi ng mga taong inggit sa akin, hindi ako maganda, maputi lang. Naku! Linyahan ng mga insecure. Tse! Siguro nga para sa kanila hindi ako maganda pero para sa akin maganda ako. Syempre! Sino pa ba ang pupuri sa akin kundi ako lang din naman, diba? Paano na lang kung ako mismo ayaw din sa mukha ko edi kawawa naman ako. Pero wag ka, sa liit kong ito, masipag at madiskarte ako . Bata pa lang, ako na ang kasa-kasama ni Lola Valeria na maghanap buhay. Ako ang side kick ni Lola. Katulong niya ako sa pagbubuhat ng basket ng mga paninda niyang bibingka. Ako din ang katulong
last updateLast Updated : 2024-04-16
Read more
Chapter 2
"Gaga ka talaga Sky tingnan mo nagalit si Pogi." Saglit pang nagloading ang utak ko pero nang makita kong naglalakad na si Pogi palabas nang kainan bigla akong nahimasmasan. Sa lagay ba aalis na lang siya nang hindi ko man ang nakilala? Aba'y! Hindi pwede! Hindi ako papayag na basta na lan siya aalis, kaya ang ginawa ko ay hinabol ko ito. "Sir! Sir! Wait lang!" Hinawakan ko ang kamay niya pero masungit itong tumingin sa akin. Nakataas pa ang isang kilay. "Woi! Grabe ka naman, sobrang seryoso mo po. Sorry na, load po ba hanap niyo? Meron po akong load dito." Dali-dali kong kinuha ang cellphone sa bulsa ko kahit hindi pa ito sumasagot. Magkasalubong pa rin ang kilay nito pero hindi ko na pinansin. "Number po? At magkano?" Hindi ito sumagot, sa halip nalipat ang tingin nito sa kamay kong nakahawak sa kanya. "Let go." Malamig nyang sabi. Sungit naman! Para hawak lang eh. Pero agad ko ding binitawan ang kamay niya at baka umigkas ito at mabigwasan ako. Mukhang legit pa namang yung
last updateLast Updated : 2024-04-17
Read more
Chapter 3
"Sky hindi ka pa ba matutulog?"Tumigil ako saglit sa pag-aayos ng mga dadalhin ko bukas sa school na mga projects at assignments ng mga nagpagawa sa akin. Bukod kasi sa pagtitinda ng kung ano-anong sa school kailangan ko pang maghanap ng ibang pwede kong pagkakitaan.Hindi sapat ang perang kinikita namin sa maliit naming kainan sa mga pang araw-araw namin na pangangailangan. Dahil bukod sa pagkain kailangan pa naming bumili ng maintainance ni Lola. Mabuti na nga lang at nagbigay daan sa akin so Lotlot at ako muna ang nagpatuloy sa pag-aaral dahil kung dalawa kami baka mas mahirap pa. Ang mahal na rin kasi ng mga bilihin ngayon. Halos lahat ata bawat linggo nagmahal, ako na lang ang hindi. Char!"Matutulog na ako pagkatapos nito. Kailangan ko lang ma-double check kung kumpleto ba lahat ng mga dadalhin ko bukas. Alam mo na kailangan natin ng pera pandagdag sa pambili natin ng gamot ni Lola."Ngayong college na ako ang paggawa naman ng mga projects at assignments ng mga kaklase at kak
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more
Chapter 4
"Wait for the police to come? Gago ba siya? Bakit niya ako ipapu-pulis? Wala akong ninakaw sa kanya." Lumakas ang boses ko kaya muling kumatok si Lola sa amin. Yung gigil ko sa ungas lagpas ulo ko na. Lahat ng kilig na naramdaman ko nung unang kita ko sa kanya ay napalitan na ngayon ng inis. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari sana pala hinayaan ko na lang siyang umalis. "Punta ka nalang daw doon diritso, nasabihan na daw ni Baby I mean ni Buboy ang security nila. Tsaka malay mo, bet ka din ni pog. Kunwari lang nagsusungit pero ang totoo gusto lang din na mapansin mo." Aba ibang style yan! Baliktad. Kung gusto niyang mapansin ko dapat hindi niya ako sinusungitan. Madali naman akong kausap. "Alam mo feeling ko crush ka ni Senyorito. Alam mo ba kanina nung tinitingnan ko yung reaksyon niya habang nagsasalita ka, kunwari nakakunot yung kilay niya pero halata namang pinipigilan niya lang ngumiti. Tsaka kung hindi ka niya type hindi yun magpapapigil sayo." Oo nga noh? "S
last updateLast Updated : 2024-04-23
Read more
Chapter 5
“Let’s go.”Umawang ang labi ko nang sa isang iglap hawak na ng lalaki ang kamay ko. Hindi ako nakagalaw agad. Parang napako ako sa kinatatayuan ko habang nakatingin sa kamay kong hawak niya. "Where are you going Hunter Cole? I didn't do anything to the kid."Wala naman talagang ginawa si Senyorito Gustavo sa akin pero galit siyang tiningnan ni Hunter na parang may kasalanan itong ginawa. Sinubukan ko pang kunin ang kamay ko sa kanya pero humigpit lang ang hawak niya sa kamay ko. Ayaw akong bitawan. Tinapunan niya pa ako ng tingin na may halong pagbabanta. Ba't siya nagagalit?"Hunter Cole." Ulit ni Sneyorito Gustavo pero hindi niya na ito nilingon. "Sir—" Tawag ko sana sa kanya pero mabilis niya akong pinutol. "I said, let's go." Ang kulay asul niyang mga mata ay matalim ang tinging pinukol sa akin."Saan po?"Hindi niya ako sinagot. Sa halip hinila niya ako palapit sa kanya. Kung makahila siya sa akin akala mo talaga may gustong umagaw sa akin mula sa kanya. Pagkatapos, inutusa
last updateLast Updated : 2024-04-25
Read more
Chapter 6
" "What?!” Kunot ang noong tanong nito sa akin. Wow! Sa dinami dami ng salitang lumabas sa bibig ko 'no' lang ang isasagot niya sa akin? Wag niyang sabihing di niya ako naiinitindihan? Masasapak ko na talaga ang ungas na 'to. "I don't get you." Lintek mapapalabang pa ako nito ng ingles. Translate ko ba lahat ng sinabi ko from the start o wag na lang? Wag na nga lang! Mas mahihirapan lang ako. "How much I'm gonna pay you for the trouble? Tell me." O diba kung maka 'tell me' ako akala mo may ari ng kabilang hacienda. May mababasag talagang alkansya nito 'pag nagkataon. Hinihintay ko ang sagot niya pero nagpakawala lang ito ng malakas na buntong hininga bago nagsalita. "Explain to me." Ah lintek mas gusto pa ata akong pahirapan eh. "Ang dami ng sinabi ko kanina, ang hirap e translate sa ingles." Nagkasalubong ang kilay niya."Talk slowly." "I said, I lost your card and I don't know how it happened. The last time I checked it was inside my bag but when I came here it wasn'
last updateLast Updated : 2024-04-25
Read more
Chapter 7
"You're not my type, Kid." He said like he really meant it. Woah! Sobrang straight forward naman! Ang sakit nun ah. First time ko pa lang mag-confess rejected na agad? Wala man lang pasakalye ang pagbasted niya sa akin. Hindi man lang dumaan sa let me think about it, diretso you're not my type agad? Para namang hindi ako nakakaakit sa lagay na 'to. Maliit lang akong babae pero maganda ang shape ng katawan ko, maganda ang shape ng mukha ko, makinis ang balat ko. And take note, hindi sa nagpi-feeling maganda ako pero marami ding nagagandahan sa akin. Marami ding gustong manligaw sa akin pero hindi lang ako pumayag. Kinulang lang talaga ako sa height pero attractive naman ako. And speaking of attractive, sinadya ko talagang magsuot ng damit na maa-attract siya. Pangmalakasan purple ako for todays vidyow. Pati mga hair clips na gamit ko purple din. Barney da ube ang peg ko ngayong araw. Hindi ko sinunod ang sinabi ni Lotlot sa akin na magsuot ng puti, hindi ako nagagandahan sa sarili
last updateLast Updated : 2024-04-26
Read more
Chapter 8
Saglit akong natigilan. Huminga muna ako ng malalim para maka-recover. Hindi naman ibig sabihin nun na titigil na ako. Pwede pa rin naman sigurong sumubok kahit ayaw niya. Tiningnan ko siya sa mga mata pero wala akong mabasang reaskyon doon. Kukulitin ko pa sana ito ulit pero natigil ako nang may kumatok sa bintana sa bandang likuran ko. Paglingon ko kung sinong ang nandun, nakita ko ang lalaking kamukha niya. Isa sa mga lalaking nakasakay sa kabayo kanina. "Fuck! What is he doing here?" Narinig kong mura ni Hunter at ang pagtunog ng lock ng pintuan. Kung masungit tingnan ang mukha ni Hunter mas masungit pa tingnan itong lalaking nasa labas Mas mukhang pormal at strikto din ito. May suot na itong puting t-shirt ngayon pero bakat ang katawan dahil basa ng pawis. Tiningnan ko kung saan banda ang pipindutin sa sasakyan niya pero bago pa man ako makagawa ng kilos binalaan na ako ni Hunter. "Don't open." Hindi rin naman alam kung paano ito buksan. Iba kasi ang button ng sasaky
last updateLast Updated : 2024-04-27
Read more
Chapter 9
Naiwan akong mag-isa sa kalsada, mabuti na lang at hindi na ganun kalayo ang lalakarin ko papunta sa main gate. Paglingon ko sa sasakyan niya, nasa malayo na ito pero nakahinto na. Hunter - 1 point Sky- Zero Bakit kaya siya huminto? Akala ko ba aalis na siya? Naghintay ako saglit, baka magbago ang isip niya at balikan ako. Ngunit ilang minuto na akong nakatayo doon pero hindi ito bumalik. "Ikaw kasi ang tigas ng ulo mo!" Paggalit ko sa aking sarili. Pagkapos malungkot akong ngumiti kahit alam kong hindi niya naman makikita. Sige lang. Okay lang. Ganun lang talaga siguro siya. Hayaan na lang natin. Baka hindi lang siya sanay sa ganung klaseng biro. Kasalanan ko rin naman, nag-feeling close agad ako. I crossed the line, nasobraan ang pagiging maligalig ko. "I'm sorry Senyorito." Mahina kong sabi. "Thank you din po sa bayad." Kahit malayo siya kumaway pa rin ako sa kanya para magpaalam. Parang tanga lang. Pagkatapos tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. "Hindi pwedeng
last updateLast Updated : 2024-04-28
Read more
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status