Shattered Promises (FILIPINO)

Shattered Promises (FILIPINO)

last updateTerakhir Diperbarui : 2023-10-27
Oleh:  LovieNotTamat
Bahasa: Filipino
goodnovel16goodnovel
10
2 Peringkat. 2 Ulasan-ulasan
71Bab
4.9KDibaca
Baca
Tambahkan

Share:  

Lapor
Ringkasan
Katalog
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi

After triumphing over her physical struggle, Alexandra Angela confronts the most daunting trial of her married life. Losing a child inflicts an unbearable pain and guilt upon her. However, discovering her husband's infidelity while they both mourn the death of their child shatters her soul. Just as promises can be broken, the once-golden vows can also be tainted by dishonesty, pain, and hatred.

Lihat lebih banyak

Bab 1

CHAPTER 1

~ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN-RAMIREZ~

..…please try your call later.

Ibinaba ko na ang phone ko. Hindi niya na naman sinasagot ang mga call ko. Hindi rin siya nagre-reply. Sinubukan kong tawagan si Jaivee.

“Hello Lex? Anong atin?” agad na usisa nito. Napasinghap pa muna ako bago nagsalita.

“Si Edrick Jhon ba kasama mo?” alangang tanong ko.

“Kanina. Pero umuwi na siya around seven, why?” Pinigilan kong mapasinghap ulit.

Nasaan kaya ang lalaking iyon at hindi pa rin umuuwi?  “Hindi pa rin kasi nakakauwi. Sige, salamat.”

Sunod ko na tinawagan ay si Pierce na isa sa madalas niyang kasama pero kagaya ni Jaivee ay wala rin itong ideya kung nasaan siya ngayon. Wala akong ibang magawa kundi ang mapasapo na lang sa aking noo.

Asan ka na ba love? Why are you doing this to me?  Naupo na lang ako at nagdesisyong magsulat na lang habang hinihintay siya.

Sabi nila, hindi sapat ang salitang ‘Mahal Kita’ para iparamdam sa taong mahal mo ang pagmamahal na meron ka para sa kanya. Ayon sa nakakarami, hindi sapat ang ikasal kayo, gumising sa umaga nang sabay, ipagtimpla ng kape o kaya ipagluto ang isa’t-isa.

At naniniwala na ako roon.

Ang kasal ay matamis lang sa umpisa. Pero habang tumatagal ay nagiging komplikado ito. Iyong hindi mo alam kung kaya mo bang panindigan ang mga pangakong inyong binitawan sa harap ng altar at karamihan. O kung kaya mo pa bang ipaglaban ang pagmamahal mo para sa kanya gayong siya naman ang kusang lumalayo.

“Nak, 11:55 pm na, hindi ka pa kumakain.” Napaangat ako ng tingin. Si Manang Peng pala.

“Wala pa ho si Edrick eh. Baka hindi pa rin nakakain ‘yon. Sige na po, mauna na kayong matulog, ako na ang bahalang magbukas ng pinto for him.”

“Hay naku! Naaawa na ako sa’yo Lex. Halos wala ka ng pahinga. Ilang linggo ka na bang ganyan? Ayos lang naman sakin kung ako na ang magbubukas ng pinto kay EJ.”

“Ayos lang talaga ako ‘nang. Matulog na ho kayo.”

“Sige. Goodnight nak.”

“Good night po.” Napatingin ulit ako sa screen ng laptop ko at binasa ang mga katagang aking naisulat doon.

Napabuntong-hininga na lamang ako. Ilang buwan na ba na ganito lagi ang senaryo?

Ganito ba talaga ang buhay mag-asawa? Normal pa ba ito?

Late siya laging umuwi. Kung minsan ay lasing pa. Kapag tinatanong mo ay hindi ka man lang imikin. Minsan naman ay nag a-out-of-town siya para dumalo sa isang show. Malalaman ko na lang dahil may mga post na sa I*******m ang kanyang mga kasama.

Kapag tinanong mo, sasagutin ka lang na wala na siyang time para magpaalam pa. Pwede namang bago umalis ng bahay ay magpaam, diba? Kaya nga rin nauso ang cellphone diba? Mahirap bang tumawag o mag-text?

Kung gusto ay maraming paraan. Kung ayaw ay madaming dahilan, sabi nga nila.

Kung minsan ay tumatanggap din siya ng Code Zero Mission sa Red Agents Organization ng hindi ko alam. Alam ko namang malaki ang kanyang ginagampanan sa RAO bilang isang Senior Agent pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi mag-alala. Isa rin akong agent kaya alam ko kung gaano kahirap ang isang CZM dahil ito ang pinakabuwis buhay na misyon.

Alam ko ring stress siya sa pagiging Main Vocalist niya sa Your Band na isang sikat na boy band sa bansa katulad kung paano ako stress sa writing career bilang isang sought-after author since nalaman ng lahat na ang totoong misteryosong manunulat na si Annseen at ako ay iisa lang. Pero sa ngayon ay hindi na Annseen ang ginagamit ko kundi Miss A.A. na.

Hindi ko nga rin alam eh kung asawa pa ba ang turing niya sa’kin. Natatakot akong tanungin siya dahil natatakot din ako sa magiging sagot niya.

Nagbago na siya. Pagbabagong hindi ko inaasahan. Pero pilit ko pa rin siyang iniintindi dahil umaasa pa rin ako na babalik siya sa dati. Na babalik ang Edrick na nakilala ko, na minahal at pinakasalan ko.

Naniniwala akong nasasaktan lang siya kaya siya nagkakaganito. Sobrang nasaktan lang siya sa nangyari isang taon na ang nakakalipas. Pero sana lang din naisip niya na hindi lang siya ang nadurog at nalugmok nang mawala sa buhay namin ang anak naming si Xandreik.

Yes, nawalan kami ng kaisa-isang anak at wala ng sasakit pa sa isang ina ang ganong pangyayari. Mas masakit pa sa pagkawala ng mga magulang, kaibigan at pinsan ko. Nilakasan ko ang aking loob dahil kailangang may maging sandigan ang isa sa amin. Na hindi pwedeng pareho kaming malugmok sa sakit.

It was traumatic but I chose not to give everything up and that's because of him. It's because he needs me more than I need myself. Well, that was what I thought but it seems like I was being wrong.

Ininda ko ang sakit para sa kanya dahil ayokong iyon ang magiging dahilan ng tuluyang pagkasira ng relasyon namin. Ayokong magaya kami sa iba na naghiwalay na hindi man lang ipinaglaban ang pagmamahalan nila.

Ngunit habang tumatagal ay nararamdaman kong unti-unti na rin akong bumibigay at ayokong dumating ako sa puntong iyon. Pipiliin ko na lang na mamatay kaysa sa mawala o papunta siya sa iba.

Sunod-sunod na doorbell ang pumukaw sa aking naglalayag na diwa. Nandito na siguro siya. “Hey! Open the door!” Tumayo ako at nagmamadaling pinagbuksan siya ng pinto. Naamoy ko na naman ang alcohol sa sistema niya.

“Bakit gising ka pa?” paasik niyang tanong. Inalalayan ko siyang makaupo sa sofa. Hinalikan ko rin siya sa pisngi. Wala man lang emosyon akong makita sa kanyang pagmumukha.

“Hinintay kita.”

“Sinabi ko bang hintayin mo ako?”

“Umaga ka na naman nakauwi. It’s 12:20 a.m already. Kumain ka na ba?” Hindi siya umimik. Nakapikit lang ang kanyang mga mata. Parang walang naririnig.

Why are you doing this to me? Para bang pinapatay mo na rin lang ko sa sakit Edrick!

“Pasok ka na sa kwarto. Magpalit ka muna ng damit bago matulog.”

“Ayoko.”

“Bakit? Wala akong kasamang matulog doon.”

“Dito na lang ako sa sala.”

“Malamig dito. Hindi mo kakayanin.”

“Ano naman?” sarkastiko pa siyang natawa. Napasinghap naman ako.

Magtimpi ka Lex. Nakainom lang siya.

“Saan ka ba kasi galing? Hindi ka man lang tumawag o nagtext man lang. Nag-alala ako sayo.”

“Work. Kailangan mo pa bang itanong ‘yan?” Work? Kasabay ba sa work mo ang pag-iinom? Sabihin na nating oo pero kailangan magdamag? Binata ba siya para umakto nang ganito? “Fine. Dumaan ako sa bar after ng shoot namin.”

Napasinghap na naman ako. Iyon na lang ang tanging magagawa ko para hindi na lumaki ang isyung ito.

“Bakit ka pa kasi dumaan doon? Pwede namang dito ka na lang uminom. Sasamahan naman kita. At least dito ay sigurado tayong safe ka. Alam mo namang nasa showbiz industry ka, diba?”

“Mas maganda roon, marami kang makakasama. Masaya, mawawala lahat ng problema.” Nagtagis ang bagang ko dahil sa sinabi niya. Gusto ko siyang bugbugin ngayon.

“Maraming makakasama? Mga babaeng bayaran, gano’n ba?” Hindi ko na napigilan pang asik.

“Hmmm… Gano’n na nga. Dami mong tanong. Ano bang pakialam mo?”

“Anong pakialam ko? Edrick Jhon Ramirez, asawa mo ako. Paano kung mabugbog ka roon? Paano kung naaksidente ka dahil lasing ka na nagmaneho? Ano sa tingin mo ang mararamdaman ko?”

“Mabugbog? I am not an agent from RAO for nothing Alexandra. Tsaka asawa? Ha! May asawa pa pala ako? Hindi ko naman ramdam eh.” Para bang dinamba ang dibdib ko sa salitang kanyang binitawan.

“L-asing ka lang, ‘wag ka nang magsalita pa.” Pilit kong kinalma ang aking sarili.

It’s the alcohol who’s talking Xandra. Bukas o sa susunod na araw ay magso-sorry din siya sayo.

“Bakit? Dahil nasasaktan ka? Kung nakinig ka lang noon sa akin eh di sana… Sana, masaya pa rin tayo ngayon!” Napakuyom naman ako. Ito na naman kami. Paulit-ulit ang usaping ganito. Paano kami makakapagmove-on kung araw-araw ay pinapaalala niya ang kasumpa-sumpang pangyayaring iyon?

“Walang may gustong mangyari 'yon sa anak natin, alam mo ‘yan.”

“Pero may magagawa ka pa sana kung pinili mong manatili sa tabi niya kaysa sa trabaho mo!” Napapikit ako dahil sa sigaw niyang iyon. Ang sakit ay dumadaloy sa lahat ng parte ng katawan ko. Tumatagos hanggang sa aking kaluluwa pero ayos lang.

Ayos lang ako dahil 'yon ang dapat. Kailangan niya ako para lumaban. Hindi ako pwedeng magpaapekto sa sinasabi niya. Nasasaktan pa rin siya, iyon lang 'yon.

“Pareho tayong wala sa tabi niya ng oras na iyon Edrick. Huwag mong isisi sa akin ang lahat.”

“Bakit hindi? Diba babae naman talaga ang dapat na nandidito sa bahay at nag-aalaga ng anak? Ang problema kasi, pera lang ang mahalaga sa’yo!”

“Hindi totoo ‘yan! Hindi ko kailangan ng pera dahil mas mahalaga kayo kaysa sa kahit na ano at alam kong alam mo ‘yan Edrick!”

“Ngayon ayaw mo pang aminin. Nahihiya ka ba?” Tumayo siya at pagiwang-giwang na pumasok sa kwarto. Naihilamos ko na lang ang kamay ko sa aking mukha.

Bakit gano’n siya? Bakit ako ang sinisisi niya sa nangyari?

Sinundan ko na lang siya. Tinanggal ko ang sapatos niya at inalalayan ko siyang makapagbihis kahit labag naman sa kanyang kalooban.

Tahimik na sumampa ako sa kama. Nakatalikod siya sakin. May agwat din sa pagitan namin. Kahit araw-araw na kaming ganito ay tila ba hindi pa rin ako nasasanay.

Kailan ba babalik ang dating ikaw Tsong? Miss na miss na kita. Miss ko na ang halik at yakap mo. Ang mga paglalambing mo. Ang pang-aasar mo.

Tatlong taon na kaming kasal pero pakiramdam ko ay hindi pa rin sapat ang panahong iyon. Change is really permanent.

Hinding-hindi kita susukuan. Pangako ko ‘yan sa’yo noong araw na ikinasal tayo, kaya sana, maalala mo rin ang pangako mo sa akin, Edrick Jhon Ramirez.

Vote. Comment. Follow.

Tampilkan Lebih Banyak
Bab Selanjutnya
Unduh

Bab terbaru

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Komen

user avatar
Fiona Chetty
is there english version to this
2024-05-20 21:18:50
0
user avatar
Hara Miya
will read this one too...
2023-10-17 23:56:54
0
71 Bab
CHAPTER 1
~ALEXANDRA ANGELA SEBASTIAN-RAMIREZ~..…please try your call later.Ibinaba ko na ang phone ko. Hindi niya na naman sinasagot ang mga call ko. Hindi rin siya nagre-reply. Sinubukan kong tawagan si Jaivee.“Hello Lex? Anong atin?” agad na usisa nito. Napasinghap pa muna ako bago nagsalita. “Si Edrick Jhon ba kasama mo?” alangang tanong ko. “Kanina. Pero umuwi na siya around seven, why?” Pinigilan kong mapasinghap ulit. Nasaan kaya ang lalaking iyon at hindi pa rin umuuwi? “Hindi pa rin kasi nakakauwi. Sige, salamat.” Sunod ko na tinawagan ay si Pierce na isa sa madalas niyang kasama pero kagaya ni Jaivee ay wala rin itong ideya kung nasaan siya ngayon. Wala akong ibang magawa kundi ang mapasapo na lang sa aking noo.Asan ka na ba love? Why are you doing this to me? Naupo na lang ako at nagdesisyong magsulat na lang habang hinihintay siya.Sabi nila, hindi sapat ang salitang ‘Mahal Kita’ para iparamdam sa taong mahal mo ang pagmamahal na meron ka para sa kanya. Ayon sa nakakarami,
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-09-27
Baca selengkapnya
CHAPTER 2
Medyo mabigat ang pakiramdam ko nang magising ako. Siguro ay dahil sa pagod na rin nitong mga nakaraang araw. Hindi na yata kinakaya pa ng katawan ko. Wala naman akong lagnat pero feeling ko ay meron. Agad akong napalingon sa pwesto ni Edrick. As usual, wala na naman siya.Kailan ka pa ba masasanay Lex? No… Ayokong masanay na wala siya lagi sa tabi ko. Natatakot ako na yun ang mag-uudyok sakin para sumuko. Bumangon na ako at dumiretso sa CR. After kung maligo at makapag ayos at linis sa kwarto ay bumaba na ako, baka sakaling maabutan ko pa siya.“Good morning nak.”“Good morning nang. Si Tsong?”“Ay! Kanina pa nakaalis. Akala ko ay gising ka ng bumaba siya rito kaya hindi na kita inakyat.” Napasinghap na lang ako at napatango-tango.“May sinabi ba siya 'nang bago umalis?”“Wala naman. Hindi nga rin ‘yon kumain eh.”“Hindi kumain? Bakit naman?”“Hindi ko rin alam. Ikaw ba, kumain ka kagabi?”Nasapo ko ang aking noo. Kaya naman pala nanghihina ako dahil nakalimutan ko ng kumain. Natulo
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-09-27
Baca selengkapnya
CHAPTER 3
Nagising ako dahil sa kalabog ng pinto pero nanatili akong nakahiga dahil sa sobrang sama ng pakiramdam ko. Napadako ang tingin ko sa taong pumasok at nakahinga ako ng maluwag ng mapagtantong siya pala.Salamat naman at naisipan niya pang umuwi."Where have you been last night?" usisa ko sa kanya. Ininda ko ang sakit ng ulo at bumangon."Sa hotel.""Bakit hindi ka man lang nag-text?""Wala akong load."Walang load? Impossible! "Eh di sana..." hindi ko na lamang itinuloy ang sasabihin ko pa sana. "Maligo ka na. Ako na ang maghahanda ng bihisan mo. After that, kumain ka muna bago umalis." Tinitigan niya pa muna ako saglit at saka pumasok na sa CR.Napasinghap na lang ako at kinuhanan na siya ng damit. Inilapag ko iyon sa kama at saka nauna nang bumaba."Oh? Aga mong nagising Lex," puna sa akin ni Manang Peng."Umuwi pala si Tsong?""Oo, pero kakarating niya lang din. Ang sabi ay maliligo lang. Aalis din daw agad siya. Sinabi ko sa kanyang may sakit ka...""Ayos lang naman ako. Kaya ko
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-09-27
Baca selengkapnya
CHAPTER 4
Nandito na ako ngayon sa isang private cemetery para dalawin si Baby Xandreik. Today is his birthday also. Ang buwan at petsa na ipanangak ko siya ay siya ring pagkawala niya.Kahit anong sabihin ko, kahit anong pandiwa pa ang gamitin ko, walang salitang makakapaglarawan sa sakit na aking nararamdaman hanggang ngayon.Sa dinarami-dami, bakit siya pa? Bakit ang anak ko pa? At 'yong pinakamalala? Hindi lang anak ang nawala sa'kin kundi mukhang pati asawa ko and it's scares me to death.Iyong gustong-gusto kong bumitaw pero hindi ko kaya. Hindi ko kakayanin ang sakit kapag pati siya ay nawala. I can't live without him anymore.Kahit kailan ay hindi ko nakita ang sarili ko sa ganitong sitwasyon. Na magtitiis ako dahil lang sa taong mahal ko. Dahil sa taong paulit-ulit na ni-re-reject ako. Rejection na pinakamasakit.Nasasaktan ako pero alam kung mas masasaktan pa ako kapag binitawan ko siya, kapag mapunta siya sa iba.What about us? What about those promises that we made? The memories we
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-10-18
Baca selengkapnya
CHAPTER 5
What to wear, huh? I should dress formally so I won't look like a beggar when I face her.I also applied light makeup to hide the sadness and pain that have taken over my system.I'll let her see the other side of me.I hurriedly left the house when I received her message. She agreed to meet me.Good news, then. Be prepared, Alexandra. If you don't do this now, when will you? When it's too late? When there's nothing left of you? Don't be a loser.Tumunog ang phone ko kaya agad kong sinagot."Ma'am?" bungad ng secretary ko. Hindi pa man ito nakakapagsabi ng pakay nito ay alam ko na iyon at may sagot na rin ako sa concern nito. "Yes?" kaswal kong tugon. "Meron ka pong tatlo meeting today...""Cancel mo lahat," kaagad kong pamumutol. "Po?" naninigurado nitong usisa. Kahit gaano ako kapagod at ka-busy ay hindi ko ugaling mag-cancel ng appointments kaya malamang ay nanibaoo ito. "I said, cancel mo lahat. May mahalaga akong appointment ngayon.""Noted po."Agad na pinaharurot ko na ang
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-10-18
Baca selengkapnya
CHAPTER 6
Nandito ako ngayon sa isang Caffee with Mr. Maxwell Lawrence "Thank you for investing and for trusting me on this, Mr. Maxwell. I am giving you the assurance on this.""Well, no need to thank me, Miss Sebastian. Business is business." Napatango naman ako. Wala na siguro akong magagawa tungkol sa Miss or Mrs. issue niya sa akin."Mauna na ako." Nagulat pa ako nang mabilis niyang hinawakan ang braso ko.Napataas-kilay naman ako. He's always acting weird since we met. Konti na lang iisipin kung may gusto ito sa'kin.Bakit? Dahil una, hindi man lang ako nahirapang mag-set ng appointment with him. Pangalawa, walang alinlangang pumayag siya na mag-invest sa PC ko. Pangatlo, parang concern siya sa'kin everytime na nagkikita kami.In short, ibang-iba ang Maxwell na ito sa Maxwell na sinasabi nilang rude, jerk, cold, snobber at kung ano-ano pa.["You look so stressed, Miss Sebastian.""Mrs. Ramirez.""Whatever. Magpahinga ka naman minsan. Isa ka sa mayamang tao sa bansang ito kaya hindi mo na
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-10-25
Baca selengkapnya
CHAPTER 7
"Hello?" sagot ko sa tawag ni Pierce."Lex! Busy ka ba mamaya?" "Hindi naman. Why?""Just wanna invite you sa party.""Party?""Yes. Birthday ko kasi." Natigil naman ako sa pagsusulat at napasandal sa kinauupuan ko."Oh... Happy birthday.""Thanks. Ano? Makakapunta ka ba?""I am not sure pero susubukan ko. Saan ba ang venue?" nag-aalangan kong tanong."K's Bar. Mas gusto ko kasing sa labas i-celebrate ang birthday ko rather than home. You should come. Pupunta rito sina Edrick and Crisha." Natigilan naman ako.Si Edrick na hindi ko man lang namamalayang umuwi at umalis ng bahay. Late na masyadong umuwi at masyadong maagang umalis. Minsan ay natituyempuhan ko siya pero parang hindi niya naman ako kilala."Sorry ha? Hindi ko agad nasabi sa'yo ang napapansin ko sa kanila.""It's not your fault. Sige, pupunta ako ""Yay, salamat, Lex. See you later. Bye.""Bye." Napasinghap naman ako.Muli na naman bang pagtatagpuin ang landas natin, Crisha? Sinabihan na kita pero hindi ka nakinig. Ang ka
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-10-25
Baca selengkapnya
CHAPTER 8
Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Kinusot-kusot ko pa. What happened?Nasa clinic ako ng RAO. Naalala kong natamaan nga pala ako ng bottle ng wine. Napabuntong-hininga na lang ako.Ginawa ko 'yon dahil sa iisang rason. Napailing na lang ako. Napakadesperada ko na nga talaga. Hindi ko na mahanap pa ang dating ako."Mabuti naman at gising ka na." Agad akong napalingon sa may pinto.It's Edrick. Mabuti naman at nandito siya. Buong akala ko ay hindi ko na naman siya mamamataan dito.Bumangon ako at naupo kahit nahihilo pa rin ako."Anong sumagi sa isipan mo at sinalo mo ang bottle gamit ang noo mo ha? Nag-iisip ka ba talaga, Xandra?""You asked me to take good care of Crisha, diba? Kung hindi ako ang natamaan ay malamang na siya." Nagtagis naman ang kanyang panga. "Pero hindi ko sinabing ipahamak mo ang sarili mo.""Hindi nga. Sa tingin mo ba kung siya ang natamaan no'n ay nandito ka ngayon at kinakausap ako ha? Malamang siya na naman ang kasama mo, siya ang binuhat at inalaga
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-10-25
Baca selengkapnya
CHAPTER 9
"You know what?" bungad agad ni Lovely. Kakapasok nga lang niya. Nasa pad ko lang ako, pinag-aaralan ang hawak kong kaso.Hindi ko alam kung anong nangyayari pero mula dito sa loob ay naririnig ko ang ingay nila.Ilang buwan na rin akong nakatambay dito sa camp. Wala akong ginawa kundi magkulong at mag-isip magdamag.But later on, na realized ko rin naman na may mas mahalaga pang mga bagay na dapat kung pagtuonan kaysa sa masalimuot kong nakaraan.Mas nakakawalang gana lang kapag sumasagi sa isip ko ang nakakatangang parte ng buhay ko.Kaya nga the moment na natauhan ako ay agad na inayos ko ang aking landas at sunod-sunod na kumuha ng misyon.Pang limang misyon ko na itong kidnapping na naganap. Sana katulad ng apat ay mapagtagumpayan ko rin ito. Ito ang pinakamahalaga at makahulugang misyon para sakin kung magkataon."Ano? Bakit ang iingay niyo? Hindi ako makapag-concentrate sa ginagawa ko.""Kasi naman..." May inilapag siya sa kama ko. Sobre iyon. Tumayo naman ako at sinuri iyon."
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-10-25
Baca selengkapnya
CHAPTER 10
"Sure ka? Ayos lang na makasama mo siya sa misyon?" paninigurado pa sakin ni Jaeve.Wala naman na akong choice. Kung hindi ko siya tatanggapin as a partner then I need to quit from that mission bagay na hinding-hindi ko gagawin. Bakit? Dahil una ay interesado ako. Pangalawa, ay kahit sa misyon man lang na ito ay may mailigtas akong buhay ng inosente. Pangatlo ay nararamdaman kong parang kailangan ko talagang hawakan ang kaso nina Mr. Chan. Pang-apat, bakit ako ang bibitaw? Nauna yata ako sa misyon na iyon! Besides, I am not good at giving up without trying my best at all. I will just consider this as one of the inevitable situations since we still belong to the same group."Yes," tipid kong sagot. Tumayo na muna si Jaeve at nagpaalam na lalabas. Naiwan kami ng daot niyang girlfriend."How about your... You know!" makahulugang usisa nito agad."My what? Past with him?" tumango naman ito"I don't even remember kung ano ba talaga ang nangyari samin. Paano ako magluluksa?" Napatitig lang
last updateTerakhir Diperbarui : 2023-10-25
Baca selengkapnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status