CHAPTER 4
"Isang sasakyan na lang ang gagamitin nating apat para walang hassle. At para sabay-sabay tayong makarating doon," suhestiyon pa ni EJ sa mga kasamahan niya.
Bukas na kasi ang seminar na dadalohan nila kaya naman nag uusap-usap na sila ngayong apat dito sa canteen. May nagbago rin sa tandem nila dahil hindi makakasama si Daniela. Ang nagpalit dito ay ang dalaga din sa CD na si Kyla.
Kanina niya pa nga ito napapansin na panay ang pa-cute sa kanya pati na rin ang bakla. Tanging ang seryosong mukha lang sa kasamahan niya ay si Alexa na hindi niya maintindihan kung bakit mainit lagi ang ulo sa kanya.
"I can drive, kaya naman sasakyan ko ang gagamitin ko papuntang Tagaytay," pagmamatigas nito.
"Hindi ka ba madadala sa pakiusap Miss?" asik niya sa kalmadong tono. Wala siyang ideya kung paano ba ito mapapaamo o kung may paraan pa nga para mapalapit siya rito.
'What a tough woman huh?'
"Hindi. Itong dalawa na lang ang isabay mo."
"Sige na, Lex. Ayaw mo pa ba? Hindi ka na mapapag