CHAPTER 9
Hindi mapakali si Edrick sa kanyang silid. Malalim na ang gabi pero hindi pa rin siya makatulog. Maraming bagay ang bumabagabag sa isip niya at isa na doon si Annseen na hanggang ngayon ay hindi niya pa rin matukoy kung sino pero gayunpaman meron na siyang tatlong taong pinanhihinalaan.
Oo, tatlo iyon. Pero pakiramdam niya ay malapit na siya sa katotohanan.
Pero mas nababagabag siya dahil sa nangyari kanina sa pagitan nila nina Xandra at Blythe.
["Magsama kayong dalawa! Mga straw."]
Napailing na naman siya. Sa totoo lang ay kanina pa iyon paulit-ulit sa kukuti niya. Iniisip niya kung bakit pati sa kanya ay nagalit ang dalaga.
Pumasok din sa isip niya ang sugat nito sa paa.
'Hindi ko man lang agad iyon napansin. Shit! Napaka isang tanga mo talaga EJ! '
["Mas gugustuhin ko pang magpatusok ng pins sa buong talampakan ko kaysa sa makausap ko kayo!"]
'Urrgh! Nakokonsensiya yata ako!'
Agad niyang kinuha ang cellphone niya at tinawagan ang babae. Gusto niya itong kamustahin.
Gust